"Wow!"
Walang pasabing lumabas ang kasama ko sa sasakyan pagpark na pagpark ko pa lang. Napabuntong hininga ako nang parang bata s'yang tumakbo sa paakyat sa entrance ng hotel.
"Hoy, teka lang!"
Napapikit nalang ako nang hindi n'ya ako pinansin. Kinuha ko ang mga gamit ko sa backseat. Isinukbit ko sa balikat ko ang isang gym bag na naglalaman ng mga damit ko pati na rin ang gitara ko sa likod. Binitbit ko rin ang laptop case at ang isang pares ng rubber shoes.
Ni hindi man lang ako tinulungan ng babaeng 'yon!
"Go totoy! Go totoy! Go go go!" she cheered. Napairap ako habang inaakyat ang kahabaan ng hagdan ng hotel.
Sobrang taas kasi! Ano ba 'to? Palasyo?
"Help me, woman!" my voice slightly raised. Nasa taas na kasi s'ya habang ako ay nasa paanan palang ng hagdan. My things were too heavy.
"Aakyat na si Totoy! Papasok sa hotel! Bitbit ang mga gamit, go! go! go!" she even made some stupid hand gestures. I glared at her when she repeated the totoy word again.
Mas maaappreciate ko pa kung tutulungan n'ya ako kaysa magcheer lang na hindi naman nakakatulong!
"Two hotel rooms please," I rolled and stretched my arms when I reached the front desk. Nangalay ako roon.
"Sorry sir pero isang room nalang po kasi ang available," the woman with strawberry pins muttered. K-kung gano'n may chance na magkasama kami ng babaeng 'yon sa iisang kwarto?! "Kung maaga po sana kayong nagpabook baka naipareserve pa po namin kayo ng dalawang kwarto."
I panned my head to my left only to find my companion touching every furnitures with her bare hands. Inaamoy n'ya rin pati ang mga plastic na bulaklak. My forehead creased.
This woman is... weird.
Napabuntong hininga ako at sandaling napatahimik. Iniisip kung makatarungan bang magsama kami sa iisang kwarto.
"Sir?" Muli akong bumaling sa kanya.
"Sorry po pero may mga nakapila pa po kasi. Kukunin n'yo po ba 'yong room?"Tumingin muna ako sa likuran ko at nakitang marami na nga ang nakapila. I heaved a deep sigh again. Pikit mata akong tumango sa kanya.
Matapos kong magbayad ay inilahad n'ya sa akin ang isang susi ng kwarto.
"Room five hundred and five po," she said, smiling at me. I took the key and pocketed it. Hindi pa man ako nakakalayo nang marinig ko ulit s'yang nagsalita.
"We can still accomodate you, ma'am," I heard her uttering those words. Paglingon ko may kausap na s'yang isang matandang babae. "We still have one available room for you and your husband."
Ano? Sabi n'ya kanina wala ng available na kwarto? Niloloko ba ako ng mga tao rito? I can pay two rooms! I have my savings and credit cards. Babalik sana ako nang may humawak sa braso ko.
Napatingin ako sa malamig na kamay na kasing lamig ng yelo na nakahawak sa akin bago ko unti-unting itinaas ang tingin ko. There I saw my companion smiling at me from ear to ear.
"Tara na?"
Ramdam na ramdam ko sa boses n'ya ang pagkasabik. Hindi ba s'ya napapagod maging ganyan? Kasi ako hindi ko kayang ngumiti ng matagal.
"A-ah kasi..."
Paano ko ba sasabihin? Naiilang ako sa magiging pwesto namin.
"Ano pa bang hinihintay mo?! Tara na!" she gently pulled me towards the elevator. Nakakailang buntong hininga na ba ako sa mga oras na ito?
YOU ARE READING
Huling sayaw: Journey of love
ContoLiguel, a guy who has a tragic past wants to escape from the reality. He drove himself away from his family who controls his life, hoping he could be free from the chains they put on his neck. But in the middle of his trip, he will meet a mysteriou...