Sabi nila kung sino raw iyong mababait 'yon daw ang laging nasasaktan. Tanong ko naman sa sarili ko, gano'n ba ako kabait para paulit-ulit nalang akong makaramdam ng sakit? Kasi parang hindi naman. Kung masasaktan ka masasaktan ka. Wala 'yan sa kung gaano ka kabuti o kasama. Because God created us with feelings. With emotions.
Nasasaktan tayo kahit walang dahilan. Nasasaktan tayo kahit wala naman tayong karapatan. Wala eh. Nagmamahal kasi tayo.
That's why when I laid my eyes on her I knew in myself that she was the one for me. Nasabi ko noon sa sarili ko na hindi ko na s'ya pakakawalan kahit ano pang mangyari. May kami man o wala. Mahal ko eh.
Saan ba nagsimula ang lahat ng galit ko? Nagsimula iyon noong college pa ako. My mom used to tell me that I shouldn't love any woman who isn't as wealth as my family. She was always telling me that I shouldn't brought woman with low class. That I shouldn't disappoint them when it comes to partner selection. At first, I listened to her. I kept on telling myself that I shouldn't fall for someone who doesn't deserve me and my wealth. But everything has changed when I met her. When I met Nicole.
Noong college pa ako I was always involved in a trouble. Hindi lalagpas ang araw ng hindi ako nakakagulpi ng mga kapwa ko kaklase. But don't get me wrong. Nagagawa ko lang 'yon dahil sa mga kaibigan ko na palaging nabubully. Pero ako pa palagi ang napapasama.
Nicole was year older than me. She's already on second year college while I was on my first year. Sa madaling salita baguhan pa lang. I was a freshmen. Bago palang sa akin ang mundo ng kolehiyo. I'm still adjusting. Isang araw nakita ko s'yang binubully ng mga kaklase n'ya. Kaya pinagtanggol ko s'ya't iniligtas.
Noong mga panahon na napapaoffice ako, palaging present sina mommy at daddy. Imagine the disappointment on their faces whenever they were looking at me. But Nicole saved me from expulsion. She explained everything to them. Kaya imbis na ako ang mapurasahan, ang totoong may sala ang napaalis sa school. Doon din ako nagsimulang makaramdam ng pagmamahal.
I admit that Nicole was a scholar. She doesn't have a wealth family. His dad's working under a construction site while her mom was selling vegetable in the market. Pero si Nicole, iba s'ya. She's strong and she's too independent.
At isa iyon sa hinangaan ko sakanya. Until one time I confessed my feelings to her. Masakit na hindi n'ya nagawang suklian ang pagmamahal na naibigay ko. I was asking my worth. Am I not enough? Am I not worthy for her love?
Naalala ko pa noon ang sinabi n'ya sa akin.
"Sorry, Liguel. Pero hindi ko kayang masuklian ang pagmamahal mo. Hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay."
Nabitawan ko pa ang dala kong isang tumpok ng bulaklak noon at nanlulumong umuwi sa bahay.
Then after that—
I snapped out from my thoughts when I heard a camera shutter followed by a dazzling flash. Parang sandaling nandilim ang paningin ko nang tumama ang flash sa mata ko.
Then a photo of me where I was driving while crying flashed in my head. Wait, Kailan nangyari 'yon?
Wala akong natatandaan na may nangyaring gano'n. Napahawak ako sa ulo ko nang bahagyang kumirot 'yon.
"Liguel? Ayos ka lang?" Narinig kong saad ng kasama ko. Napaayos ako ng upo at diretsong tumingin sa kanya. Hindi ininda ang sakit sa ulo ko.
Napatakip tuloy ako sa mga mata ko at inis na napatingin sa babaeng nasa tapat ko. Nang ilinga ko ang paningin ko ay nasa isa pa rin kaming fastfood chain.
"A-ano ba?!" kumurap-kurap ako. Ibinaba n'ya ang camera ko at tumingin ng diretsa sa mga mata ko.
"Ang sabi ko ngumiti ka naman. Kanina ka pa kasi nakasimangot diyan. Broken ka ba?"
YOU ARE READING
Huling sayaw: Journey of love
Short StoryLiguel, a guy who has a tragic past wants to escape from the reality. He drove himself away from his family who controls his life, hoping he could be free from the chains they put on his neck. But in the middle of his trip, he will meet a mysteriou...