CHAPTER 5

62 1 0
                                    

*Katherine's POV*

*Kssshhhh*

Hoo! Anlamig ng tubig! Kasalukuyan akong naliligo sa girls shower room dahil katatapos lang ng PE namin.

Biruin mo yun, friday na!

At oo, na-survive ko ang isang linggo dito sa St. Benedictine Academy.

Isang linggo ng pang-iirap, bulung-bulungan, kasungitan, at pag-iwas sakin ng mga estudyante dito.

Pero pakielam ko naman.

Mas maganda pa nga yun.

Mabuti ng umiiwas sila sakin.

Iwas hassle at kung anumang drama.

Mas madaling maka-graduate ng matiwasay.

Nang makatapos na ako mag-shower at patungo na sa locker ko, napansin kong nakamasid nanaman ang mga kaklase ko sakin sabay hahagikhik.

Kinapa ko ang mukha ko kung may natira pang bula rito. Pero wala naman. Nakapagbanlaw naman ako ng maigi kanina, kaya bakit sila tumatawa habang nakatingin sakin?

Nung makita ko ang locker ko laking gulat ko na lang ng nakabukas ito at doon nakalagay ang basang-basa kong uniform.

Itinaas ko ito. Tumutulo pa na parang binabad.

.

Aba, ayos 'to ah. 

Nararamdaman kong sasabog na ako sa galit. Pero kailangan magtimpi. Ayoko muna manghusga. Kaya minabuti ko muna magtanong.

"Nakita nyo ba kung sino ang may gawa nito?" pilit kong itinatago ang inis ko.

"Hmm.. Maybe it was someone who smelled your filthy clothes and thought it could use some laundrying?" sagot nung isang malditang bratinella kong kaklase sabay tawa.

Nagtawanan sila.

She Changed EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon