Chapter 15

238 11 4
                                    

Chapter 15

Tuwing papasok ako laging nag-aabang si Gio sa labas ng room namin at aalis kapag nakaupo na ako.

Hindi niya ako kinukulit na mag-usap. He's just always checking on me, texting how much he love me.

Nahihirapan ako sa set-up namin pero wala akong magawa. Nasasaktan pa rin ako. Imagine, we're in a relationship for three years, then in one snap here we are.

Pagkatapos ng mga klase ko ay papasok naman ako bilang call center. Pagod ako sa lahat. Nag-iipon ako ng pang tuition, sayang kung titigil pa ako.

Nakakapagod. Nakakapagod sa pag-aaral. Nakakapagod sa trabaho. Nakakapagod sa bahay. Napapagod ako sa lahat.

Wala akong pasok ngayon at mamayang gabi pa ang trabaho ko kaya na isipan kong mag grocery, bawi ko man lang sa lahat ng naitulong sa akin ni Rina.

Nasa meat section ako nang makasalubong ang isa sa mga kaibigan namin.

"Calli,"

"Kyla,"

She kissed my cheek.

"Hindi mo kasama si Rina?" Umiling ako.

"Nasa school siya,"

"Gala tayo, g ka?" Pagyaya niya na agad ko namang tinanggihan.

"Sorry, marami pa akong gagawin. Next time na lang,"

Umismid siya.

"Aasahan ko 'yang next time mo, ah. Ang tagal na nating hindi nakakagala, minsan na lang din tayo magkita sa school."

Ngumiti lang ako at tumango.

Pagkatapos kong mag grocery ay tinulungan kong magluto si Rina para sa tanghalian namin.

"Sumama ka na kasi, Calli. Gusto ka na ring makita nina Mama at Papa. Please?" pagpipilit niya pa sa akin.

"Hindi talaga pwede, may trabaho ako mamayang gabi, e." Sagot ko na ikinahaba ng labi niya.

Pinababalik na naman siya ni Tita sa family house nila at sinasama pa ako pero tumanggi lang ako.

Pagkatapos naming kumain ay umalis na siya. At dahil sa wala akong magawa ay lumabas nalang ako.

I want to clear my mind.

Dinala ako ng mga paa ko sa isang park. Maraming bata ang naglalaro kasama ang pamilya nila. Couples are everywhere. Mapait akong napangiti. We used to do that too and we also met here.

Paano ako makakapag move-on nito, Gio kung sa lahat ng bagay may alaala ka?

Napabuntong hininga na lamang ako. Pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak.

Umupo ako sa swing at dinadama ang simoy ng hangin. I feel so lonely.

Inabot na ako ng gabi pero hindi parin ako umuuwi. Napayakap ako sa sarili nang umihip ang hangin, nagsisi tuloy akong hindi ako nagdala ng jacket.

Tatayo na sana ako nang may nagpatong ng jacket mula sa likod ko. Amoy palang niya ay kilalang kilala ko na.

Umupo siya sa kabilang swing. Nakatingin sa harapan.

"Gabi na. Bakit nandito ka pa?"

Hindi ako makatingin sa kanya. Looking at him makes me remind that he's my brother and loving him beyond that is a sin.

"Nagpapalipas lang ako ng oras dito."

"Ihahatid na kita. Baka magkasakit ka pa." Tumayo siya at pumunta sa harapan ko.

Unconditionally Loving You (Loving you Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon