Chapter 5 - Unang Yugto

1K 82 9
                                    

Jim ignored his phone ringing. Kinalkal niya any laman ng medicine cupboard at nakahanap ng gamot para sa sakit ng tiyan. Binalikan niya sa loob ng kuwarto si Xiellou dala ang gamot at bote ng mineral water.

She is changing into a skimpy night dress. Parang may bumukol sa puson niya at bumaba sa kanyang groin, tinadyakan ang enerhiya roon para sumiklab. Lintek. Hindi nasasanay ang libog. Halos araw-araw naman siyang nakakakita ng katawan dahil sa mga kapatid niya pero iba ang tama nitong si Xiellou sa kanya. Legs pa lang para na siyang sumisisid sa impeyerno. Kung humigpit ang puson niya ay daig pa ang binagsakan ng maso.

"Do I have to ask you to be a gentleman?" sikmat ng dalaga at inirapan siya.

Tumikhim siya at binawi ang paningin. "I brought you some meds you can try. Masakit pa rin ba ang tiyan mo?" Itinuloy niya ang gamot at tubig sa sidetable. Nilapag sa ibabaw at hinugot ang kanyang cellphone na ayaw matigil sa katutunog. Dimples's profile kept popping up.

"Thank you, pero okay na ako. Hindi na masakit. Baka nga hindi lang ako natunawan." Lumapit sa kama si Xiellou at naupo. Binalandra sa kanya ang mga hita na binabaliw ang tumitibok niyang mga laman.

"Just take one of these to be sure." Ibinaba niya sa tabi nito ang cellphone na kumakanta na naman at kumuha ng isang tableta.

She's checking his ringing phone. "Your girlfriend is calling."

"Ex-girlfriend. She's getting married next week."

Umismid siya. "But you went there to see her."

"Because she messaged me that she's sick. Here, take this." Inalis niya sa foil ang tableta at ibinigay sa dalaga.

"Feeling ko may lagnat ako." Ngumuso ito.

Sinalat niya ang noo nito. " Hindi ka naman mainit."

"Ano pala ako, malamig? Baka bangkay na ako. Pwede bang dito ka lang? Bantayan mo ako. Baka kasi tumaas ang lagnat ko mamaya. Nagdededeliryo kasi ako."

"You know what? You're asking me to die, woman." Igting ang mga panga niyang angil. Walang ideya ang babaeng itong bumabagyo na ang puson niya.

"Papayag akong hahalik ka sa legs ko, game?" Bumungisngis ito.

Pumiksi ang kilay niya. "Stop pressing my buttons. Kapag pinatulan kita'y titirik ang mga mata mo sa akin," babala niyang hinablot ang kumot at ibinalot dito.

"Jimrexx!"

Bwesit! Pati pagtawag nito sa pangalan niya ay para na siyang lalabasan. He grabbed his phone and rushed outside. Hatinggabi pero nagpu-push up siya sa loob ng kanyang kuwarto.

***
Bangon-higa ang ginagawa ni Xiellou. Wala pala siyang pinagkaiba kay Dimples. Disperada. Sukdulang bigyan ng sakit ang sarili para lang mapansin. Uubra rin kaya kay Javier kung susubukan niyang magsakit-sakitan? Inabot niya ang kanyang cellphone at may pinindot na contact profile.

"What now, pretty long legs?" sagot ng lalaki sa kabilang linya.

Naguguluhang tiningnan niya ang screen at umawang ang bibig. Mali ang napindot. Hindi iyon numero ni Javier. It was Jim's contact. Bakit may digits siya ng lalaki? Hindi naman siya humingi ng contact number nito?

"S-sorry," napangiwi siya sa katangahan niya. Nakarma agad siya sa hindi magandang binabalak.

"No problem. Bakit gising ka pa?"

"Magbabanyo kasi ako."

"Nagpapaalam ka ba?" May aliw sa tono ng lalaki.

Magdadahilan na lang siya mali-mali pa. Kinutusan niya ang sarili. Pinatay niya ang tawag at ibinalik sa sidetable ang cellphone. Nahiga siya. Namaluktot at kinagat ang hinlalaki. Nakatulog siyang ang laman ng isip ay si Jimrexx at ang mga kapilyuhan nito.

BGT 04: SHE GOT HIM TWISTED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon