SUNDO

11 2 0
                                    


Maiksi lang po ang kwento kong ito. Ito po ay nangyari nang magbakasyon ako at ng aking mga kabarkada sa Palawan. Anim po kameng magbabarkada, apat na babae, at dalawa kameng lalake. Yung isang kaibigan naming si Cyrene ay sadyang makulit. At masyadong mahilig sa mga selfie at solo photos. Nung nasa me bakawan po kame ay medyo nagkainuman na kame ng de latang beer. Ang makulit na si Cyrene ay nagpakuha sa me ilog , sabi nya kunan ko daw siya pang instagram niya. So kinunan ko siya gamit ng aking SLR digital camera. 

Pagbalik namin sa aming hotel ay tinitignan ko ang mga kuha nang mapansin kong me mga nakunan akong mga itim na anino kasama ni Cyrene sa picture. Agad ko itong pinakita sa kanya, at pinagtawanan niya lang ako sabi niya , tinatakot ko lang daw siya at inedit ko lang. 

Makalipas ang ilang araw ng makauwi na kame sa Manila ay nabalitaan nalang namin na namatay na daw si Cyrene, sanhi ng kamatayan ay sakit sa puso. 

Hindi kaya mga sundo ni Cyrene ang nakunan ko sa Palawan. 

Share ko po yung picture. 

Sumalangit nawa ang kaluluwa ni Cyrene. 

Sa mga mambabasa paki pray po ang kaluluwa niya. 

True Philippines Ghost Stories- Haunted Pilipinas Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon