Nasumi's POV
"Okay. Class dismissed." Paalam ng professor namin. Masayang-masaya ako. Ako kasi ang nagtop sa recent examination namin.
"Ui, congrats. Ikaw na!" Sabi ni Ilhoon. Bestfriend ko.
"Thanks." Ngumiti ako nga pagkatamis-tamis. "Kailangan ko talaga ng scholarship. Alam mo namang mahirap lang kami."
"Eh bakit ba kasi dito mo pa napiling mag-aral, pwede naman sa mga schools na mura lang ang tuition fee." Ilhoon. Ang daldal na naman niya.
"Sorry naman. Parents ko naman ang nagdecide. Kasalanan ko ba? Tsaka maganda daw ang quality of education dito kaya gusto ko din dito." Mahaba kong paliwanag.
Tumango-tango nalang siya. "Kaso siguradong pag-iinitan ka ng mga babae. Dahil natalo mo ang pinakamatalino dito sa buong school." Bumuntong hininga siya.
"Hindi ko naman kasalanang mas matalino na ako sakanya ngayon." Walang gana kong sagot.
Tinabig ako ni Ilhoon at ininguso ang paparating. Si Namjoon, ang pinakamatalino sa buong school. Linagpasan niya lang kami. Nagtinginan kami ni Ilhoon.
"So ikaw pala yung pumalit sakin?" Narinig kong sabi nito mula sa likuran ko.
Liningon ko siya. "Ako nga. Bakit?" Lakas loob kong sabi kahit sa totoo lang ay kinakabahan talaga ako. Bukod sa ang gwapo niya, baka ibully niya ako at ng mga girlfriends-kuno niya.
Seryoso siya. Pero ilang sandali lang ay ipinasilay niya ang kanyang mga malalalim na dimples. "Congratulations! Keep it up." Saka siya tumalikod.
Hindi ko alam pero feeling ko sincere siya sa sinabi niya. Napangiti nadin ako. Mabait nga ata talaga siya tulad ng mga nababalitaan ko.
Nagpaalam na si Ilhoon. Madami pa daw siyang gagawing projects. Kabaligtaran ko nga talava ang bestfriend ko. Alam na. Hahaha.
"Uhm.hum..." May tumikhim sa likuran ko. "Kakausapin ka daw ng daddy ko sa phone." Namjoon. Sabay abot ng phone niya.
"Ba--bakit daw?" Mabilis kong tugon.
Imbes na sumagot ay lalo niyang inilapit yung phone. Inabot ko nalang. Nakakahiya naman sa kagwapuhan niya.
"Hello po? Bakit po?" Kumunot ang noo ko. Napatingin ako kay Namjoon.
"Ano pong ibig ninyong sabihin?"
"Poooooo?!!!!!" Halos patili kong sagot.
"Mawalang galang nalang ho. Pero hindi po ba kayo nasisiraan ng ulo?"
Tumawa ng mahina ang nasa kabilang linya.
"Ah-eh. Hindi ko po alam kung anong dapat kong isagot sa inyo."
"Wala pa po akong balak magpaalipin!" Napakunot-noo naman si Namjoon.
"Ibabalik ko na po itong phone." Hindi pa nakakasagot ang nasa kabilang linya ay inabot ko na Namjoon ang phone.
"Aalis na ako." Mabilis kong kinuha ang bag at kumaripas sa pagtakbo. Namumula ang buong mukha ko!
"Hey!" Narinig ko pang sigaw ni Namjoon.
Nakakagimbal, nakakagulat, nakakatakot! Nasa horror movie ba ako?! This is just so OMG! May ginawa ba akong masama?! Lord, wag mo naman po akong parusahan!. Magpapakabait na po ako! As in to the highest level! Mananalangin na po ako umaga, tanghali, gabi. Kahit snacks po! Wag lang ito! Wag lang ito! Wag lang talaga ito!!!
Napabangon ako bigla...
"Nasumi anong oras na anak!" Sigaw ng mama ko.
"Ang sama ng panaginip ko ma. Ayaw ko na atang matulog ulit. Bangungot!!!!" Sigaw ko.
"Anong panaginip anak?"
"Ipapakasal daw ako sa mayamang kaklase ko. Dahil matalino siya pero mas matalino ako! Ano to? So pag bobo na ako ababandonahin na lang ako ganun?! Maldo andwae! Tapos ilang taon palang ako. Ano yun joke?" Napakamot ako sa ulo.
"Ah eh. May tumawag samin kaninang madaling araw. Ganyan din ang sinasabi. Tinatanong nga kung papayag ba kami. Eh syempre iniisip kadin namin." Mahabang paliwanag ni mama.
"Ho?!!! So totoo yun? Hindi panaginip lang? As in?!" Magigiba na ata itong bahay namin sa lakas ng boses ko.
Tumango si mama.
"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!" Sinabunutan ko ang sarili ko.
"Maligo kana. Malelate kana sa klase mo."
Tinignan ko ang oras. Tae passed 7 na! Tumalon ako sa kama pero naisama ko ang kumot ko kaya bumulagta ako sa sahig. Poop lang!!!!!
Nakita ko si mama, pailing iling lang.
Minadali ko na nga ang pagligo. Ang sakit pa ng kaliwang paa ko dahil sa pagkahulog ko kanina. Nagtatakbo ako palabas ng bahay. May tumigil na itim na kotse sa harap ko. May bumabang may edad ng lalaki at binuksan ang pintong nasa tapat ko.
"Ano ho yun? Namali po ata kayo ng park. Hindi ko po kayo kilala." Pagmamadali kong sabi.
"Ah eh maam ihahatud ko po kayo sa school niyo. Inutos po ng amo namin."
"Manong wala po akong time magjoke. Nagmamadali ho talaga ako." Medyo inis na ako. Bakit ba umagang-aga minamalas ako.
"Kayo nga po talaga ang sinusundo ko. Dahil mapapangasawa daw po kayo ng anak ng amo ko."
Mapapangasawa. "Tara na po." Sumakay na ako sa kotse.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit. I am lost of words to say. I am dumb-founded. Kailangan ko siyang kausapin. I need to clear things between us. I need to understand why I need to do it. And why me of all people? Why us? I just can't understand.
