Chapter 4- Huling Yugto

1.7K 42 5
                                    

"Thank you, Doc." Jim blew up a sharp sigh of relief.

Sadya niyang inabangan sa labas ng operating room ang doctor para aregluhin ang pagpapalit ng attending nurse na mag-aalaga kay Frankie. Hindi na kasi siya tinigilan ni Xiellou. Nanghahapdi ang tiyan niya sa mga bakas ng kurot nito.

"No problem, Jim, I got you. Send my regards to your wife." Tinapik ni Xandr ang kanyang balikat at naghiwalay sila sa may pasilyo.

Sumakay siya ng elevator paakyat sa suite ng kapatid habang sumisirko ang isip kung paano susuyuin si Xiellou. Tuwing galit ang asawa'y hindi umuubra rito ang panlalandi at pagpapapogi niya. Nadatnan niyang kumakain ng berdeng makopa ang pinakamamahal niyang babae sa balat ng lupa. Nakikipagkuwentuhan ito kay Frankie at abala ang bibig sa pagnguya. Sarap na sarap sa prutas na isinasawsaw sa suka. Sumulyap sa kanya ang dalawa. Inirapan siya ng asawa. Busangot ang mukhang natahimik ito at itinuon ang atensiyon sa kinakaing makopa.

"Kuya..." nakangiting sambit ni Frankie.

He bent forward and kissed Frankie's forehead. "I've requested a new attending nurse for you." Mula sa kapatid ay nagtagal ang titig niya sa asawa na sadyang ayaw siyang pansinin.

"Thank you, Kuya."

Tikwas ang kilay na sumulyap sa kanya si Xiellou. "See? Kaya mo naman palang magrequest ng nurse, bakit hinayaan mo pa ang ex mo rito? Masyado ka talagang pabaya..." kastigo nitong pinandilatan siya ng mga mata bago muling inirapan ng matalim.

He sighed, trying to get his cool. "Sinabi ko na sa iyo kanina kalakaran iyon ng hospital at hindi ako pwedeng makialam. Besides, it was an emergency, maiisip ko pa ba ang tungkol sa nurse na mag-aalaga kay Frankie?"

"Palusot mong baluktot, Jimrexx." Umismid ang asawa. "Ang sabihin mo nauuto ka na naman ni Dimples. Isang kembot lang yata ng babaeng iyon ay lalawit na naman iyang kamanyakan mo sa katawan!"

"What you are saying are all misleading accusations, XD." Inaamin niyang may track record ang libog niya kung bilis ang pag-uusapan. Pero aktibo lamang iyon masyado pagdating sa asawa niya, gaya ngayon.  Hindi niya sasabihin, lalo lang itong magyayabang.

Mabilis nitong nilunok ang nasa bibig at napamura siya ng mahina habang nakatitig sa basa at pula nitong labi.
"Ako pa ngayon ang misleading? Bakit wala kang sinabi sa akin? Pati iyon nakalimutan mo dahil sa emergency?"  Muli itong kumagat ng makopa.

Napailing siya at tumahimik na lamang. Hindi niya papatulan ang asawa. Mahal lang siya nito kaya ganito na lang kung magselos. Hinablot niya ang glass bowl at dumakot ng makopa. Isa-isang isinubo ang mga iyon at doon ibinunton ang paghihimagsik. Mukhang magiging isa siya sa mga lalaking tatangkilikin ang motto na 'The Wife is always right'.

"Ano ba? Akin iyan!" Inagaw ni Xiellou ang bowl at inilayo sa kanya.

"Gusto ko ring kumain," angal niyang hinabol ang food bowl.

"Naglilihi ka ba? Noong kumain ako ng mangga, nakikain ka rin!"

"Ayaw mo bang samahan kitang kainin kung anong gusto mo? Para mas mahigpit ang kapit ng anak natin," katuwiran niyang ngumisi ng pilyo.

Pinagtawanan siya ni Frankie. "Kuya, para kang bata."

"Mas matakaw ka pa kaysa sa naglilihi."

"Fine, not the Makopa if you don't want to. I love your lips more anyway." Naunahan ng halik niya ang prutas sa paglapat sa labi nitong nakaawang. Hindi niya ito binigyan ng pagkakataong itikom ang bibig at ipinuslit sa loob ang kanyang dila. Sinipsip ang tamis kasama ang naiwang lasa ng Makopa.

***
Gigil na pinagpupunit ni Dimples ang hawak na papel. Pinalitan siya bilang nurse ni Frankie. Siguradong ang Xiellou na iyon ang may pakana at ginamit ang impluwensiya ni Jimrexx. Malamang ay dumeretso ang lalaki kay Dr. Xandr kaya hindi na umapela pa ang head nurse nila.

BGT 04: SHE GOT HIM TWISTED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon