Third Person's POV
"Ano bang gusto mong gawin sa buhay mo. Ayaw mong mag-aral. Ayaw mong magtrabaho. Ayaw mo nadin bang mabuhay?!" Ang tanung ng Papa ni Kookie. Kinukumbinsi niya itong mag-aral.
"Pa. Magpapahinga lang po ang gwapong gwapo niyong anak. Isang taon lang. Wag na kayo magalit. Nagmana ako sa inyo." Pampipikot nito sa utak ng kanyang Papa.
Napabuntong hininga nalang ang nasa kabilang linya. "Bahala ka sa buhay mo. Kung nanjan lang kaming dalawa ng Mama mo eh. Basta isang taon lang. Kung hindi isasako kitang buhay."
"Opo daddy kong mahal ko na, lab ko pa. Sige na busy pa kayo sa work. Love ko sarili ko. Annyeong!" Binaba na ni Kookie ang phone bago pa magsalita ulit ang Papa namin este niya pala. Bwahaha. Sorry nadala lang. ∩__∩
Lumabas siya ng bahay para magpahangin. Nakarating siya sa isang park. Ang kawawang Kookie ko mag-isa lang. Samahan na kita beybe! •﹏•
Jungkook's POV
Nakakita ako ng matandang babae. Hindi niya mabuhat yung gamit niyang dala. Hindi ko sana tutulungan pero naaawa ako.
"La, ako na pong magbubuhat niyan." Ang bait ko talaga.
"Thank you iho. Ang gwapo mo na, ang bait mo pa." Inabot ko yung mga gamit at binuhat.
"Salamat po. Saan niyo po ba dadalhin to?."
"Doon sa apo kong walang kwenta. Halika samahan moko." Itinuro niya sakin ang daan. Sumunod nalang ako, napasubo na ako eh.
Nakarating kami sa isang apartment. Umakyat kami hanggang 4thfloor at tumigil sa tapat ng isang pinto. Nagbukas ito...
"Walang hiya kang bata ka. Sinabi kong sunduin moko. Anong ginawa mo ha!." Pumasok na ito sa loob. Sumunod ako.
"Lola, tulungan moko. Naipit yung kamay ko. Hindi ko mahila.!" Boses ng babae. Yan siguro yung walang kwentang apo...
"Apooooo!!!" Nagmamadaling lumapit si Lola sa apo niya.
Nakita kong naipit sa may paa ng kabinet ang kamay niya. Hindi naman ito masyadong ipit. Hindi lang talaga matanggal yung kamay niya. Kailangang buhatin ang mabigat na kabinet. Tutulungan ko ba? Paano kung mahalata nilang unusual yung lakas ko.
"Hindi mo ba ako tutulungan? Tutunga ka lang diyan?!" Nakita niya pala ako. Binitawan ko ang gamit ni lola pero hindi padin ako lumapit.
"Iho parang awa mo na. Iligtas mo itong apo ko. Kahit wala siyang kwenta. Mahal ko ang apo ko!" Pagmamakaawa ni lola.
"Basta i-promise mong...." Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko.
"Oo, ibibigay niya yung pinakamahalang bagay sa buhay niya. Iligtas mo lang siya.!" Pang-aagaw ni lola.
"Lolaaaaaaaaa!!" Sumbat ng apo niya.
Napangiti ako. Tsktsk. Pasaway ka lola. Bata pa akooo! LOL @#$%&
Binuhat ko ng bahagya ang kabinet at saka ko hinila ang kamay niya.
"Lolaaaa! Binenta mo ang kaluluwa ko para lang dito sa bagay na to!" Mangiyak iyak pa niyang sabi habang niyayakap siya ng lola niya.
Tumingin sakin yung lola niya. "Joke yung sinabi ko. Baka maniwala ka iho." Napangiti ako lalo.
As if naman papatulan ko tong iyaking apo ni lola.
"Alam ko po. Sige aalis nako." Tumalikod na ako at naglakad. Narinig ko pa ang salamat kay lola bago ako lumabas ng pinto.
"Ssss-sandali!"
Napalingon ako.
"Salamat." Mahinang sabi nung babae.
Hindi ako umimik. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Biglang nagring ang phone ko. Si V Hyung nagtext...
"Kookie, save me."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ang mahal kong V Hyung nasa hindi mabuting sitwasyon. Pero saan ko siya hahanapin? Tinawagan ko si Jin Hyung.
"Si V nasa panganib!?" Ang tanong nito.
"Oo. Nagtext sakin." Seryosong sabi ko.
"Nasa panganib siya dito aa tabi ko. Wait lang bubugbugin ko." Pinatay na ni Jin Hyung ang celphone niya.
Nireply'n ko ang text ng magaling kong kapatid. "Nawa'y mautot ka sa klase mo. Labyo."