*KATHERINE'S POV*
Tinapat sa mukha ko ang flashlight ng lalaking nagligtas sakin mula sa holdaper.
Niligtas nga ako ng isang ito, eh balak naman ata akong bulagin!
"Tanggalin mo nga yan sa mukha ko!" pagrereklamo ko.
Pero hindi nya pa rin tinanggal ang flashlight mula sa mukha ko. At ilang sadali pa bigla siyang nagsalita.
"Ikaw?!" sigaw nya at biglang tulak saakin.
Nalayo sa mukha ako ang flashlight. Pero hindi pa rin ako makakita dahil silaw pa rin ang mata ko.
Habang unti-unting naga-adjust ang mga mata ko sa dilim ay naaninag ang anino ng isang lalaking tumatakbo papalayo.
Hawak nya ang flashlight ko.
At iniwan ako dung naka-tanga sa gitna ng dilim.
ANYARE?!
*KINABUKASAN*
Tahimik akong naglalakad sa cafeteria papunta sa mesa na lagi naming inuupuan ni Anne.
Simula ng insidente dun sa girls locker room sa di malamang kadahilanan ay nilubayan na ako ng lupon ng mga malditang babae. Hindi na nila ako ginulo pa. Na mabuti naman. Siguro.
Pero hindi daw makakasabay ngayon si Anne dahil may gagawin daw siyang assignment kaya ako lang mag-isa ang kakain. Ayos lang, sanay rin naman ako mag-isa.
Naalala ko tuloy yung lalaking nagligtas sa akin kagabi. Nakakapagtaka lang kung bakit bigla na lang siya tumakbo paalis. Ano yun, natakot sakin? Pshh. Grabe naman.
Pero kung iisipin, maski ako naman mapapatakbo rin siguro kung yumakap ako sa isang taong hindi ko kilala. Kasi tingin ko na-maling akala siya eh. Akala niya siguro ako yung, Aly ba yun?
Mahalaga siguro sa kanya yung Aly, kung sino man yun.
Aba, kung hindi siguro ay hindi naman siya bigla-biglang na lang susugod at manununtok ng kung sino. Sa totoo lang, natakot talaga ako sa kanya habang binibugbog niya yung holdaper. Kung hindi ko siguro siya inawat eh baka kung ano na ang nangyari dun sa walanghiyang holdaper na yun.
BINABASA MO ANG
She Changed Everything
Teen FictionSHE is just a simple, mundane girl minding her own world; struggling to survive each day with her mother. When SHE gets involve with the two arch rivals in a hell-of- a-like school; SHE will change everything.