15

14 4 0
                                    

"Kara is dead."

Those words repeatedly rang in my ear. Para itong isang sirang plaka na paulit-ulit tumugtog sa utak ko. Para itong kanta na puro mura ang ibig sabihin para sa akin.

Hindi pwedeng patay s'ya! Hindi pwedeng patay ang babaeng nakasama ko ng pitong araw! How could it happened? Noong nakaraan lang ay masaya naming tinignan ang ganda ng sarili naming mundo. Noong nakaraan lang ay kumakain pa kami ng sabay. Paanong nangyaring patay na ang babaeng bumuo sa akin?

Hindi. Hindi patay si Kara. That woman is still alive! Baka nagtatago lang s'ya o ano. Baka gusto n'ya lang akong paglaruan at galitin bago s'ya magpapakita. That woman is a fan of theatrics! Gusto n'ya muna akong inisin.

Hindi ako naniniwalang wala na s'ya. Noong nakaraan lang ay ramdam ko pa ang malambot n'yang labi sa akin. Noong nakaraan lang ay yakap ko pa s'ya sa bisig ko.

Lumabas ako ng sasakyan ko at pumunta sa lugar kung saan ko s'ya unang nakita— sa overlooking.

Dito n'ya unang ginambala ang araw ko. Dito n'ya ako unang ininis. Ipinasok ko ang kamay ko sa bulsa ng jacket ko at doon nakapa ang isang manipis ngunit parihabang bagay. There I saw the clip that I bought for her in Baguio. Naalala ko pa kung paano ako nakipag-agawan para sa kanya. The clip with her favorite strawberry. I know how much she loves strawberries.

Kaya hndi s'ya patay! Ibibigay ko pa ito sa kanya. Gagawa pa kami ng maraming ala-ala. Tatakbo pa kami at pupunta sa sarili naming mundo. Hindi s'ya pwedeng mamatay. Bawal.

Napaluhod ako sa damuhan nang muling kumirot ang ulo ko. Parang pinupukpok ng ilang daang maso. Napasigaw ako sa sobrang sakit. Hinigpitan ko ang kapit ko sa aking ulo.

Kasabay ng pagluhod at pagyuko ko ay ang pagpasok ng isang ala-ala.

***
After that night when Nicole slapped me hard on my face and leave me behind, mabilis akong pumasok sa sasakyan ko at nag-drive ng kung saan.

Panay ang pagbusina ko sa mga sasakyang hindi mausad-usad.

"Ano ba kayo! Umandar nga kayo!" inis na sambit ko habang patuloy pa rin sa pagbubusina. Dala na rin siguro ng kalasingan kaya medyo umiikot na rin ang paningin ko.

Pero bakit gano'n? Kahit lasing ako ay hindi pa rin mawala ang sakit sa dibdib ko? Para lang itong nadagdagan. Parang mas lalong sumikip at bumigat. Parang... parang hindi mawala.

Maraming bakit sa utak ko. Kung bakit n'ya nagawa iyon? Bakit n'ya pinagbili ang pagkakaibigan namin para sa pera? Bakit n'ya ako tinalikuran? Tangina! Tanggap ko nang hindi n'ya ako magawang mahalin eh. Tanggap ko na kung hindi n'ya masuklian ang pagmamahal ko. Pero bakit? Bakit pati 'yung pagkakaibigan na pinanghahawakan ko ay sinuko n'ya rin?

Hindi ba ako sapat? Kulang ba lahat? Saan ako nagkulang? Ginawa ko naman lahat. Binigay ko naman lahat. Kinalaban ko ang sarili kong pamilya para sa pagmamahal ko sa kanya. I fought for her pero bakit ako hindi n'ya nagawang ipaglaban?

Gano'n ba talaga kapag walang kayo? Wala kang karapatang magselos? Wala kang karapatang magdesisyon para sa kanya? Bullshit! Bakit kasi hindi nalang ako?!

O kaya naman bakit naman kasi s'ya pa ang pinili ng traydor kong puso? Eh hindi naman s'ya mayaman. Wala silang pera. Hindi malaki ang bahay nila. Wala silang maayos na buhay. Pero bakit?

Ang sakit sakit.

Patuloy ako sa pagbusina. Bakit ba ang tagal nilang umandar?! I opened my window shield at bahagyang inilabas ang ulo ko.

"Ano ba at ang tagal n'yo?" Sigaw ko. Paulit-ulit kong pinindot ang busina hanggang sa wakas ay umandar na rin ang mga sasakyan na nasa harapan ko.

Nang makalagpas na ako sa traffic ay dire-diretso na ako sa pag-andar. Saan nga ba ako pupunta? Bakit nga ba ako umaalis?

Huling sayaw: Journey of loveWhere stories live. Discover now