Kabanata 26: Vinus

3.5K 206 29
                                    

ZAHARA'S POV

Agad kong nilisan ang bulwagang iyon at nagtungo papunta sa kung saan. Lakad lamang ako ng lakad at hindi alam ang aking patutunguhan.

Hindi ko masukat ang inis na umaapaw sa aking sistema, mas mabuti na lamang na umalis ako roon bago pa ako tuluyang makagawa ng bagay na tiyak kong sa huli ay aking pagsisisihan.

"Aray! Ano ba?!" Agad akong napahakbang paatras nang maramdaman ko ang malakas na pagtulak sa akin ng kung sino. Dahil sa aking pag-iisip ay hindi ko na namalayan pa ang aking dinadaanan.

Tiningnan ko ang babae sa aking harapan, ang babaeng aking nakabanggaan.

"Pumanhin." Walang emosyong sambit ko't akmang lalampasan na siya nang bigla kong maramdaman ang kamay niya sa aking braso at ang marahan niyang pagpisil rito.

"Don't you dare turn your back on me,  bitch!" Malakas na sigaw niya dahilan upang makuha namin ang atensyon ng ibang mga estudyanteng naglalakad.

Inis ko siyang nilingon at walang emosyong tinitigan sa kaniyang mga mata.

"Wala ako sa wisyo upang makipag-away sa kahit na sinong maharlika ngayon, kaya kung maaari lamang ay padaanin mo ako bago pa kita mapatulan."

Nanlaki ang mga mata niya, tila hindi inaasahan ang aking mga sinabi.

"You bitch!"

Marahas niya akong hinila dahilan upang mapahakbang ako pabalik sa kaniyang harapan. Kitang-kita ko rin kung paano niya inangat ang kaniyang kanang kamay patungo sa aking pisngi, subalit bago pa niya tuluyang magawa ang kaniyang binabalak ay naunahan ko na siya.

*PAAAK!!!*

Sunod-sunod na singhapan ang aking narinig matapos kong ipadapo ang aking kamay sa kaniyang pisngi.

"Sabi ko naman sa iyo, wala ako sa wisyo." Saad ko sa malamig na tinig at malakas siyang itinulak dahilan upang mapasalampak siya sa damuhan.

"At sa susunod ay huwag kang paharang-harang sa dinaraanan ko't lalo na kung mainit ang ulo ko." Dagdag ko pa bago tuluyang lisanin ang lugar na iyon.

Makaraan pa ng ilang segundo ay natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakaupo na sa gitna ng hardin na punong-puno ng samu't-saring bulaklak. Hindi ko batid kung saang bahagi na ito ng Akademiya lalo na't sadyang napakalawak nitong lugar.

Napagpasyahan kong huwag na lamang pumasok sa mga susunod ko pang klase at manatili na lamang rito nang sa gano'n ay maging mapayapa naman ang aking isipan at makalanghap rin ng sariwang hangin.

Dahan-dahan akong humiga sa damuhan at tumingin sa kalangitan.

"Ama, Ina, nawa'y gabayan ninyo ako sa aking ginagawa. Tulungan ninyo ako sa aking paglalakbay patungo sa tunay kong buhay." Bulong ko sa hangin.

Ilang saglit pa'y napabuntong-hininga ako't dahan-dahang napapikit ng aking mga mata.

Pinakiramdaman ko ang pagtama ng sariwang hangin sa aking balat at tanging iyon lamang ang aking naramdaman bago ako tuluyang lamunin ng kadiliman.

***

Takip-silim na nang ako'y magising mula sa aking mahimbing na pagkakatulog. Nag-inat muna ako ng aking katawan bago ko napag-isipang umalis na roon.

Nagsimula akong maglakad.

Hindi ko alintana ang mga tingin na tinatapon sa akin ng mga estudyante habang binabaybay ko ang mahabang daanan. Paglaon pa ng ilang minuto ay nakarating ako ng silid-kainan, balak kong dito na magtungo, nagbabakasakaling naririto na sina Alice dahil oras na din naman ng pang-hapunan.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering Wind [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon