Change

115 9 2
                                    


(CLARK'S P.O.V)

2 weeks na ang nakakalipas since nung namatay si Mark.

Tahimik na ulit ang aming pamumuhay.

"Class, Ang School Festival natin ay malapit na. Pagusapan nyo na kung anong booth ang gagawin natin" announce ni Ms. Cuenco sa amin.

Pumunta si Ms. Cuenco sa gilid at sumenyas sa akin na 'take charge'

Pumwesto na ako sa harap.

"Guys. If you have any suggestion sabihan nyo ako." Pasigaw kong sabi

"Photobooth!" Sigaw ni Gwen

"Lame!" Kontra naman ni Heroyuki

"Magbenta nalang tayo ng mga merchandise ng ibat ibang fandom" suggest ni Shine

"Pwede , pero ang mahal mahal ng mga merchandise and were not yet sure that all of it will get sold" pageexplain ko naman

"Time na guys, Pagusapan nyo nalang yan kapag may free time kayo. Malaki ang expectation ng School sa section nato. Good Luck" Pagprepressure ni Ms. Cuenco sa amin

*KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING*

Uwian na . Pero iniisip ko parin kung ano ang pwede naming i-booth.

Pagpasok ko sa dorm, ako palang magisa.

Si Zero nasa court pa

Si Hudson nasa library

Si Keith baka nasa labas lang

Humiga muna ako sandali sa kama ko. Bigla kong naalala ang mga mukha ni Mark at Reese kung paano sila namatay.

Nakakaawa sila.

Nakakainis kasi wala kaming magawa para tulungan sila.

ALAM KO NA !

(CLARISSE' P.O.V)

Its been weeks since tumigil na sa pagpatay ang killer.

Tapos na kaya ?

O nagplaplano pa sya?

Hindi ko mapigilang matakot. Maaaring ako ang isunod ng killer.

Ni hindi alam ng nanay at tatay ko na may nangyayaring patayan sa school. Hindi kasi dapat kumalat ang balita, masisira ang image ng school.

Selfish right ?

Wala na tayong magagawa. Sabagay, good quality of education ang binibigay nila but SECURITY is what we need now.

"Clar ! Anong gusto mong ulam?" Tanong ni Kate sa akin. Lumipat kasi siya ng dorm. Matagal na , bago pa namatay si Mark.

"Kahit ano! Ikaw Faye ?" Pinasa ko ang tanong

"Kahit ano basta may carrots or kalabasa. Pangpalinaw ng mata" sagot ni Faye pero nakatuon parin ang pansin nya sa librong binabasa.

"Anastasia, ikaw ano gusto mo ?" Tanong ni Kate kay Anastasia

"Mag cucup noodles nalang ako , baka kasi lasunin nyo pa ako" cold na sabi ni Anastasia

Napatigil si Kate sa pag hihiwa ng sibuyas. Lumapit siya sa kama ni Anastasia.

"Ganyan ba talaga ang tingin mo sa amin ?" Mahinahong tanong ni Kate kay Anastasia

Nagulat kami sa ginawa ni Kate. Siya lang ang naglakas loob kausapin ng malapitan si Anastasia. Nakakatakot kasi siya minsan , nagiging wild sya . Parang may sira sa utak.

"Oo. Kaya nyo nga akong pandirian noon at pabayaan ngayon" cold parin na sagot ni Anastasia.

"Hindi namin ginusto yung nangyari , sa totoo lang naaawa ako sayo, Sa ginawa nila sayo" sabi ni Faye

"Bakit naman ako maniniwala?" Pagmamaldita ni Anastasia

" hindi naman kami magsasayang ng oras na kausapin ka ngayon kung wala kaming pakialam sayo" sagot ni Kate

"At isa pa , namimiss na namin ang dating Anastasia" dagdag ko naman

"Totoo ba yan ?" Tanong ni Anastasia. Puno ng pagdududa ang mukha nya

"Promise." Sabi naming tatlo

Hindi sumagot si Anastasia pero niyakap nya kami.

Masarap sa pakiramdam na muling humalik ang aming kaibigan.

Ang sarap sarap.

Tumayo si Anastasia at pumunta sa may kusina.

"Oh ? Anong gusto nyong ulam?" Tanong nya sa amin. Sa pagkakataong ito nakangiti na sya

Imbis na sumagot , niyakap namin siya . Hindi ko napigilan ang luha ko.

.

Mukhang bumalik na sa katinuan si Anastasia.

------------------------------------------------------------------------------------

Paggising namin agad kaming naghanda para pumunta sa school.

Pagdating namin sa classroom , nakita namin si Clark na may drinadraw sa blackboard.

Si Zero natutulog pa.

Si Hudson nagbabasa , whats new ?

Si Keith .. nasan ? Ay ayun naglilinis

After dumating lahat ng classmate namin biglang nagsalita sa harap.

"Guys . Listen . I have a suggestion" announce ni Clark

"And what's it Mr. Velasco?" Tanong ni Ms. Cuenco na kakarating lang

"Well , ang gagawin nating booth ay..."

**************************************************

Lame sya xD

Si Anastasia yung nasa multimedia , Nakasmile na sya dun xD

Sige sige . Salamat sa pagbabasa

FiendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon