IKALAWANG YUGTO

1.1K 77 16
                                    

Panay ang buntong-hininga ni Xiellou  habang nililinis ang ibabaw ng kanyang desk. Ipinasok niya sa expanded envelope ang mga papeles at itinago sa chest drawer. Kagabi lang sila dumating ni Jimrexx dito sa shop. Dito na sila natulog sa opisina dahil inayos nila ang ilan sa mga gamit at may binago sa interior design.

Operation and Marketing Supervisor ang posisyon niya rito. Immediate boss niya si Jimrexx na Chief Operation Officer. Kaninang umaga ay nahuli sila ni Javier. Wala naman silang ginagawang kababalaghan ni Jim pero alam niyang nag-isip na ng hindi maganda si Javier. Hindi tuloy siya mapakali. Buong araw na wala sa hulog ang utak niya hanggang ngayon. Gusto niyang magpaliwanag pero ano naman ang sasabihin niya? At bakit niya kailangang magpaliwanag? Umandar na naman ang pagkadisperada niya.

"Ready to roll?" Sumilip si Jim sa pintuan.

Tumango siya. Binitbit ang itim na  fold-over bag. Ang ibang mga personal niyang gamit ay naroon pa rin sa compartment ng sasakyan ni Jim. Pagsara ng pinto ay kusa na ring namatay ang mga ilaw sa loob ng opisina.

"Dinner at the mountain resort?" Kumindat ang binata at pumasada ang dulo ng dila sa ibabang labi. Iba tuloy ang naging interpretasyon niyon sa kanyang utak.

"Treat mo?" Iniwasan niya ang akmang paglapat ng akbay nito sa kanyang balikat.

He chuckled. "When did I ever let you pay?"

"Yeah, right. Pati bahay na titirhan ko ikaw ang bumili. Sabi ko naman kasi may pambayad ako. Kahit papaano naman may savings ako, no."

"My kind of girl with pretty long legs."

"Gusto mong makaisa?" Sinamaan niya ito ng tingin.

Nakalabas sila ng personnel exit at tumunog ang sasakyan nitong nasa parking area.

"Aalisin ko lang kung ano iyang bumabagabag sa isipan mo. Buong araw kang balisa at wala sa sarili." Pinagbuksan siya nito ng pinto.

Tahimik siyang sumampa sa loob. Masyado nga siguro siyang obvious at pati ang utak niyang hindi mapalagay ay napansin pa nito kahit nakatago naman sa ilalim ng kanyang bungo.
Binuksan nito ang bintana sa tapat nito at pinukol ng tanaw ang dalawang guwardiya ng shop na abala sa pagsasara. Hinintay nitong matapos ang mga iyon.

She appreciated the space he put between their privacy. Hindi siya nito pinipilit magsalita.

"Naiinis ako kay Javier. Alam ko nag-isip siya ng masama dahil inabutan niya tayong dalawa roon sa office kanina. Baka inisip na ng lalaking iyon na pakawala akong babae," maktol niya habang tumutulak na sila sa kalye.

Pero pakawala nga siguro siya. Kung hindi siya nasagip ni Roanne sa manyakis na lalaking gustong magsamantala sa kanya, malamang hinulog na lamang niya sa lusak ang sarili.

"Can't blame him actually. Javier knows my reputation when it comes to girls went in overboard. I don't usually act like a saint when I have a woman beside me more so if we are inside a close space." Sinulyapan siya nito at pilyong ngumisi. "Hindi ako nagnonovena, ibang paraan ang ginagawa ko para makarating ng langit, literal."

"What does it mean? Well, hello! I stayed in your place for about a week and nothing happened. Kahit sabihin mong kasama natin ang mga kapatid mo, pwedeng-pwede mo naman akong gapangin. Teritoryo mo iyon. Ang tanging laban ko lang ay sumigaw."

Umiling ito at umahon sa lalamunan ang seksing tawa na pinapasakit ang kanyang puson. Kung naging DJ sa estasyon ang lalaking ito siguradong patok ito sa masa dahil sa likas na hagod ng kalaswaang mayroon sa tinig nito.

Pagkatapos ng tawa ay bigla itong sumeryoso. "I'm nervous."

"Ano?"

"When I thought of touching you, I got nervous. Not because I'm afraid of Javier or anyone else who cares about you. I'm more scared of you. Natatakot akong magalit ka. Insane me, but it's real. Perhaps, this is what respect be like. I don't have the edge to cross the boundaries you've set."

BGT 04: SHE GOT HIM TWISTED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon