Love
Love is blind; sabi ng romantiko
Love is like a rosary full of mystery; sabi ng komikero.
Love is God; sabi ng relihiyoso.
Love is a profoundly tender, passionate affection for another person; sabi naman sa diksyonaryo.
Love
A word with only 4 letters but has infinite meanings.
Love
A very powerful thing.
It has the power to change anything.
Anyone.
Everything you know, and you believe.
It can simply change your life.
=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=
"Sandali lang ho! Wag niyo naman hong itapon yung gamit namin..." pagmamakaawa ng babae habang umiiyak sa 2 lalaking hinahagis ang gamit nila palabas ng bahay.
Pinagmasdan niya ang kanilang mga gamit na nakakalat sa gitna ng kalsada. Mga damit at kagamitang pangkusina na nakasabog sa kanyang harapan.
"Tama na ho! Wala ho kaming matutuluyan..." sambit ng umiiyak na babae.
"Aba, 5 buwan na kayong di nakakabayad ng upa ano! Lumayas na kayo, at may lilipat na dito bukas ng umaga!" pabulyaw na sabi ng isang babaeng may marangyang kasuotan sa kaawa-awang babae.
"Parang awa niyo na ho.. Kahit ngayong gabi lang, wala ho kaming matutulugan ng anak ko. Parang awa niyo na..." iyak nito sa nag-papaupa saka lumuhod at hinahawakan ang kamay nito.
"Nako, Myra. Tigil-tigilan mo ako sa pagpapa-awa mo! Kahit umiyak ka ng isang baldeng luha dyan di ko pa rin tatanggapin yun pambayad ng upa nyo!" sigaw ng malupit na nagpapa-upa sabay taboy sa kamay ng umiiyak na babae.
Napaupo ang umiiyak na babae sa tulak nito.
"MA!" sigaw ng isang dalaga habang tumatakbo palapit sa kanyang kahabag-habag na ina.
BINABASA MO ANG
She Changed Everything
Novela JuvenilSHE is just a simple, mundane girl minding her own world; struggling to survive each day with her mother. When SHE gets involve with the two arch rivals in a hell-of- a-like school; SHE will change everything.