Chapter 13: Pain Of The Past

171 11 4
                                    

Okay guys, i know na sobrang ikli nitong chapter na ito at puro kadramahan lang ni Riley ang laman nito pero at least man lang ay maramdaman niyo ang nararamadaman niya.

Abangan na lang natin ang mga maaring mangyari dito.

Enjoy Reading(灬º‿º灬)♡

===========================================
Chapter 13

Rayne's P.O.V

It's a living nightmare.

Hindi pa ba siya kuntento at gusto niya pa akong hanapin? After all the things that he's done gusto niya akong makita ulit? Para ano?

Our relationship was secret kahit mabigat din sa loob ko kasi nga...mahal ko siya. I'd do anything for him and i understand him.

Ang akala ko interesado siya sa mga katulad ko pero naghanap din pala ng babae, sino ba naman ako para awayin yung babae eh isa sila sa mga kahinaan namin, if you know what i mean.

I also heard before na pupunta ata ng ibang bansa, kung hindi ko pa tinapos edi baka iniwan niya ako na walang kaalam-alam. Sana nga umalis na lang dito at hindi na bumalik.

Isa siya sa dahilan kung bakit nawawalan na ako ng paniniwala na may taong tatanggap at magmamahal sa akin kahit bakla ako. Naluluha na ako pero hindi ko hahayaan na masayang ang luha ko sa taong 'yan, it's not worth it.

Hindi na kailangang malaman pa 'to nila Kuya dahil baka mapagalitan pa ako, bawal pa kasi ako pasok sa isang relationship.

Nalaman niya siguro kung kani-kanino kung saan ako pumupunta. After that ay naglakad na ito palayo at pumasok sa magara nitong kotse.

Lakad-takbo ang ginawa ko para hindi niya ako makita, i need to get out of here at baka hinahanap na rin siguro ako doon. Saktong pagtapak ko sa harapan ng pinto ay siyang pagbukad din nito, si Kuya pala.

"Akala ko kung saan ka na pumunta, kakain na tayo. " Tumango lang ako at pumasok na lang sa loob, umasta na lang ako na parang walang nangyari para hindi na siya magtanong pa.

Magkatabi kaming kumain ni Kuya at ang ingay ng hapag pero in a good way naman, awkward naman siguro na walang nag-uusap or ingay na parang library lang. Dinner time is also a family time and puwedeng-puwede mag-usap.

I want to talk at makipagkuwentuhan pero parang hindi ko kaya, for now. Mas lalo kasi akong mahahalata kapag tahimik lang, alam niyo naman si Kuya, overreacting minsan.

"Hey, are you okay? Kanina ka pa tahimik." Kuya asked me and nudge me slightly. Sabi ko okay lang ako as convincing as i can do at mukhang gets naman nito kaya hindi na nagtanong pa.

Ang sarap talaga ng mga nakahandang pagkain, nabusog lang ako pero hindi na-enjoy like hindi minsan manamnam ang lasa dahil kanina pa ako nago-overthink.

Natapos na rin akong kumain and i excused myself para magpahinga and they simply agreed. Ngayon ay pupunta na ako sa magiging kuwarto ko rito for tonight.

I'm still thinking about it at maraming katanungan talagang tumatakbo sa utak ko. Hindi ko na talaga alam kung anong dapat kong maging reaksiyon, clearly i'm really bothered, i was really expecting him na umalis dito sa Pilipinas, for good.

Other people would think that it's only 'Puppy Love' pero ang disastrous din ng heartbreak na naabot ko. Lumapit ako sa bintana upang kumalma sa magandang tanawin mula sa aking kinatatayuan, my grandparents were really smart because of the topography of this place.

Inhale, exhale, this made me forget about him for a moment and i will do it more often. Dahil ngayon, i'm not the Rayne he used to be with, i gotta work this out smarter not harder.

Gagawin ko pa rin ang best ko para hindi malaman ng pamilya ang iba pang nangyari aside the bullying na naranasan ko noon.

Siguro matutulog na lang muna ako, ayokong ma-stress and that's why i here. Minsan lang 'to kaya susulitin ko ng magpakasasa dito. After this, i will conquer my fears and nightmares wether it's alive or not.

------

Third Person's P.O.V

He was walking around the area and also enjoying the serenity ang peaceful way of living here, breathing the freshness of the air. Ang tsismis noon na mag-aaral ng ibang bansa ay totoo nga hindi lang nakumpirma dahil tuluyan ng napasara nag school dahil sa bullying issue ni Rayne.

He had already broken up sa babaeng ipinalit niya kay Rayne para lang maitanggi niya ang kaniyang nararamdaman para sa kaniya sa kadahilanang hindi niya pa tanggap ang kaniyang sarili.

Napaka-selfish nito para sirain ang buhay ni Rayne, ngayon ay nagsisisi ito at napagtantong hindi pala worth it ang ginawa niya.

Pinipigilan din siya ng kaniyang magulang sa binabalak nito dahil nakaraan na daw ito at hindi kailangan balikan. But his mother really supported him, to find his happiness.

Ngunit ito ay nagbabalik na may determinasyon sa kaniyang puso para sa isang taong natutunan niyang mahalin ng totoo. Pero dahil sa kagaguhan nito ay kailanagan niya itong ayusin muna lahat ng kaniyang nagawang kasalanan sa isang taong pinapahalagahan niya.

He's looking at this old picture of Rayne where he misses his genuine smile, they took picture in a private place dahil secret lamang ang kanilang relasyon.

Naiisip nito na baka naka-move on na ito pero ang konsensiya ay hindi siya pinapatahimik kaya ito ang goal sa pag-uwi nito mula ibang bansa.

===========================================

So yeah....

Bitin at walang ka laman laman, pasensya na. Wala pa akong maisip as of the moment. Please comment your thoughts and don't forget to VOTE (♡ω♡ ) ~♪

Nabihag Ang Anak Ng Gangster(BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon