Tips

92 6 0
                                    

(CLARK'S P.O.V)

3 weeks.

Its been 3 weeks since nung iniwan namin si Zero. Pinabayaan namin siya. Hinayaang mamatay. And worst, kami pa ang pumili sa kanya.

Five

Lima nalang kaming natitira.

Kumukonti na kami which means lumalaki narin ang chance namin na makilala ang killer.

Kung sino man sa apat ko pang kasama ang may kaarawan sa mga patayan, sigurado akong napakagaling nyang umarte. Umarte na kaibigan, umarteng nakikiramay at kunyari ay nagpapahalaga. Psssh

"Uy Clark, ano pang tinulungan mo jan may klase pa tayo. Ayaw naming malate." Sabi ni Jasper

Tumango nalang ako at kinuha ang backpack ko. Nawalan na ako ng ganang pumasok. Isipin nyo yun, lima nalang kayong estudyante.

Agad naman kaming pumasok. Sabay kaming lima para mabantayan namin ang galaw ng bawat isa, mahirap na.

Pagdating naman namin ng classroom, wala pa si Ms. Cuenco. Nakakapagtaka, never pa nalate si Ma'am. Late na nga kami, wala pa siya. Nadamay narin kaya si ma'am?

Habang tahimik akong naghihintay, nagulat ako ng biglang sumigaw si Clarisse.

"Kyaaaa! Birthday nga pala ni Ms. Cuenco ngayon. Baka kaya siya late kasi naghahanda pa siya" patalon talon pa siya

"So may surprise party bang magaganap?" Tanong naman ni Jasper

"I have an Idea, how about magkunwari tayong walang kaalam alam then later magsusurprise party tayo." Suggest ni Gwen

"Oh sige sige , game!" Sabi ko.

Di nagtagal dumating narin si Ms. Cuenco.

"Good morning class" medyo mabilis nyang sabi at umupo siya agad sa teacher's table.

Wala namang make up si maam, in fact nakauniform pa siya at may suot na salamin. So hindi sya naghanda sa birthday nya ?

"Okay, class may nabasa akong blog ni BerdengPeter. It's Robbie Chen's Survival Tip. May mga tips dito on how to survive in a massacre. Parang itong nangyayari sa atin. Nakasurvive na kasi sya sa maraming Massacre. 4 or 5 I guess?" Sabi ni Maam.

"Woah ! Badass!" Napasigaw si Jasper sa sobrang pagkamangha

"Sinabi mo pa, at baka malakas ang kapit sa itaas hahaha" dagdag pa ni Anastasia

The best pala talaga to si Ms. Cuenco. Kahit mukhang hindi sya kasali sa massacre na ito eh tinutulungan nya talaga kami.

"Maam, Can you read some examples?" Sabi ni Gwen.

"Anything is useful lahat pwedeng maging weapon. Kahit nga ballpen" pagbasa ni Ms. Cuenco

"Ballpen? Ano yan susulatan mo ang killer ng nagmamakaawang letter para wag ka nyang patayin" sarcastic na tanong ni Jasper

"No, pwede mo itong itusok sa eyeball ng killer whenever na nagkasagupa kayo" sagot naman ulit ni Ms. Cuenco

Puro 'TIPS ON HOW TO SURVIVE IN A MASSACRE' ang nilesson namin ngayon. Sa sobrang rami naming napagusapan nakalimutan naming uwian na pala.

Nagpaalam na kami kay Ms. Cuenco at tumungo na kami sa Dorm namin.

Habang naglalakad pauwi napansin kong seryosong seryoso si Gwen na nakatitig sa post-it nya. Parang may minememorize

"Pssst Gwen, ano yan ?" Sinilip ko yung binabasa nya.

Wow . Nilista nya talaga ang mga tips na sinabi ni Ms. Cuenco.

"Ay wala!" Tinago nya yung post-it nya

Seryosong seryoso talaga si Gwen sa pagbigay ng hustisya para sa bestfiend nyang so Shine.

Sana matulungan namin sya.

(GWEN'S P.O.V)

Nirereview ko lahat ng tips na binigay sa amin ni Ms. Cuenco. Isinasaulo ko ito dahil sigurado akong magagamit ko ito sa pagdating ng tamang panahon.

Gusto mo makita yung list ? Nasa multimedia. Sorry ha kung pangit ang writings ko.

Btw, magreready pa pala kami sa surprise namin para kay Ms. Cuenco.

Ako panaman ang magbe-bake ! Weeeeeh

Party party muna kasi alam kong madugong engkwentro nanaman ang susunod.

Uubusin nya kaya kami? Yung tipong siya nalang matitira ?

Kung Oo man ang sagot , di ko sya hahayaang gawin to! Ako ang tatapos sa kanya.

Lintik lang ang walang ganti

"Hoi Gwen ! Pasok na bilis. Magbe-bake ka pa diba ?" Sigaw sa akin ni Clarisse

"Hehe oo nga pala. Sige" at pumasok na ako sa loob

*************************

Lima nalang sila ! T.T

Crossover nanaman sina Peter at Robbie from Serial Sleeper's Stories (slaughter high at suicide pact)

Btw, next chapters are full of revelations ! Haha prepare

And After this, last 2 chapters na po and then yung Epilogue ! Waaaah . Ganito pala yung feeling na malapit mo na matapos ang story mo. Fulfilling xD

Btw, ako nagsulat nung nasa Multimedia. Hahaha pang doctor ang handwriting ko xD

Ke fly

- Fabian

FiendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon