You know what is the good thing in my situation? It's when you need your friends and they are just one call away.
"Hello? Evening, may I speak to Luis?" I said the moment someone answered the telephone.
"Hello? This is Luis speaking."
"Luisito!" I called. Sandaling nagawi ang tingin ko sa kasama ko na nakikinig na naman ng music sa stereo ko.
"Liguel?"
"Yup, one and only." I nodded as if he could see me.
"Oy pare! Long time no talk. Kamusta?"
"I'm still alive and breathing," I replied.
"What's up?"
"Luisito, I have a favor." I said, straight. I only have five minutes call dahil nakapayphone lang ako.
"And what can I get in return?"
I rolled my eyes. Alam kong gagawin n'ya ang sasabihin ko ng may kapalit. Hindi pa rin nagbabago.
"What do you want this time?" I remember the last time I asked him to help me in courting Nicole. He said that he's willing to help me in exchange of giving him the number of my almost 20 female classmates.
Imagine, kung gaano ko nilunok ang pride ko para lang hingiin ang lahat na 'yon.
"Your sister," he answered. My left brow slightly raised. I don't know kung maganda bang kapalit 'yon o hindi. Pero 'di bale na. Ilalakad ko nalang s'ya kapag nakita ko 'yong babaeng 'yon.
"Fine," I said. Beside that's what he wanted to hear from me. "But before that, I am here in Baguio city. I am planning to visit the Vigan city tomorrow morning. 'Di ba ay may rest house ka malapit doon? Pwede bang doon na lang kami dumiretso."
"Of course! But wait did you said kami? Are you with a hot chick? Girlfriend mo? Si Nicole ba 'yan—"
"Kukunin ko na lang ang susi kay manong Nestor. Nandoon pa s'ya hindi ba? I'm on my way there. Thank you Luisito." I ended the call. Ibinalik ko na ang telepono sa lalagyan nito at naglakad pabalik sa sasakyan ko.
Nang makapasok ako ay naabutan ko roon ang kasama ko na humihikab na. Malamang ay pagod na s'ya dahil buong araw kaming nasa Burnham park.
Kinuha ko ang neck pillow ko na palagi kong dala dala at inilagay sa leeg n'ya. She was too tired that she couldn't even open her eyes. I put some strands of her hair behind her ear and gently pat her head. A small smile form across my lips bafore I started the engine and drove away.
***
"Salamat po, nong. Pasensiya na rin sa abala," saad ko nang makuha ko ang susi sa katabing bahay ng rest house ni Luisito.
"Nako iho, Kung hindi pa tumawag si Luis kanina ay hindi kita agad makikilala. Lalo kang gumwapo," napangiti naman ako sa pambobola nito. Tinakpan ko ang bibig ko nang muli akong mapahikab. "O s'ya magpahinga ka na at anong oras na."
"Salamat ho ulit.h"
Si manong Nestor ang isa sa kamag-anak ni Luis na pinakamalapit sa amin. Kapag kailangan naming mag-unwind, Vigan ang punta namin kasama pa ng dalawa naming mga kaibigan.
Binuksan ko muna ang rest house n'yang pang-isahang tao lang talaga. Pagpasok mo palang ng pinto ay agad bubungad sa 'yo ang maliit na kusina. Sa tapat nito agad ang isang five step stairway na paakyat sa maliit na kama. Sa baba naman ng tulugan ay ang maliit n'yang banyo.
I could still remember the days where we decided to overnight here. We were still college that time. Akala nami'y sobrang laki ng tutuluyan namin dahil palagi n'ya itong pinagyayabang sa amin pero halos mahulog ang panga namin sa gulat nang makita namin ang kabuuan ng pinagmamalaki n'ya. Halos hindi namin alam kung paano namin pagkakasyahin ang mga sarili namin sa liit ng lugar.
YOU ARE READING
Huling sayaw: Journey of love
Short StoryLiguel, a guy who has a tragic past wants to escape from the reality. He drove himself away from his family who controls his life, hoping he could be free from the chains they put on his neck. But in the middle of his trip, he will meet a mysteriou...