Math and Science

68 7 2
                                    

Author 's note: Megherd. This Chapter is very emotional. FOR ME. Promise , teary eyed ako sa pagsulat ko nito. Cheche. Dedicated nga pala kay Botera, na laging nagvovote every chapter. TeeHee.

(KATE'S P.O.V)

Hanggang ngayon iniisip ko parin kung sino yung may kaugnayan kay Veronica. Alam ko talagang meron eh.

"Kate! Samahan mo ako" sabi ni Keith at nagpout pa. Pacute tss.

Tumango lang ako. Miss ko na rin tong kapatid ko. Antagal bago kami ulit sumabay sa paglalakad. Di lang nila alam na kahit gaano ka communer tong si Keith sa iba , ganoon din sya ka famous para sa akin.

"saan ba tayo?" Tanong ko sa kanya

"Kakain" sagot nya na may malaking ngiti at umacting pang kumakain.

"Libre mo?" Tinaasan ko sya ng kilay

"Siyempre hehe" sabi nya at napakamot sa batok nya.

Tahimik lang kaming naglalakad papuntang McJollibee nang bigla siyang nagsalita.

"Naalala ko yung sinabi ko kanina sa mini garden, yung ako na sana ang isunod ng killer. Ano gagawin mo kung ako nga ?" Tanong nya sa akin . Ang plain ng mukha nya.

"Magpapaparty" maikli kong sagot at ngumisi

"Ansama" sabi niya at inirapan ako

"Biro lang. Ano ba kasing klaseng tanong yan ?" Angal ko naman

"Basta! Sagutin mo lang. Please" masyado namang mapilit

"Tinatanong pa ba yan? Siyempre, iiyak. Mababaliw. Ikaw lang kaya ang kapatid ko ? At isa pa twins tayo. Ano ba kasing meron bakit tinatanong mo yan!" Nakakainis na talaga. Ang pangit ng topic.

"Ramdam ko kasi.. a-ako na a-ang isusunod" mautal utal nyang sabi at nagsimula nang pumatak ang luha nya

"Dapak Keith ? Ano ba yang iniisip mo ? Shunga lang ? Bakit ikaw ? Di ako papayag" badtrip tong kambal ko naman oh.

"Basta ramdam ko. Sige na" pinunasan nya na ang mga luha nya at pumasok na kami sa McJollibee at umorder.

Habang kumakain kami , kinain rin siguro ng katahimikan ang paligid. Ni isa sa amin walang umimik.

Andami ko nang iniisip. Jusko tulungan nyo po ang section namin. Tulungan nyo po si Keith . At ako.

Hindi ko alam pero biglang pumatak ang luha ko.

Pagkatapos nun ay binilisan ko na ang pagkain sa Burger steak ko. Pagkatapos ininom kaagad ang McFloat ko.

"Oi , uwi na tayo. Mag aalas onse na . Gabi na" pagaalok ko kay Keith.

Gaya ng sabi ko , tumayo na sya at lumabas ng kami sa McJollibee.

"O ? Hali kana ?" Sabi ko kay Keith, huminto kasi sya.

"Umuwi kana , iinom lang ako." Sabi niya

"Iinom ka ? Sa tingin mo papayagan kita ? Alam kong mahirap ang sitwasyon pero hindi alak ang solusyon " Sigaw ko sa kanya

"BASTA MAUNA KANA ! UWI KA NA!" Sinigawan nya ako at bahagyang tinulak. Tumungo naman sya sa kabilang direksyon.

Ano ba yun, ang Bipolar naman? Baka naka drugs ? Tss Makauwi na nga lang..

_____ _____ _____ _____ _____

(KEITH'S P.O.V)

Nagising nalang akong nakahiga sa ilalim ng kama ko.

Ilalim talaga ? Ganun talaga ako ka lasing?

"Hoi , magbihis kana! Late kana." Sabi ni Clark at tinapunan ako ng towel. Nakatingin silang tatlo sa akin.

"Dinala ka ng Gaurd dito, mukhang sinukahan mo yata sya kagabi eh. Bat ka ba naglalasing?" Tanong ni Jasper

"Bat ka ba nangengealam?" Sabi ko kay Jasper at pumasok na ako sa banyo ang nagsimulang maligo.

Habang bumubuhos ang tubig sa mukha ko, naalala ko kung anong nangyari kagabi. Naglasing ako at iniwan ko sa Kate.

Diyos ko. Bakit ko sya iniwan.

Binilisan ko ang pagligo at pagbihis at pupuntahan ko si Kate sa dorm nila.

Tinungo ko ang pinto ?

"San ka pupunta?" Tanong ni Zero

Hindi ako sumagot at dumiresto parin ako sa pinto. Ngunit bago ko mabuksan ito, may bumukas ng pinto sa kabilang banda.

Si Clarisse. Mukhang natatakot sya?

"Nakita nyo ba si Kate? Di kasi siya umuwi kagabi." Nanginginig na Sabi ni Clarisse .

Umiling ang tatlo kong kasama sa dorm.

Napaluhod na lamang ako sa lupa.

"Ang gago ko ! Ang gago ko! Iniwan ko ang kapatid ko sa isang madilim ma eskinita at ako nagpakasaya sa isang bar at hindi man lang iniisip kung anong maaring mangyari sa kanya! P*tang *na ka Keith! Pakshet ka!" Napakamot ako sa buhok ko. Inuntog ko ang ulo ko sa floor. Wala na akong pakialam kung anong maamring mangyari sa akin, inaawat naman ako nina Clark,Zero at Jasper.

Tumayo ako

"Letcheng buhay to! Bitiwan nyo ako. Hahanapin ko ang kapatid ko." Iwinaksi ko ang mga brasong nakapulupot sa akin. At tumakbo palabas.

Actually di ko alam kung saan ako magsisimula. Ang alam ko lang sa ngayon ay dapat kong makita sa Kate!

Pumunta ako sa Field at hindi ko napigilan ang sarili kong sumigaw.

"PUTCHA ! KATE MAGPAKITA KA NAMAN NA OH!"

Lahat ng estudyante't guro napatingin sa akin.

Naglakad na ako palayo.

Bigla nalang may panyong nagtakip sa ilong at bibig ko.

~~~~~~~

Nagising nalang ako na nakatali na ang dalawa kong kamay sa magkabilang dulo ng higaan. Ganoon din ang mga paa ko.

"Keith, tulong" napatigil ako sa pagpupumiglas ng makita ko si Kate na nakakadena sa isang arm chair.

"Kate, Ate dont worry, ilalabas kita dito" sabi ko sa kanya at sinimulang magpumiglas sa lubid na nakatali sa akin.

Nakita kong umiiyak na si Kate.

"Oh ? Ang saya diba ng mereunite kayo sa isat isa" sabi ng killer habang nakaupo sa isang sofa at tinititigan kami.

"Ikaw? Ikaw ang killer ?" Tanong ko sa kanya.

"Malamang , alangan naman ikaw? Kung ikaw man , bat ka nandyan?" Sarkastikong sagot nya sa akin.

"Pakawalan mo na kami please. Maawa ka" Sabi ni Kate

"Awa? Whats that ? First time ko ata narinig ang salitang yan" sabi nya at tumawa.

"Btw, Math and Science is your favorite subject right? " tanong nya sa amin at lumakad na palayo. At bumalik dala dala ang kahon nya.

"Anong gagawin mo?" Tanong ko

"Basta magtiwala ka lang" Pak. Diyos ko , gusto ko pang mabuhay.

May kinuha siya sa kahon.

Isang...

*********************

Hai , another update nanaman.

Wohoo . Hindi ko alam kung saan ako na teary eyed, sa mga lines bah ? O sa mga mamatay?

Sige na nga. May kapatid rin kasi ako. Wahahaha yun lang?

#nakadrugsako xD

Lame hahaha sabaw.

Happy summer sa inyong lahat xD

Votes and comments are highly appreciated.

- Fabian

FiendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon