04. Dream Manipulator

21 1 0
                                    

CHAPTER FOUR

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER FOUR

Napabangon ako sa pagkakahiga nang marinig ko ang malakas na tunog ng alarm clock sa bed side table ko. Inabot ko iyon at pinatay. "Fuck!" napasapo ako ng noo at napa-pikit ng mariin nung makaramdam ako ng kirot sa bandang ulunan ko.


"What the hell was that?" inis kong usal nang silipin ko ang sariling repleksyon sa salamin at makitang suot ko ang white pajama dress ko, "It was all just a dream?" itinaas ko ang tingin ko at nakitang naka sabit ng maayos ang black hoodie na suot ko kanina—I mean, ang black hoodie na suot ko sa panaginip ko. 


"So it was all really just a dream." damn. Bakit parang totoo?


Tumayo na ako't nag asikaso ng sarili. Habang na sa shower ay iniisip ko pa din ang mga eksenang nangyari sa panaginip ko, "Vermilion eyes" he has it. Posible kayang totoo ang nakita kong iyon? Ganoon din kaya ang klase ng mga mata na meron siya? Kung ganoon nga, then, nangangahulugan lang iyon na mas malakas pa siya sa inaasahan ko.


Pinihit ko at sinarado ang shower valve matapos kong gamitin ito. Binalutan ko ng tuwalya ang sariling katawan at lumabas na. Umupo ako sa tapat ng vanity table at inumpisahang patuyuin ang buhok ko gamit ang hair towel bago ko ito ginamitan ng hair dryer. 


Matapos mag patuyo ng buhok ay sinimulan ko ng ayusan ang aking mukha. Cream, blush on, powder, eyeliner, maskara and lipstick, "I do really look like a badass" sambit ko habang nakatitig sa salamin. Tama nga ang sinabi ni Mistika. Tss. This is what a badass bitch looks like. Anyway, I don't care.


Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at sinuot ang hinanda kong black ribbed top and denim pants. Hindi pa naman oras ng klase kaya ayos lang kung hindi ko muna susuotin ang uniporme namin. Matapos kong mag ayos ng sarili ay saktong naka-rinig ako ng tunog ng pag katok sa pinto.


Lumapit ako doon at binuksan. Sa paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Shae.


"Ay grabe! Kakain lang tayo ng almusal pero yung ayos mo, Andi, parang hanggang mamaya na" bungad na aniya sa akin pero inikutan ko lamang ito ng mata, "Kamusta nga pala ang tulog mo?" tanong niya. Sa tanong ni Shae na ito ay muli ko na namang naalala ang panaginip ko.


"Panaginip nga lang ba talaga?" wala sa sariling tanong ko. 


"Ang alin?" naguguluhang saad ni Shae pero hindi ko ito pinansin. Sa pagkakatanda ko ay mayroon pang anim na stick ang isang kaha ng sigarilyo ko. "Huy Andi! Anong panaginip yang sinasabi mo?" osyoso nito.

Gore Academia: School of VampiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon