UNANG YUGTO

3.7K 104 5
                                    

Pagdating sa pagmamahal hindi siya nagiging sapat. Para bang ang puso niya ay kinapos sa tamang sukat at hugis dahil hindi iyon akma sa pag-ibig ng lalaking minahal niya, mahal pa rin niya at gusto niyang mahalin habang siya ay nabubuhay.

She is tired of complaining. Tired of being a good girl for him. She doesn't want to anymore, in fact, at this point she simply did not care. Inubos ni Xiellou sa mahabang pagtungga ang natitirang laman ng champage sa bitbit na bote. Kahit ang kunting tamis na natira sa inumin ay nagiging mapait na ang lasa pagbaba niyon sa kanyang lalamunan.

Nilibot niya sa buong paligid ang hungkag na paningin. Now the living room is too quiet and she had no one to fight with regarding how she shouldn't sleep nude in the couch. Natatawa siyang parang sira. May pakialam si Javier sa katawan niya pero hindi man lang nito inisip ang puso niya. Sabagay, nakatago kasi iyon at hindi naman nakikita kung paulit-ulit na nadudurog.

Clouds of pain provoked the shallow rifts of fluids from her eyes. May darating pa bang lalaki na handang saluhin ang bawat patak ng luha niya? Isn't she worth it? Si Javier lang ang gusto niyang gumawa n'on pero sa paningin ng lalaki ay hindi siya karapat-dapat. Marahil ay ganoon din ang magiging tingin ng iba.

Umahon siya sa kinauupuang couch at muntik nang mapaluhod sa sahig. Lasing na ba siya? Susuray-suray siyang pumasok sa kanyang kuwarto at nagtuloy sa banyo. Hinubad ang suot na robe at itinapat ang sarili sa malakas na buhos ng shower.

Nahimasmasan siya pagkatapos maligo. Kung kailan lunod na ng alak ang sikmura niya ay saka naman kumulo at pinaalala sa kanyang hindi pa siya naghapunan. Tinamad siyang magluto. May suki naman siyang Ramen Haus at bukas iyon ng twenty-four hours.

Nagbihis siya ng itim, over-size at flowing maxi-dress na nakakaladkad ang laylayan sa sahig kapag siya'y naglalakad. Tinuyo ng blowdry ang buhok, naglagay ng manipis na make-up at lumabas ng silid bitbit ang purse, cellphone at susi ng sasakyan.

Nasa labas na siya ng pintuan ng unit ni Javier nang umagaw sa pansin niya ang lalaking niluwa ng elevator. Matulin itong tumakbo papunta sa kanya at sa isang iglap ay biglang naglahong parang mabilis na hangin. Na-estatuwa siya nang madamang may nakasukob na sa ilalim ng damit niya.

Bagamat wala siyang pagkakataong mangisay at mag-histerikal kahit umalma na ang kanyang sistema, parating sa kanyang kinaroroonan ang babaeng mistulang manika sa boutique. Kinulang sa kulay at sumobra sa kaputian. Ang mahabang buhok na halatang artificial ay mistulang pugad ng bagyo sa gulo. Humahangos ito at halata ang ngitngit at panggigigil sa lumalaking mga butas ng ilong.

"Excuse me, may nakita kang lalaki na dumaan dito?" hinihingal nitong tanong. Nanatili pa rin ang poise sa kabila ng makalat na postura. Hindi naman maitatangging may likas itong ganda na pinalitaw pa lalo ng mamahaling make-up. "Matangkad siya, mga six-five. Plain fatigue green ang sweatshirt niya, may suot na cap. Guwapo siya, guwapo at...malaki ang katawan."

Sumisikip ang ibabang parte ng damit niya. Sumasagad kasi sa ilalim ang lalaking pumasok na tugma sa description ng babaeng kaharap. Magsasalita na sana siya, pero natapilok siya nang humagod sa kanyang hita ang nakakikiliting haplos ng mainit na dila. Lumapat ang puwit niya sa balikat ng lalaki kasabay ng pagbigay ng kanyang mga tuhod.

"May nakita ka?" untag ng babae.

Kabado siyang umiling, dinaig ang kumakain ng isda at bumaon ang mga tinik sa lalamunan.

"Saan kaya siya pwedeng tumakbo?" bigong sambit nito.

Itinuro niya ang hagdanan sa kabilang dulo. Tagaktak na ang pawis niya. Kung kanina ay dila, ngayon naman ay mga daliring parang uod na naglalakad sa kanyang binti ang nagpapatayo ng kanyang mga balahibo. Umaakyat at bumababa. Naiihi na siya sa kiliting hatid niyon.

BGT 04: SHE GOT HIM TWISTED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon