Chapter 2 - Unang Yugto

1.2K 75 9
                                    

"Be sure to check your stuff before going, Girls!" Jim reminded and opened the shoe cabinet in front of him. "Yaci, which one here?" tanong niya sa bunsong abala sa pag-aayos ng mukha sa harap ng dresser.

"The black d'orsay, Kuya!" sigaw ni Yaci.

Nakita ng binata ang pares ng sapatos na sinabi nito at agad kinuha sa lalagyan. "Maco, put that phone down and finish your sandwich!" babala niya sa isa pang bunsong kapatid na naglalakad patungo sa kuwarto nito kagat ang sandwich at abala sa hawak na cellphone.

"Sorry!" Kumaripas ito ng takbo.

His pad is a customized two units combined into one. May limang kuwarto. Isang guest room. Ang natitirang three rooms ay okupado ng anim na dalaga.

"We'll wait at the lobby, Kuya." Kinudlitan siya nina Martha at Yui ng halik sa pisngi.

Dumaan siya sa silid nina Frankie at Megz at sinilip ang mga ito.

"Not yet ready?" pukaw niya sa dalawa na kanya-kanyang ayos ng mga gamit.

"Almost," sagot ni Frankie at kumaripas patungo sa loob ng banyo.

"Kuya, nakita mo!" Tinawag siya ni Yaci.

Napatingin siya sa bitbit na sapatos at binalikan ang bunsong kapatid. "This one?" 

Tumango ito, nakangiti ng matamis at muling tumingin sa salamin. Itinuloy ang paglalagay ng blush-on.

"Matagal pa ba iyan?" Nilapitan niya ito. He crouched on the floor and slipped the shoes on her feet.

"Kunti na lang po. Sorry, ang kupad ko talaga." 

"I haven't said anything like that." Hinaplos niya ang ulo nito at lumabas sa sala, niligpit ang mga kalat na naiwan ng mga kapatid.

Dagdag na kinse minutos pa nilang hinintay si Yaci. Naunahan pa ito ni Maco. Mula sa pad ay hinatid niya ang mga kapatid sa kanya-kanyang destinasyon. Sina Frankie at Martha ay sa DILG at NBI, kasalukuyang on the job training na ang mga ito sa kursong AB in Political Science. Sina Megz at Yui ay parehas na third year college sa kursong Bachelor of Science in Criminal Justice. Ang bunsong sina Yaci at Maco ay kumukuha ng Accounting course.

"This set-up of you living with your sisters is not working on my favor, Jim." Reklamo ng Mommy niya na kausap niya sa video call habang binabantayan niya ang mga labahing nakasalang sa washing machine.

Madalas niyang naririnig ang ganitong inaangal ng ina tuwing kinakumusta niya ito. Nawawalan na raw siya ng oras dahil nauubos ng mga kapatid niya. He seldom entertained her whining. Nakikinig lang siya at hinahayaan itong ilabas ang tampo.

"By the way, Mom, how's the make-over of your moss rose garden? Would you like me to bring you more next week? I can help you plant those at the perimeter." Iniba niya ang usapan para hindi na lumawig pa ang pagtatalak nito.

"You're avoiding the topic again, Jimrexx," sikmat nitong sinagot niya ng mahinang tawa.

"Mom, you know that I love you. You will always be my number 1 woman. But I don't wanna argue if it's about the girls again."

"Fine." Napipilitan itong sumuko.

Nasanay na rin naman itong pagdating sa mga dalaga niya ay hindi niya seneseryoso ang anumang pagtatalo nila.

His mother Alyzza has a Russian blood. A beauty charmer during her time and even now that lines started forming on her face. Tumataba ito pero hindi iyon nakabawas sa ganda nitong dati ay kinababaliwan ng kanyag ama. But his father was a big jerk. Hindi makontento sa isa at dalawang babae. Bukod sa kanyang Mommy, ang legal wife at sa ina ni Ronald na certified Mistress ay may tatlong babae pa palang sabay-sabay na inanakan.

BGT 04: SHE GOT HIM TWISTED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon