CHAPTER TWO
"Grabe ang kaba ko habang oras ng klase! Mabuti na lang at hindi pa siya pumapasok pero baka mamaya nandito na 'yon kaya naman wag ka ng uupo diyan!" nang tumunog ang school bell hudyat para sa dinner break ay agad na lumapit sa akin itong si Shae para sabihin sa akin ang mga litanyang ito. Kung anu-ano ang pinagsasabi niya, hindi ko naman maintindihan.
Mag a-ala siete na ng gabi, dadaan muna ako sa room number na ibinigay sa'kin para kunin ang dadalhin sa'king school uniform. Busog pa naman ako kaya okay lang kung hindi na ko makakain.
Yes, our school schedule is at night but it's not because vampires are afraid of the sun. A real bat does but a bat in a human form doesn't. It just that they are more active at night. That's it.
"Makinig ka kay Shae. Madalas wala siyang sense pero tama lang ang sinabi niya. Bumalik ka na lang doon sa kanina mong pwesto" pag tayo ko mula sa kinauupuan ko ay nakita ko sina Marco at Mistika sa likod ni Shae, nilapitan din nila ako while si Leondre naman ay nandoon pa din sa pwesto niya, sa likod.
"Ano bang meron?" medyo naiiritang tanong ko.
"Diyan kasi naka-upo si Pressy." sagot ni Shae.
"Pressy? Sino 'yon?"
"She mean—the President of this class." paglilinaw ni Mistika.
"Hindi ba si Leondre ang class president?" pag ka-klaro ko. Dahil sa nakakatakot nitong awra, akala ko matik nang siya ang head sa lahat ng bagay dito sa Gore. Yes, nakakatakot nga ang awra niya but not for me. Ewan ko, para kasi sa'kin, sa una lang intimidating ang presensya niya.
"Take note, Andi. Hindi lang siya basta class president. For your information, he's also the head of the Supreme Student Government." ani Shae.
What the heck.. Andi?
"So? First day of class ngayon. Wala siya. Isa pa, walang pangalan'g naka-ukit sa pwestong ito. It means, walang nag mamay-ari nito. Uupo ako dito hangga't gusto ko dahil ako ang nauna" napaka komportable ng pwestong ito. Gusto ko dito. "Bakante naman itong katabi ha? Dito na lang siya—kung sinoman 'yang tinutukoy niyo. Una na ko. Kukunin ko muna ang uniform ko."
"Bahala ka, Andi! Basta nag sabi na kami sa'yo!" sigaw ni Shae nung dire-diretso na akong lumabas ng silid. Bahala din sila. As if naman na mapipigilan ako.
Pag liko ko ay may aksidente akong naka-bangga. Napahawak ako sa balikat kong tumama dahil sa sakit na naramdaman ko dito. Iniangat ko ang tingin ko at nakita ang isang lalaki na nakababa ngayon ang tingin sa akin. Umayos ako ng pagkakatayo at pinukulan ng iritableng ekspresyon ang lalaking naka-banggaan ko.
Hindi ko maaninag ng maayos ang kanyang mukha dahil sa may kahabaan ang buhok nito at dahil sa buhok niyang iyan ay natatakpan na ang kanyang mga mata. Naka salamin pa ito pero base sa nakikita ko ay blanko lamang itong ekspresyon na meron siya ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/239455752-288-k288464.jpg)
BINABASA MO ANG
Gore Academia: School of Vampires
VampireDo you believe in vampires? If not then I'll prove you wrong. Come and join me in Gore Academia where vampires do exist. Once you are in, there's no way out. Think thrice.