*Katherine's POV*
"Ma! Alis na po ako. Baka gabihin ako mamaya, wag nyo na po ako hintayin, ako po kasi magsasara ng coffee shop. Bye!" sigaw ko kay Mama.
"Sige Erin, galingan mo sa school ha. Ingat, anak!" sagot ni Mama sa kusina.
Hay, dapat lang galingan ko, scholar lang ako dun ee. Kung sino man yung benefactor ko, ang bait nya para i-enroll ako sa isang prestigous school na tulad ng St. Benedictine University.
Aissh, pressure.
Sumakay na ako ng jeep at nagbayad.
Tapos balita ko pa puro mayayaman yung nag-aaral dun.
Hay, pero ayos lang wala naman akong balak na magkaroon ng kaibigan dun. Ang tanging goal ko lang ay maka-gradute sa St. Benedictine Academy ng tahimik at matiwasay.
Low profiled and unoticed.
Kailangan ko kasi talaga ang St. Benedictine Academy para mas madaling makahanap ng maayos na university. At makahanap ng magandang trabaho nang makaahon kami sa hirap ni Mama.
Ever since first year highschool kailangan ko na mag-part time para makatulong kay Mama sa mga gastusin sa bahay. Kaming dalawa na lang ni Mama ang magkasama wala na yung tatay ko, I never saw him di na rin ako nagtanong kay Mama. Kaya naman namin ee, di na namin sya kailangan.
Sapat lang yung pera namin, minsan kulang pero never sobra.
Kaya nga pinaalis kami sa inuupahan namin last time. Hindi ko alam kung anong gagawin ko nung mga panahon na yun. Wala kaming matulugan ni Mama nung gabing yun. Kung hindi tumawag si Auntie baka wala pa rin kaming natutulugan ngayon.
"Ano ho? May benefactor po ako?" tanong ko kay auntie sa linya.
"Oo, hija. Sila na daw ang bahala sa bagong bahay na lilipatan nyo ng Mama mo. At willing pa sila pag-aralin ka!"
"Pero wala naman po akong in-applyan na foundation? Paano po nangyari yun?" nakakapagtaka naman.
"Wag ka mag-alala. Katrabaho ng Uncle mo yun. Naghahanap kasi yung kumpanya nila ng mai-sponsoran na scholar. At nagkataon na ikaw pala yun. Sila na daw ang bahala sa lahat. Ittext ko na lang sayo yung address ng lilipatan nyo. MAlapit yun sa bago mong school na papasukan. Kung ako sa'yo tanggapin mo na lang din. Lalo na't graduating ka pa naman na, dun mo na lang tapusin yung high school mo." paliwanag ni Auntie.
Ang bait naman nun. Pati yung tutuluyan ni Mama inasikaso pa nila. Ang swerte ko naman.
"Uh, Auntie. Ano ho bang pangalan nung benefactor ko para makapagpasalamat naman ho ako sa kanila."
BINABASA MO ANG
She Changed Everything
Teen FictionSHE is just a simple, mundane girl minding her own world; struggling to survive each day with her mother. When SHE gets involve with the two arch rivals in a hell-of- a-like school; SHE will change everything.