Clues

64 8 1
                                    


(GWEN'S P.O.V)

Kakauwi lang namin galing sa Tagaytay. Hindi ko parin mapigilang mapaluha sa tuwing naaalala ko si Shine , ang nagiisa kong bestfriend.

Hindi parin ako makapaniwala na sa isang iglap lang, nawala sa akin ang bestfriend ko. At worst, wala akong nagawa para iligtas siya.

"Gwen , tahan na. Di makakabuti sayo ang sobrang pagiyak." Sabi sa akin ni Clarisse habang hinahaplos ang likod ko.

"Hindi na mababalik ng mga luha mo ag patay na bestfriend mo!"  Sabi ni Anastasia sa akin with her usual cold voice. Nainis ako dahil sa sinabi nya.

"Pero it will help me to ease the pain. Hindi nyo rin kasi ako naiintindihan, as if naman na you really care for me. Alam ko naman na noon binabackstab nyo ako at si Shine. Well, good for you kasi wala na siya" Sagot ko sa kanya habang humihikbi.

"Oy, tama na yan. Walang may kasalanan sa nangyari. Wala. Kaya magpahinga na tayol" sabi ni Kate at inihanda na ang sarili para matulog

Lumipat kasi ako sa dorm nina Kate kasi ako nalang magisa sa dorm ko. At ayaw ko muna manatili sa Dorm namin ni Shine, maalala ko lang ang mga memories naming dalawa.

Mahirap man mag move on pero kakayanin ko.

At kung sino man ang may kagagawan ng lahat ng ito, Pwes. Magbabayad siya.

Sinubukan kong ipikit ang mata ko. Mukha ni Shine ang nabuo sa isip ko. Shine , bakit ka nagpaparamdam. May gusto ka bang sabihin?

Please Shine . kung meron man, please sabihin mo. Kailangan ko talaga ng Clues ngayon.

_____ ______ ______ ______ ______

(KEITH'S P.O.V)

Kumukonti nalang kami , kaya mas lumalaki ang chance na ako na ang isunod ng Killer. Potek talaga! Kapag malaman ko lang kung sino talaga yang killer, humanda siya sa akin.

Pagkauwi namin sa Dorm , nagayos agad ako ng mga gamit at higaan upang maghanda nang matulog.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko pero narinig kong nagsalita si Zero

"Keith , nakita mo ba si Clark ?" Tanong nya sa akin.

Dahil sa tanong nya, napalingon ako sa apat na sulok ng dorm namin. "Wala" sagot ko naman

"Alam mo, duda talaga ako sa Gagong yun. Sa tingin ko sya ang Killer." Seryosong saad ni Zero

"Paano ka nakakasiguro?" Tanong ko kay Zero. Kinakabahan tuloy ako.

"Tingnan mo. Every time na may pinapatay, lahat ng way na papatayin sila, puro pang puzzle . Pangmatalino kumbaga. Sinong Top 1 sa atin ? Diba si Clark" napakaseryoso ni Zero ngayon. Ngayon ko lang sya nakitang ganito kaseryoso

"And then..?" Mukhang di pa kasi sya tapos.

"Nung namatay si Reese, diba may blackout? At si Clark at si Heroyuki ang punong abala dun. Sila lang ang may kapit sa mga electricity. Hindi naman pwedeng si Heroyuki dahil pinatay rin sya. At si Clark sya ang nagsuggest ng Stress Relieving booth. Napakaingay ng booth nayun at napakabusy? Sinadya nya yun para di natin mapansin na may mawawala. Siya rin ang unang nakapansin na wala na si Faye. Oh diba" sabi ni Zero at nagsmirk

"Oo nga no ? May point ka. Siya rin yung nakakita nung sulat na may nakalagay na MISSING: MR. H . Nakita nya ba talaga yun or siya talaga ang gumawa nun?" Napapaniwala na ako sa sinabi ni Zero sa akin.

Natigil ang usapan namin ng biglang dumating si Jasper kasama si Clark.

"Oh nandito na pala kayo . Saan kayo galing?" Tanong ni Zero at nakipagapir sa dalawa.

"Doon, naglakad lakad" sabi ni Jasper

Pagkatapos ay naupo kaming apat sa sala. Nang biglang may kumatok.

Binuksan ko ito. Si James pala

"Dito na ako matutulog ! ako nalang kasi isa sa Dorm!" Sabi nya

Tumango nalang kaming apat.

"Iiwan ko muna ang gamit ko, naiwan ko pala yung math book ko sa classroom natin" sabi ni James at napakamot sa batok nya

"sama ako , pupunta rin kasi ako sa dorm nila Clarisse" sabi Clark

Tumango nalang si James at sabay silang lumabas ng Kwarto.

Dalawang kwarto na ang bakante ngayon. Kailan pa kaya matatapos ang patayan? Kailan kaya titigil ang killer? O baka dapat kong sabihin na, KAILAN KAYA TITIGIL SI CLARK?

_____ ______ ______ ______ ______

(JAMES' P.O.V)

Tahimik lang kami ni Clark habang naglalakad.

Nang nadaanan namin ang dorm nila Clarisse, nagpaalam na sa aki si Clark.

Dahil dun, tumakbo nalang ako papunta sa Room.

Pagkatapos kong makuha ang libro ko, naglakad nalang ako dahil hiningal ako dahil sa kakatakbo ko kanina.

Sa paglalakad ko, nadaanan ko ang  Janitor's Closet. May narinig akong naguusap sa loob.

Napatigil ako at idinikit ko ang tenga ko sa pinto. Rinig na rinig ko na ang pinaguusapan nila.

"Please tama na , itigil mo na ! Masyado nang maraming buhay ang nadamay akala ko ba si asdfghjkl lang ang papatayin mo? Please , nagmamakaawa ako. Itigil mo na to!"narinig kong sabi ni Anastasia???

Hindi maaari to. May kinalaman si Anastasia sa nagaganap na patayan. Shoot dapat may makaalam nito.

Pero bago pa ako makaalis biglang bumukas ang pinto ng janitor's closet. At ang huling bagay ko nalang na natatandaan ay may ipinukpok sa ulo ko.

*****************************

Yey , Update nanaman ! Inenjoy nyo ba ? XD

Btw, happy 1k reads sa akin. Di ko inaasahan na may magbabasa nito xD

Pero ang tanong, Si Clark kaya ang killer? Ano ang kinalaman ni Anastasia sa killer? Sino kaya ang susunod? Si James ba ?

Sige bye.

-Fabian

FiendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon