Failed Trip

81 9 0
                                    

(CLARK'S P.O.V)

Sa awa ng Diyos, nakarating kami ng Tagaytay ng buo. Walang labis, Walang kulang. Buti nalang di nag crash ang eroplano.

"Samahan mo ako bumili ng Souvenir latur ha !" Maarteng sabi ni Shine sa akin

Tumango lang ako. Natatawa ako kasi kinakausap nya ako kapag may kailangan sya sa akin xD

"Guys ! SELFIIEEEE !" Narinig kong sigaw ni Shine. Agad namang nagkumpulan ang lahat, nakisali narin ako.

Natigil kami sa kakapicture dahil may nagsalita bigla

"UHM. Today we are here at Chuchu Adventure Park. Its the perfect place para sa mga teenagers na tulad nyo upang magbreak sa mga gadgets nyo. Perfect din to for your activity , like camping and any outdoor activities. Hope that you'll enjoy your stay here" sabi nung facilitator sa amin.

Sabagay, ang ganda ng view, ng scenery. Picture Perfect.

"Okay. Class ilagay nyo na ang gamit nyo sa rooms nyo. Dalawang students lang each room. After 20 minutes bumalik kayo dito sa activity area at sisimulan na natin ang una nating activity." Sabi ni Ms. Cuenco at may inabot sa aming papel

Listahan ng Roommates

ROOM 1

Jasper - James

ROOM 2

Gwen - Shine

ROOM 3

Clark - Zero

ROOM 4

Anastasia - Clarisse

ROOM 5

Kate - Keith

ROOM 6

Jerard

"Wait ? Magisa lang ako?" Tanong ni Jerard

"Malamang" sagot ni Zero

"MAAM! Pwede i-insert nyo po ako sa ibang room" pagmamakaawa ni Jerard kay Maam.

"Mukhang matatakutin si Jerard ah , sige dun kanalang sa Room 1" sabi ni Maam

"Waah ! Pirti katalawan, pildin pang bayi (masyadong matatakutin, talo pa ang babae)" pangaasar ni Zero kay Jerard

Mukhang naiinis naman si Jerard pero di nalang nya ito pinansin.

Inakbayan naman ako ni Zero at sabay kaming tumungo sa room namin.

Iniwan ko lang ang bag ko sa tabi ng kama ko at humiga.

Kulang ata ako ng tulog kagabi.

Pinikit ko na ang aking mata at nagsimulang matulog.

(THIRD PERSON'S P.O.V)

After 30 minutes isa isa nang nagbalikan ang mga studyante sa Activity Area.

"Kumpleto na ba kayo ?" Tanong ng Facilitator nila.

"Sir , kulang pa kami." Sagot ni Gwen

"Oh ? Sino ang kulang ?" Tanong naman ni Maam

"Si Shine maam" mukhang kinakabahan na sagot ni Gwen

"Si Jerard din maam, di namin sya nakitang pumasok sa dorm." Dagdag pa ni James.

Kinabahan ang lahat. Mukhang may ginawa naman ang killer.

"AAAAAAAAAAHHHHHHHHH!" May narinig silang malakas na sigaw. Mukhang galing to kay Shine

Agad namang tumakbo ang lahat papunta kung saan nanggagaling ang narinig nilang sigaw.

FiendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon