"Finished or unfinished. Past your papers to the front"
Napainat ako nang kinuha na ang test paper sa ibabaw ng mesa ko. Napapailing pa dahil kahit sapat naman ang ibinigay na oras sa'min para magsagot nang exam ay hindi ko nasisigurado kung tama ba ang mga naisagot ko.
Kinuha ko kaagad ang libro ko at agad na binuklat ang mga pahina. Math pa naman ang naging kauna-unahang exam namin. Feel ko ubos na ang brain juices ko. Piniga ang utak ko dahil sa hirap ng mga tanong. Kailangan pa isulat kung paano sinolve, show your solution pa!
"20 minutes break bago natin sisimulan ang next exam niyo"
Napa-angat ang tingin ko nang magsilabasan ang ilang mga ka-klase ko. May iba namang nag stay dahil nagpre-prepare sa next exam na anunsyo ni ma'am. Dahil na 'rin siguro sa unang exam ay parang nawalan na ako nang ganang magbuklat pa ng libro at basahin iyon. Tumayo nalang ako at lumabas sa classroom dala-dala lang ang wallet at ang pagmu-mukha ko.
Nagtungo ako sa cafeteria at nang makarating ay pumila kaagad ako sa hindi gaanong mataas na pila. May klase pa ang mga lower grades kaya kami pang mga taga fourth year na mga ka-klase ko ang nandito. Ang ibang section naman ay nagte-take pa ata nang kanilang exam. Examination week kase ngayon. Third quarter examination na kaya mas lalong pahirap na pahirap ang mga naging lectures, projects, orientations at ang mga naging tanong sa exam. Malapit na kaming grumaduate sa junior high, mag se-senior na next year.
Nang ako na ang sumunod sa pila ay nag-order lang ako nang isang bottled water at isang biscuit na Extreme. Bumili din ako nang tatlong max candy para mamaya. Nang maibigay ko na ang sapat na bayad ay umalis kaagad ako pagkatapos. Wala naman din akong kaibigan o kasama kaya hindi na ako nag stay sa cafeteria.
Habang iniinom ang tubig na binili ko ay tahimik akong naglalakad. Wala naman din akong dahilan para magingay.
Sa rami-raming nakasabay kong maglakad ay ang nerd pa na ka-klase ko. Por que tinawag nilang nerd ang tingin kaagad nila mahilig sa libro, hindi maayos sa sarili at mukhang aswang sa tabi-tabi. Mas may alam lang siya kesa sa iba. Maayos naman ang damit niya at mas maayos pa siya kesa sa ibang mga estudyante nagmukhang pulubi dahil sa make-up nilang mukhang sinampal nang kapre.
Tahimik lang siya at nang mapansin ako ay nahihiyang ngumiti siya at mas binilisan pa niya ang paglalakad. Hinayaan ko nalang siya at binagalan ang paglalakad ko. Baka natatakot din siya sakin. Katulad din nang iba.
May oras pa naman ako kaya hindi muna ako pumunta sa classroom. Nagtungo ako sa ibang dereksyon at hindi ko namalayang napapad ako sa may likuran nang building nang Junior High. Wala akong estuyanteng nakikita o naaninag. Tanging preskong hangin at ang ingay ng mga ibon lang ang naririnig ko. Tinapon ko muna ang bottled water na wala nang laman sa trashcan na nasa gilid bago umupo sa isang bench.
Nakakapanibago. Ang tahimik. Ang sarap sa pakiramdam.
Habang abala ang mga mata ko sa kakatingin sa paligid ay kumakain naman ako nang biscuit na binili ko. Maliliit lang ang kagat na ginawa ko para matagal maubos. Nakaramdam din ako nang kaunting lamig dahil sa hangin. Medyo makulimlim ang langit. Mukhang uulan. Nagliparan ang mga ibon sa himpapawid. Ang gandang pagmasdan.
"Teamwork! Kailangan lang nang teamwork para makapunta tayo sa Palarong Pambansa!"
Napaigtad ang tainga ko nang makarinig ng malakas na boses sa may gilid. Kagat ang biscuit akong napatingin sa gilid at nakita ang tatlong matatabang mga lalaki na may hawak na plastic cup na sa tingin ko ay nanggaling sa mamahaling coffeeshop. Magagara din ang mga suot nila. Fit na fit ang mga damit. Naka tuck-in pa kaya mas lalong bumakat ang kanilang katabaan sa suot nila.
"Bakit ba kase nagaway ang mga players natin? Na-out tuloy tayo sa laro! Kainis, hindi manlang tayo naka-abot sa semifinals!" naiinis na sabi nang isang matabang lalaki na sa tingin ko ay leader nila. Leader ba talaga? Hindi ako sure. Ang dami niyang alahas. Pinagmumukha niya talagang mayaman siya sa kanilang tatlo. Pati relo kulay gold. Mukhang pinakulayan lang naman.
Tahimik lang akong nagmamasid habang patungo sila sa isang kotseng nakaparada sa gilid. Hindi ko naman namalayang may kotse palang nakaparada. Nagtataka din ako kung kakasya ba silang tatlo sa kotse. Mukha kaseng hindi.
Huminto sila sa gilid nang kotse at mukhang may hinihintay pa. Naguusap sila. Ilang sandali pa ay may nakita nalang akong lalaking kakalabas lang kung saan nanggaling kanina ang mga matatabang lalaki. Literal na napako ang tingin ko sa lalaking naglalakad na parang model patungo sa mga lalaking nag-uusap sa gilid nang kotse.
He's wearing a white polo. Nakasabit sa balikat niya ang skyblue na blazer. Ang linis nang polo niya at bagay na bagay sa maputi niyang balat ang nakaka-attract na kulay black niyang relo. Magulo ang pagkaka-ayos ng kaniyang buhok at may kaunti siyang bangs na pumapantay na sa kaniyang mata. Mukhang sa ibang paaralan siya nag-aaral. Ngayon ko lang nakita ang pagmumukha niya. Matangkad. Side features palang ng mukha niya ay kitang-kita ang magadang tangos nang ilong at ang kaniyang panga.
"O, Obrigon. Bakit ka natagalan?" tanong nang matabang lalaki sa kaniya nang makarating siya sa harapan nila. Napakurap ako nang makita ang pagsilay nang ngiti sa labi niya.
Nakangiti siya.
"May kinausap pa kami coach"
Napalunok ako nang marinig ang sagot niya. Hindi ako nagkamali sa aking narinig. Coach. Coach niya yang matabang lalaking yan?!
"Nakaka bad mood ang araw ko. Sa susunod na palaro ay dapat makasali na tayo sa Palarong Pambansa. At ikaw," napataas ang kilay ko nang tinuro nang matabang lalaki ang kaharap niya "Ikaw nalang ang tanging pagasa namin. Don't disappoint me Obrigon"
Hindi ko na narinig ang paguusap nila dahil pumasok na ang tatlong matataba sa backseat nang kotse. Hindi din ako makapaniwala dahil nag kasya ang tatlong mataba sa backseat. Binuksan naman nang lalaking nakapolo ang front seat. Akala ko ay sasakay na siya pero nagulat nalang ako nang mapatingin siya sa dereksyon ko.
Dahil sa gulat ay napatitig ako sa kaniya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako pero tuluyang sumingkit ang mga mata niya dahil ngumiti siya.
Ngumiti siya.
Hindi ako nakapag ganti nang ngiti dahil mas lalo akong nagulat sa pagngiti niya. My mind was clouded. Ang perpekto niyang mukha ay kitang-kita ko.
Tumalikod na siya nang wala akong nagawang reaksyon o ganti man lang sa ngiti niya. Sumakay na siya at agad na sinara ang pinto ng sasakyan. Lumilipad ang isip ko habang tinitingnan ang likuran nang kotse papalayo. Nawala na ang kotse sa patingin ko pero napatunganga pa rin ako.
'Yon pala ang unang pagkikita namin.
Ang unang kita ko sa pag-ngiti niya.
Ang unang paghagip ng mga mata ko sa gawi niya.
Ang huling pagkakataon na masilayan ko ang ekspresyon na 'yon na labis kong hinangaan.
If I couldn't save everyone's lives. I could, maybe...
Save this one...
Save him...
![](https://img.wattpad.com/cover/282912646-288-k232482.jpg)