#In the Mood of Love Pt. 1 [JIMIN]

21 1 0
                                    

Jimin's POV

"Jimin iho. Ang sabi ni Ms. Naeya ayaw mo daw magpapaint sa isang katulad niya. Tama ba ako?" Kalmadong sabi ni Ma'am Lucresia.

"Ma'am baka po nagkamali po kayo ng dinig. Yung student niyo po ang may ayaw na ipaint ako! Sabi pa nga sana tubuan ako ng kuliti. I was insulted. Pagsabihan niyo po si ... Whoever she is." Walang gana kong sabi.

"You go to her classroom. And tell her to come here. Mag-usap kayong dalawa." Nakangiti pang tugon ng prof.

"Ako po?!! I will never do that." Halos pasigaw kong sabi.

"Hay nako Mr. BANG tigil tigilan mo yang kayabangan mo. Hindi mo ikakatangkad yan. Hala sige tawagin mo siya. Wag na mag inarte." Nagpatuloy sa pagtatype si Mrs. Luc.

"Ma'am jaebal!" Mangiyak-iyak na ako. Pacute pa ang pagsabi ko baka sakaling maawa siya. Huhuhu...

"Jaebal jaebal ka diyan. Dali na. O baka gusto mong tawagan ko ang daddy mo at....."

"Ah eh pupunta na nga ako ma'am. Sabi ko nga po ee.." Ngumiti ako bg peke at tsaka sumimangot.

"Good."

Wala na nga akong nagawa. Naglakad ako palapit sa classroom na sinabi ni Ma'am. Sumilip ako sa bintana. Nagtilian ang mga babae. Ngumiti ako ng matamis. Salamat, wala silang prof. Pumasok ako sa pintuan. Hinanap ng mga mata ko ang babaeng yon.

Naeya's POV

Nakita ko siyang pumasok. Ang ingay na naman dahil nandito siya. Nakakairita! Tumingin siya sa direksyon ko. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy ako sa pagsusulat. Isinuot ko ang salamin ko. Baka sakaling hindi na niya ako makilala. Hahahahaha....

"Yah. Pumunta ka daw sa faculty." Mayabang niyang sabi. Kumakaway siya sa mga babae. Eto namang mga malalanding babae. Kung makatili aba! Ang sarap gilitan sa leeg!!!

"Bakit?!" Masungit kong sagot. Napatingin ang lahat sakin.

"Kakausapin ka daw ni Ma'am Lucresia. Baka pagalitan ka dahil sa ginawa mo sakin nuong isang araw." Kinindatan niya ako.

What?!!! Nagsumbong ba siyang hinalikan ko siya? Omo!!! Andwae!!!

"Yah! Anong sinabi mo?!!!" Sinigawan ko na siya.

"Nakalimutan mo na agad? Baka gusto mong ulitin natin ang mga eksena?" Nakangisi pa siyang lumapit sakin.

Pero bago pa siya makalapit ng tuluyan e tumakbo na ako palabas! "Tara na!"

Narinig kong tumawa siya ng malakas. Bwisit kang Jemen!. Sana wag kanang tumangkad! ㅠㅠ

Naririnig kong sumisipol-sipol pa siya habang sinusundan ako mula sa likod ko. What a freak! I really hate him so much. "Madapa ka sana. Feelingerong mayabang. Akala mo naman kung sinong napakagwapo. Ni wala nga sa katiting ni Zac Efron." Pabulong kong sabi.

"Ano kamo?" Sumabay siya sakin sa paglalakad.

Tumingin ako sakanya at saka ngumiti. "Wala. Ang sabi ko napakagwapo mo. Wala pa sa kalingkingan mo si Zac Efron!" Saka ako sumimangot. Nyenye! Ang sarap niyang sipain! As in!
-
-
-
"Let me make things clear. Kayong dalawa. Ayus-ayusin niyo ang sarili niyo. Ikaw Ms. Naeya, matalino ka. You should act professional. Hindi yang inuuna mo yang personal feelings mo." Lumaki ang mata ko sa sinabi ng prof. Ako? Personal feelings?

"Ma'am I don't have any feelings for that man!" Sumimangot ako.

"You don't have to deny darling. Lahat ng students dito ganyan. At ikaw naman Mr. Jimin, you should treat Ms. Naeya nicely. Hindi porke't may gusto siya sayo e kung anu-ano ng pinaggagawa mo."

Ngumiti ng matamis ang kumag at tumango tango. Susmeeeee! Sana mabungi na siya Lord!

"Maari na kayong lumabas. We need the painting next month so you better hurry."

Nagpaalam na nga kaming dalawa. Sabay kamibg lumabas. Ano pabang magagawa ko diba? Sana dalawa ang pintuan. Naririndi akong kasama itong lalaking to!

"Nga pala. Okay lang saking may gusto ka sakin." Kinindatan niya ako.

Tumayo ang mga balahibo ko sa kamay. Nagugoosebumps akoo! Dahil to sa inis e.

"F.Y.I I DON'T LIKE YOU! AND I WILL EVER LIKE YOUUUU!"

Tumawa siya ng malakas. "You wanna bet?"

"Sure... What!??????"

"Sabi mo you will never like me. Okay let's bet. I WILL MAKE YOU FALL FOR ME."

Goosebumps again..

"Then I will make you fall for me too. Let's see who'll make it first." Mayabang kong sabi.

"Okay. Call. But I'm warning you. We can never be together."

"I should be the one saying that." Nginitian ko siya. I'll make you fall for me. To let you suffer the pain too. The pain you caused my friend and other girls.

I will make you fall for me. To let you know that I'm not the man whom you think I am. :-(

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Miss Right 0^◇^0)/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon