Kabanata 54: Ang Buhay ng isang Prinsesa

3.1K 160 7
                                    

ZAHARA'S POV

Namamangha ang mga matang nakatanaw ako sa bintana na siyang naririto sa aking silid na kinaroroon. Ang silid na ito'y sadyang napakalawak at napakaganda. Ang mga kagamitang naririto ay gawa sa ginto't mamahaling bagay na siyang labis-labis kong ikinamangha. Maging sa ibabaw ng kisame ay mayroong napakalaking ginintuang aranya na siyang pinagmumulan ng liwanag sa napakalawak na silid na ito.

Ang sabi ni Ina't Ama ay sa akin raw ang silid na ito. Ani pa nila'y ito ang dapat kong silid noong ako'y isinilang sa mundong ito na siyang hindi nangyari sa isang hindi inaasahang pangyayari. Nawalay ako sa kanila ng napakatagal na panahon.

Wala sa sariling napabuntong-hininga ako.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala, ako'y nakabalik na sa aking tahanan, ako'y nakabalik na sa aking tunay na pamilya.

At hindi lamang sila basta-basta, sapagkat sila ang Hari at ang Reyna ng Kahariang Aeros, ng Kahariang ito, at ang ibig sabihin lamang niyon ay isa akong Prinsesa, na ako nga ang tunay na nawawalang Prinsesa.

At ang tinutukoy nilang higit na pinakamakapangyarihan sa tatlo pang nga tagapangalaga ng makapangyarihang mga elemento na walang iba kung hindi sina Levi, Yzair at Kairus.

Agad akong napapikit nang maalala sila, lalong-lalo na ang isa sa kanila.

Hindi ko batid subalit may kung anong pakiramdam ang biglang namuo sa aking dibdib. Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon at tumingin sa napakalapad na salamin sa aking tagiliran na siyang napapalibutan ng ginintuang mga palamuti.

Dahil roon ay nagawa kong mapagmasdan ang suot-suot kong damit na gawa sa mamahaling tela. Simple lamang ito ngunit batid ko sa aking sarili na ang halaga nito'y hindi pangkaraniwan lalo na't ito'y kaayaaya kung iyong pagmamasdan.

Napangiti ako sa aking sarili.

Ako ay masaya na unti-unti ko ng nakakamit ang aking mga adhikain sa aking buhay.

Isang kumpleto at mapagmahal na pamilya sa isang napakalaking palasyo na siyang pinagsisilbihan ng napakaraming mga kawal at tagapagsilbi.

Subalit sa isang iglap lamang ay naglaho na parang bula ang ngiting nakapaskil sa aking labi nang biglang sumagi sa aking isipan ang nangyari bago ako tuluyang mawalan ng malay at magising sa silid na ito.

Naalala ko ang nangyari sa aking sarili, ang walang kapantay na sakit na siyang nagmumula sa aking ulo na wari ba'y binibiyak sa sobrang sakit na dulot nito. Isang napakapamilyar na sakit na minsan ko ng naranasan noon.

Noong araw ng pagsapit ng ikalabing-walong kaarawan ko.

Dahil sa isiping iyon ay agad akong natigilan.

Ano ang nangyayari sa aking sarili? Bakit muli kong naramdaman ang sakit na iyon?

Ngunit agad akong nabalik sa aking diwa nang makarinig ng sunod-sunod na katok na nagmumula sa pinto ng aking silid.

"P-Pasok," Tugon ko rito. Makaraan pa ng ilang segundo ay pumasok ang mahigit tatlong tagapagsilbi na magkakaparehas ng suot na uniporme. Ilang saglit pa'y sunod-sunod silang nagsiyukuan sa aking harapan na naghatid sa akin ng matinding pagkailang.

"Mahal na Prinsesa Aviara, pinapatawag ka ng mahal na Hari at Reyna sa silid-kainan upang sumabay sa kanila sa pagkain." Sambit ng isa sa kanila habang nananatiling nakayuko't hindi makaharap sa akin na agad kong napansin.

"Mga binibini, hindi ninyo kinakailangang yumuko sa aking harapan. Pakiusap, tumayo kayo ng maayos at ako'y inyong harapin." Wika ko sa mahinang tinig. Subalit hindi ko inaasahan ang sumunod na naging kilos nila. Sabay-sabay silang naasinghap na tila ba'y hindi inaasahan ang aking binitawang mga salita.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering Wind [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon