Segunda Mano

14 1 0
                                    

Ako na yata ang taong saksakan ng hilig sa mga segunda manong kagamitan. Halos lahat na yata ng kagamitan ko ay segunda mano. Pati panty ko segunda mano.  Tawagin nyo nalang po akong Yanah. Ang aking ibabahaging kwento ay patungkol nuong college pa ako. At dahil sa ako ay taga Gerona Tarlac , nag dorm ako sa me sta. mesa. Linggo nang dumating kame ng nanay ko. Malake naman ang kwarto pang apatan. Me dalawang double deck na kama. Me apat na maliliit na lamesa at apat na tokador. Mababait naman ang dalawa kong ka room mate , Forth year college na sila at graduating na raw this semester. Iniwan na ako ni nanay bago mag tanghalian , nagmamadali kasi siyang makauwi ng Gerona. 

Pagkatapos kong mailigpit ang aking mga gamit , ay nagyayang mananghalian na sa me canteen ang aking ka dorm mates na sina Ate Yssa at Ate Regine. Pagkatapos naming mananghalian ay nagkayayaan na magpunta daw kame sa ukay ukay malapit sa dorm. Ako namang super hilig sa segunda mano ay game na game. 

Nakabili ako ng ilang blouse , damit pantulog at dalawang panty. Sila ate naman ay bumili ng shoulder bag at jeans . Napakamura ng mga nabili naming mga gamit. 

Nung unang gabi ko ay nakarinig ako ng umiiyak, kinurap kurap ko ang aking mga mata at tumingin sa paligid ngunit tulog na tulog sila ate. Madilim ang kwarto pero nasisinagan ng ilaw ng poste sa labas ng bintana. Wala naman akong nakita. Sabi ko sa sarili ko baka me umiiyak lang sa labas. Hindi naman ako matatakutin kaya natulog na ako. 

Nuong gabing un nanaginip akong me nakapatong sa aking lalake, nilalamas niya ang aking dede, at dinidilaan niya ang aking tenga. Sa aking panaginip napakagandang lalake ang nakapatung sa kin. Dahilan para mamasa ang aking ari. Birhen pa po ako nuong panahong iyun , never been touch. Pero kakaibang kiliti at sarap ang aking naramdaman. Orgasm to the max.

Nuong nag aalmusal kame nila Ate Yssa at Ate Regine , ay binanggit ni Ate Yssa na narinig daw niya akong umiiyak at umuungol kagabi, medyo namutla ako, sabi niya baka naninibago pa daw ako kaya naiiyak ako, masasanay rin daw ako. Sabi ko Ate narinig ko rin ung iyak kagabi, pero hindi ako un. 

Kinagabihan , ako lang mag isa sa dorm, me overnite kasi si Ate Yssa sa bahay ng ka thesis mate niya. Samantalang si Ate Regine naman ay me night duty sa kanyang internship sa isang ospital. Gamit ang segunda mano kong laptop na bili ni mama, ay nag facebook ako ka chat ang mga dati kong kaeskwela sa high school. Kumustahan lang at konting harutan . Sabi ng isang kaklase kong babae video call daw kame. 

Habang nag vi-video call kame ay me naririnig ako sa headset ko na me batang humahagikgik. Sabi ko sa classmate ko.'Bes nandyan ba kapatid mo sa tabi mo?' sagut naman niya 'wala besh, nandito ako sa dorm.' Tanung ko ulit : 'Sino ung batang humahagikgik. ' sabi nya hwag ko daw siyang takutin. Tapus iniba na nya ang usapan. Nagtatawanan kame nang biglang me makita akong babaeng mahaba ang buhok na naka suot ng puting gown ang naka upo sa kama ng kaibigan ko. Pagkurap ulit ng mata ko ay wala na duon ang babae. Sasabihin ko pa sana sa kaibigan ko ang nakita ko pero di ko na sinabi , baka sabihin niyang naprapraning nanaman ako, o kaya sabihin niyang tinatakot ko nanaman siya. Matatakutin pa naman siya. Pag dating ng ibang ka kwarto niya ay nag paalam na siya. 

Nagbasa muna ako ng isang romance story sa wattpad, bago ako dinalaw ng antok. Nag shut down na ako ng aking laptop. At nagpalit na ako ng pantulog. Nahiga na ako sa aking kama at natulog na. Nagising ako mga alas tres ng madaling araw. At me naaninag akong anino sa aking ulunan , ipinikit ko ang aking mata at nagtulog tulugan. Nag dasal ako sa aking isip. At narinig ko me malamig na boses na me sinasabing hindi ko maintindihan. Pagkatapos ay narining kong me nagsalitang 'Alam kong gising ka pa' . Pagkarinig ko nun ay idinilat ko ang aking mata at tumingin sa aking ulunan . Wala akong nakitang tao. Dali dali kong nag on ng ilaw. Hindi ko na pinatay ang ilaw, at bumalik ako sa aking higaan at natulog muli. 

Pagkagising ko kina umagahan ay nagulat akong nakatayo ako sa harapan ng tokador na me full length mirror. Hubo't Hubad ako, at ang aking panty ay nasa aking paanan. Mabuti nalang wala sila Ate ,kung hindi baka isipin nilang me tililing ako. Nagulat nalang ako na me dugo ang aking ari, basang basa ng sariwang dugo. Wala naman akong mens nuong mga panahong un. Pero paano ito nangyari. At imposibleng ung panty ko ay walang bahid ng dugo. Kinuha ko ang aking smart phone at kinunan ang eksaktong tayo ko pagkagising ko at ang posisyon ng naibabang panty ko. Pag tingin ko ulit sa aking ari , ay wala namang dugo. 

Tinawagan ko si mama, at ikinuwento ang lahat, ipinadala ko rin sa kanya sa viber ang aking kuha at agad siyang lumuwas ng Maynila para ako ay ipa check up sa OB, pero ang resulta ay intact daw ang hymen ko, virgin pa ako. Nuong araw din na yun ay inilipat ako ng dorm ni nanay. 


True Philippines Ghost Stories- Haunted Pilipinas Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon