Kabanata 160: Hinagpis

499 23 5
                                    

THIRD PERSON'S POV

Kasalukuyang naglalakad ang magkakaibigan sa pasilyo ng kanilang paaralan.

Sama-sama nilang binabagtas ang daan patungo sa kung saan.

Hindi nila pinapansin ang mga tinging ipinupukol sa kanila ng kapwa nila kamag-aral.

Sa loob ng ilang buwang nagdaan ay nasanay na sila sa ganitong uri ng pagtrato sa kanila ng buong sangkatauhan. Ipinagsawalang-bahala na lamang nila ang mga ito at patuloy na binaybay ang mahabang daanan.

Datapwat nasa ganoon silang sitwasyon nang sunod-sunod na sigawan mula sa isang bulwagan malapit sa kanilang kinaroroonan ang siyang dumagundong sa buong kapaligaran na naging sanhi upang sila'y mapatigil at magkatinginan.

Hindi na sila nagsayang pa ng segundo't dagliang nagsitakbuhan papunta sa pinagmumulan ng sigawang iyon.

At nang marating nila ang bulwagang iyon, ito'y kanilang napagtanto na ito ay ang silid-aklatan.

"W-What happened?"

Mabilis na napalingon sa kanilang kinatatayuan ang nagkukumpulang mga estudyante na hula nila'y ang may kagagawan ng mga sigawang iyon. Bagamat hindi sila sinagot ng mga ito at sa halip ay nagsihawian dahilan upang tumambad sa kanilang mga buliga ang nagsitumbahang mga gabineta kung saan nakapaloob ang laksa-laksang kagamitan kagaya ng aklat. Subalit hindi iyon ang nakaagaw ng kanilang pansin kung hindi ay ang babaeng kay tagal na nawala't kay tagal nilang hinanap.

Halos magitla't maestatwa sila sa kanilang kinatatayuan habang nakatitig sa kanilang kaibigan.

Marahan nilang sinuri't pinakatitigan ang kaniyang kabuuan.

Madungis ang kabuuan nito't labis na nangangayat ang katawan nito. Nanghihina ito't halos pasuray-suray na naglalakad habang nakahawak sa isang nakatumbang gabineta.

"T-Thalia?"

Doon na nila tuluyang sinakop ang distansya sa pagitan nila ng dalaga. Hindi na sila nag-aksaya pa ng oras na ito'y lapitan at mahigpit na hagkan bago muling mariing pakatitigan ng may luha sa kanilang mga buliga.

"Thalia, where were you?"
puno nang pag-alala ang tinig na tanong sa kaniya ng binatang si Kairus, subalit hindi ito nagawang makasagot at sa halip ay nanatili itong tulala habang nakatitig sa kawalan.

"W-Where have you been all this time?" hindi mapunan ang pagkabahala sa kanilang sistema habang nakatitig sa kanilang kaibigan.

"H-Hinanap ka namin, Thalia." nababalisang sambit ng binatilyong si Ryker.

"Thalia, w-what happened? What happened to you?" sa pagkakataong ito ay ang dalagang si Maddison naman ang nagsalita.

Subalit kahit na isang tugon ay wala silang natanggap mula sa dalaga.

Kahit na isang salita'y wala silang nakuha mula sa kaibigan.

"Hey, t-talk to us, please, say something."

Dahan-dahang napatingin sa kanila ang tulalang dalaga at ganoon na lamang ang dagliang pagbigat ng kalooban nila nang sunod-sunod na pumatak ang mga luha nito mula sa kaniyang mga mata at magpakawala ng hagulgol.

"T-Thalia. . ."

Wala silang ibang nagawa kung hindi ang damayan ito at muling yakapin.

* * * * *

Sa kabilang banda ay isang dalaga ang kasalukuyang nakalambitin sa kadena.

Ngayon lamang niya napagtanto kung bakit ganoon na lamang katibay ang kadenang nakagapos sa kaniya.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering Wind [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon