Field Trip

103 6 1
                                    


( JASPER'S P.O.V )

Hindi madali ang pinagdaanan namin lately.

Masakit na dahil sa akin at kay James ay Dalawang buhay ang kapalit.

Akala ko enjoy ang nagaganap na patayan , ngunit simula nang nangyari sa amin yung kagabi, eh nagbago na ang pagtingin ko.

"Okay class, i know na these past few days, hindi madali ang pinagdaanan nyo. So as your adviser, gusto ko kayo tulungan. Tomorrow, may magaganap na field trip." Announce ni Ms. Cuenco

"Bukas? Agad agad?" Tanong ni Clarisse

"Dont worry, ang school na ang magbabayad at magproprovide ng lahat. All you need to bring is your camping gears, clothes, tents at siyempre, ang sarili nyo" dagdag pa ni Ms. Cuenco

"Saan po ?" Tanong ng mga kapwa ko kaklase

"Sa Tagaytay." Sagot ni Ms. Cuenco

"Yes, malayo. Makakalimutan talaga natin ang mga problema." Sabi ni Shine.

"Ikr ! Iiwan ko muna dito sa Davao ang problema ko!" Dagdag pa ni Gwen

"If okay na kayo at wala ng ibang katanungan , Class Dismissed" announce ni Maam.

After madismiss ang klase , pumunta kami ni James sa Cafeteria at kumain muna kami.

Umorder ako ng fries at sya naman milkshake.

Umupo kami sa pinakadulong table.

"Oh ? Baket nga pala tayo maguusap?" Tanong ni James sa akin.

"Its about the murders na nagaganap dito sa St. Loyola" seryosong sagot ko

"Aamin ka na ba na ikaw ang killer ? Binabagabag ka na ba ng iyong konsenya?" Pati si James seryoso narin sa pagsasalita

"Sira ! Hindi , what i mean is , Tama ba talaga na lumipat pa tayo dito? Ligtas pa bang mag stay dito ?" Tanong ko kay James

"Hindi ko alam. Eh nandito narin lang tayo, kayanin na natin. Malay mo tayo pala ang makakasolve ng mystery na to" sabi ni James at tinapik ang likod ko

"At isa, may field trip pa tayong pupuntahan bukas. Kaya bilisan mo na jan dahil magiimpake pa tayo." Dagdag pa ni James at hinila na nya ako patayo.

"Oo na, oo na" sabi ko naman at tumayo narin

----------------------------

Pagdating ko sa harap ng dorm ko nagpaalam muna ako kay James bago pumasok.

"Oh Jas , di ka pa mag eempake?" Tanong sa akin ni Keith.

"Mageempake na nga xD" sagot ko nalang

"3:00 am daw ang alis natin." Sabi ni Clark

"Ang aga naman!" Angal ni Zero

"Para daw pagdating natin eh umaga na" sagot ni Clark

May masama akong nararamdaman sa Field Trip na ito.

(SHINE'S P.O.V)

Nang makarating na kami sa Airport, kanya kanya na kaming trip kung paano di mabobored. Nakipagchikahan nalang ako kay Gwen.

"Besh, nagdala ka ba ng Swimsuit ?" Tanong ko sa kanya

"Syempre naman besh! Tutulo ang laway ng boys kapag nakita nila akong naka swimsuit" maarte naman nyang sabi

"Weh ? Baka nga mandiri sila kasi puro bilbil ang makikita nila hahaha" biro ko kay Gwen

"Bilbil ? No , ikaw nga siguro. Lahat kaya ng food na kinakain mo Fatty" sagot naman nya

"Ikaw rin kaya!" Sabi ko ulit

"Oo nga no?" Sagot nya at nagtawanan nalang kami.

Hanggang sa makarating kami sa eroplano puro kulitan lang ang pinagagawa namin.

"Besh tingnan mo yung mga flight stewardess, tanga tanga nilang tingnan habang ng eexplain ng mga kung ano ano" sabi ko kay Gwen

Imbis na sumagot si Gwen ay ginaya nalang nya yung mga flight stewardess at nakita din to ng iba pa naming kaklase at nagtawanan namlang kaming lahat.

Sa sobrang tawa ko , mukhang maiihi na ako.

"Besh wait lang ha , iihi lang ako." Sabi ko kay Gwen

"Pasama ka ? Jusko Shine! Ang tanda mo na" sabi sa akin ni Gwen habanh pinipigil ang kanyang pagtawa.

"Baliw ! Hindi no" sabi ko at naglakad na paalis.

Naririnig ko parin yung tawa nya.

Pumasok ako sa Cr ng Eroplano at umihi na.

Sobrang tahimik.

Pagkatapos Kong umihi , tumingin ako sa salamin

*tit*

Nagulat ako ng bahagya dahil may natanggap akong isang text message.

Fr: 09876543210

Tawa lang kayo. Kasi mamaya mawawala na yan.

Kinilabutan ako sa nabasa ko.

Lumabas kaagad ako ng banyo at sumigaw sa Harap.

"sinong nagpadala ng message sa akin?" Pasigaw na tanong ko

Nakita ko ang gulat sa mukha nila.

Walang sumagot.

"Maam , umupo nalang kayo. We are taking off na kasi" sabi ni Maya Este ng isang flight stewardess at inalalayan ako pabalik sa upuan ko.

Kumalma ako ng bahagya pero sa kalooblooban ko , alam kong may hindi magandang mangyayari mamaya.

*****************

Hahaha sabaw as always xD

Pasensya na pala sa mga typo at wrong grammar ha T.T xD

Btw, naglagay ako ng chart sa multimedia , tutulong yan sa inyo sa pag alala kung sinong buhay pa at patay na (hindi ko nasali si Hudson , pero patay na sya)

Sige salamat sa pagbabasa.

-Fabian.

FiendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon