Kabanata 116: Maledictus Aqua

708 30 2
                                    

ZAHARA'S POV

Kung totoo man ang aking mga napag-alaman ay wala akong dapat na katakutan sapagkat nababatid ko ang iisang bagay at iyon ay ang katotohanang hindi ako ang tunay na prinsesa. Hindi ako ang makapangyarihang nilalang na siyang inaakala ng lahat. Isa lamang akong mapagkunwari, isang mapagbalat-kayo, isang huwad. Kung kaya't walang rason upang ako ang mapiling sapian ng nilalang na iyon upang maghasik ng lagim para gantihan ang apat na panginoon lalong-lalo na si Seraphina.

Subalit kung aking lilimiin ay nag-uugnay-ugnay ang lahat ng mga kaganapang ito dahil ito lamang ang maaaring dahilan kung bakit nangyayari sa akin ang bagay na ito. Lahat ng mga pagbabago sa aking katawan, sa pagkontrol ko sa itim na salamangka't maging sa pagpapalabas ko ng apoy na elemento sa aking katawan. Lahat ng ito ay nagpapatunay na may nangyayaring kababalaghan sa aking katauhan, at hindi ko man nais na isipin ay maaaring tama si Kairus. Maaaring ang babaeng iyon ang siyang sumasapi sa akin.

Subalit imposible. Lubos na napaka imposible.

Hindi ako ang prinsesa.

Hindi ako si Aviara.

Ako si Zahara.

Kung kaya't anumang kababalaghang nangyayari sa akin ay nakakasiguro akong may ibang kadahilanan, may ibang pinagmulan. Dahil kung totoo nga ang aking haka-haka ay hindi ko nababatid kung ano ang mangyayari, lalo na sa oras na tuluyan nang lamunin ng nilalang na iyon ang aking pagkatao.

Maaaring iyon na ang magiging katapusan ng lahat.

"Zahara?"

Unti-unti kong naibaling ang aking mga busilig pabalik kay Kairus nang ako ay kaniyang tawagin. Ngunit agad ko ring nailihis mula sa kaniya ang aking mga buliga nang mapagtantong hindi siya sa akin nakatingin kung hindi sa aming unahan. At nang sandaling tingnan ko ang kaniyang tinititigan ay doon ko namataan ang napakakapal na hamog na siyang lumalapit na sa aming kinaroroonan.

"Hamog lamang iyan, Kairus. Huwag kang matakot-" Hindi ko na nagawang tapusin ang akma kong sasabihin nang daglian siyang magsalita.

"No, it is not. I can sense something's under the water." Usal niya na saglit pang ipinikit ang kaniyang mga mata.

"This can't be happening." Sambit niya nang sandaling iminulat niya ang kaniyang mga buliga't agarang iniabot ang mapang nasa loob ng bagaheng nasa harapan niya. Nang suriin niya iyon ay ganoon na lamang ang pagguhit ng pagkabahala sa kaniyang mukha.

"Bakit?" Tulig kong tanong kasabay nang pagsalubong ng aming mga mata.

"Zahara, I think we are here."

Naguguluhan ko siyang tinitigan at pagkuwa'y nagsasapantahang nagsalita.

"Ano ang iyong tinutukoy?"

"Zahara, we're already here... we're in the Maledictus Aqua." Matapos niyang sambitin ang mga salitang iyon ay siyang pag-umpisang paggalaw ng kalmadong tubig ng karagatan. Nagsimulang gumuhit ang mga alon sa dagat hudyat na may kung ano ang paparating.

"Wake up. Guys, wake up!" Hindi ko na nagawang pansinin pa ang ginawang paggigising ni Kairus sa iba pa naming mga kasamahan. Itinuon ko ang buo kong atensyon sa karagatan at pilit na inaaninag ang pinagmumulan ng maliliit na mga alon na iyon.

"Anong nangyari?" Rinig kong tanong ni Thalia na kakagising lamang. Maging ang iba'y kakabalik lamang sa kani-kanilang mga malay mula sa malalim pagkaidlip.

"I think something is under us. We're now at the Maledictus Aqua, this is the cursed ocean. Maraming nilalang ang naninirahan sa kailaliman nito so you better prepare yourselves." Tugon ni Kairus at walang pasabi-sabing tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo at walang pagdadalawang-isip na ikinumpas ang magkabila niyang kamay para kontrolin ang tubig.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering Wind [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon