#Sweet Swagger Suga

26 1 0
                                    

Suga's POV

"Hindi ako makaalis ngayon. Tinatamad akong lumabas. Gusto ko lang humilata ngayong araw kaya wag niyo akong istorbohin. Kailangan ko naman ng beauty rest. Baka mawala ang swaeg ko." Mahabang paliwanag ko kay Zico. Inaaya na naman niya akong magbar. Sinabi ko namang kaya ko mag-isang pumunta dun kung sakali. Powers lang katapat nun. ╮(╯▽╰)╭

"Sige. Basta tawagan mo nalang ako kapag susunod ka. Bye."

"Ne. Annyeong. Enjoy man!" Pinindot ko ang end-button.

Teeeeeet...
Nagvibrate ang phone ko. Someone sent a message.

Hello. Please meet me tomorrow. I have something to tell you. - Unknown number

Hindi ko pinansin ang text. Sanay na akong nakakareceive ng confession through sms and calls.
Nagvibrate ulit ang phone ko.

I will wait for you tomorrow. Please! please! 10:00AM.

Pupunta kaba? Punta ka ha?

Magreply ka naman. Alam kong nababasa mo tong mga messages ko.

Hihintayin kita sa school rooftop.

Hindi padin ako nagreply. Hinayaan ko lang na magvibrate ang phone ko ng bigla itong nagring. Yung unknown sender tumatawag. Sinagot ko na, ang kulit e.

"Anong kailangan mo?"

Narinig kong umiiyak ang nasa kabilang linya.

"Bakit hindi mo sinasagot ang mga text messages ko? You're so unfair!!!"

Kumunot ang noo ko. Unfair? Ako? Bakit? ⊙﹏⊙

"Mawalang galang nalang ho ano po. Nagkakalokohan na tayo eh. Anong ibig mong sabihing unfair ako? Ano bang ginagawa ko sayo?!" Malumanay kong tanong.

"Araw araw mo akong ginugulo sa pag-aaral. Hindi ako makapagconcentrate dahil sayoo! Alam mo yun! Sa sobrang pagkagusto ko sayo parang mababaliw na ata ako!!!"

Napangisi ako ng di oras. "So kasalanan kong nagkagusto ka sakin ganun?"

"Oo. Kaya kailangan nating mag-usap."

"Ewan ko sayo. Bye." Pressed end button.

May nagtext ulit. Si Jin Hyung. Labas kana sa kwarto mo. Kakain na tayo."
Bumaba ako. Nakita kong kumakain na si Jungkook, V, Jhope, at Jimin.

"Wow! Asan si Namjoon?" Ako. Natuwa ako sa mga couples. Hahaha.

"Pumunta sa mga kaibigan niya. Sasamahan niyang bumili ng converse shoes. Alam mo naman yun. Basta mga ganyang fashion, nagmamagaling si lolo." Jin Hyung.

"Ang hard hard niyo naman kay Namjoon Hyung." Jimin.

"Kelan ba kami naging soft." Mabilis kong sagot.

Umismid lang si Jimin.

Biglang may nagdoorbell. Sinilip ni Jungkook kung sino.

"May chicks sa labas." Nakangiting sabi niya. "Kaso umiiyak."

Nagtinginan kaming anim.

Lumabas si Jin Hyung at kinausap yung nasa labas. Umupo na ako at nagsimulang kumain. Ilang sandali lang ay nasa loob na ulit siya at lumapit sakin.

Pyong! Binatukan niya ako. "Pasaway ka! Kausapin mo yung pinaiyak mo dun."

"So kelangan akong batukan hyung! Masaquette!"

Ngumiti siya. "Saree. Nadala lang. Hahahaha. Labas kana, knina pa naghihintay yung chick mo."

Lumabas nga ako. Nakakahiya naman pinuntahan pa niya ako dito sa bahay...

"So ikaw yung tumawag kanina?" Tanung ko.

Tumango siya habang pinupunas ang mga luha niya. For some strange reasons, biglang bumigat ang loob ko.

"Wag kanang umiyak. Bakit ka ba umiiyak?" Eto ang kahinaan ko eh. Nakakakita ng babaeng umiiyak.

"Dahil sayo." Lalo siyang humagulgol.

"Dahil sakin? Bakit? Inaano ba kita?"

Sumigaw siya habang patuloy sa pagpatak ang mga luha niya. 
"Mahal kita! Mahal kita!  Mahal kita! Mahal kita! Hindi ko alam kung bakit pero mahal kita!"

Napakagat labi ako. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o mahihiya o ano.

"Naniniwala na ako. Wag kanang umiyak."

"Talaga?" Pinunas niya ang luha niya.

Tumango ako. Oo ano pa nga bang magagawa ko e nag eeskandalo kana. Tsktsk. Sabi ng utak ko.

"So pumapayag kanang makipagdate sakin?" Siya.

Nagsalubong ang mga kilay ko. Gusto kong tumawa. Hahaha.

"Ah eh sinabi kong naniniwala ako pero hindi ibig sabihin makikipagdate na ako sayo." Napakamot ako sa ulo.

Biglang lumakas na naman ang pag-iyak niya! Sheesh! Nawawala ang swaeg ko dahil sa babaeng to. Pinagtitinginan na kami ng mga taong dumadaan. Nagbubulungan pa yung iba. =|

"Sige pumapayag na ako. Pero isang beses lang. Pagkatapos nun ayusin mo na ang buhay mo." Wala na akong nagawa kundi pumayag. Kesa masira ang reputasyon ko. ~T_T~

"Promise mo yan ha! Aasahan kita. Bukas 10AM. Magkita tayo sa school rooftop!" Tumakbo na siya palayo.

Napabuntong hininga ako. This is the first time na pumayag akong makipagdate.

"You can never break promises right?" Si Jin Hyung.

Tumango ako. "It's my nature I guess."

Inakbayan ako ni Jin Hyung. "It's okay. I-date mo nalang. Isang beses lang naman. Tsaka mo siya kausapin ng mabuti."

"Oo nga hyung." Nagthumbs-up si Jhope.

"Wag kang mag-alala hyung. Tutulungan kita." V. Ang lapad ng ngiti niya.

"Wag maniniwala kay Alien. Mapanlinlang yan!" Jimin.

"Nagsalita ang hindi manlilinlang at napakabait kong kapatid!!!" Taehyung.

Ngumiti ako ng matamis. It maybe a simple problem sa iba. But my brothers are so concern.
Sana mawala na to. Mahirap itago, mahirap gawin. I act cool and all. But deep inside I really am having a hard time.
-
-
-
-
Alam ko, ang lame.. :-/ Pasensya na po. ⊙﹏⊙

A/N:Curious ba kayo sa kung anong ibig sabihin ni Syubie? Hehehe. Secret! Irereveal po niya sa takdang panahon.

Nga pala, nakita niyo naba yung mg photos nila nung BTS Begins Episode I? I cried. I am so proud sa kanila. ~T_T~
Let's support them forever ARMYS! Sana maging matatag ang fandom natin. At sana maging mature na yung mga immatures. Sana wala ng fanwars. Kasi lahat naman ng idols napapagod at nag-eeffort para sumikat. Masakit kasing marinig na may immature na ARMY at nakikipag-away sa ibang fandoms. :-(

Miss Right 0^◇^0)/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon