Chapter 21

205 11 0
                                    

Chapter 21

Kanina ko pang pinag-iisipan kung tatanggapin ko ba ang offer ni Mrs. Robles.

Paano ba naman? Hindi niya sinabi kung anong trabaho ang tinutukoy niya, basta pumunta daw ako sa meeting place namin. Malay ko ba kung pagiging pokpok pala 'yon, 'di ba?

Napabuntong hininga ako bago ako tumabi sa aking anak. Matagal ko na gusto magtrabaho. Wala namang masama kung susubukan ko, 'di ba?

Kinabukasan ay alas singko pa lang ng umaga ay gising na ako, nag-ayos at inihanda ko na rin ang mga gamit ni Calla.

"Good morning, Calli! Ang aga mo ah, saan ka pupunta?" Bati sa akin ni Razam pagkababa ko.

"May pag-aapply-an lang ako sa bayan, pwede bang ikaw na lang muna ang mag-alaga kay Calla?"

"Pwede naman, wala naman akong pasok ngayon. Pero wait, magtatrabaho ka na?"

"Hindi pa naman sure yun." Titingnan ko pa nga kung maayos na trabaho ba ang sinasabi ni Mrs. Robles.

"Okay. Ako na ang bahala sa anak mo."

"Thank you."

"Anytime." Pinat niya ang balikat ko bago umupo. Dahil tulog pa si Calla ay kaming dalawa na lang ang sabay kumain.

"Yung gatas ni Calla, nakahanda na, ha. Tapos, huwag mong hahayaang matuyuan ng pawis, baka kasi ubuhin. Wag mo rin masyadong pagbababadin sa initan." Bilin ko sa kanya habang lumalabas kami sa bahay, buhat niya si Calla.

"Oo na, umalis ka na. Alam ko na iyan, Calli. Baka malate na ka pa."

Hinalikan ko sa noo ang anak ko.

"Hoy, Razam ha! 'Yang anak ko!" Sigaw ko pa.

"Grabe naman, wala ka ba talagang tiwala sa akin?!" Hinaplos niya pa ang dibdib niya, para bang nasasaktan.

"Hindi naman talaga katiwa-tiwala ang itsura mo!" Tumawa ako kaya tumawa rin ang anak ko.

"Mommy!"

"Bye, baby."

Pumunta ako sa meeting place namin ni Mrs. Robles. Sa isang coffee shop iyon.

"Good morning, Hija!" Masigla niyang bati sa akin.

"Good morning po."

"Buti at dumating ka. Umorder na ako para sa ating dalawa. Sorry, hindi na kita nahintay." Umupo ako sa katapat niyang upuan.

"Hindi po ako magtatagal, Mrs. Robles." Kahit alam kong hindi naman magliligalig si Calla sa Tito Razam niya, ayaw ko pa rin magtagal.

"Oh yeah! Of course!"

"Thank you."

Dumating na ang order niya.

"About my offer." Panimula niya. "I want you to be my daughter's secretary."

Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong kape dahil sa sinabi niya. Secretary?!

"Pardon?"

Mahina siyang tumawa. "I want you to be my daughter's secretary."

Secretary! Gusto kong ihampas sa ulo ko ang tasang nasa harap ko, ang layo naman ng secretary sa pagiging pokpok, Calli!

Tumikhim ako.

"Why me? I mean, I didn't finish my studies. I didn't even apply to your company."

"Wala lang." Nagkibitbalikat siya. Napaamang ako sa sagot niya. Come again? This old woman is making me crazy.

"What?" Tumawa ulit siya.

"You know, ilan na ang naging secretary ng anak ko pero walang tumagal. I think, you're fit for being her secretary, so..."

Okay?

"Pag-isipan mong mabuti ito Hija. Minsan lang ito. Just call me when you're decided. Okay?" Inabutan niya ako ng calling card.

Pag-uwi ko ay nadatnan kong masayang nagkukulitan si Calla at Razam. Parang tinutusok ang puso ko. Kahit hindi sabihin ng anak ko ay naghahanap siya ng ama. Naghahanap siya ng pagmamahal ng isang ama.

Agad na nag-init ang sulok ng mga mata ko. The thing that I can't give to my daughter, her father's love.

Pinahid ko ang luhang nagbabadyang tumulo. Nakangiti ko silang pinuntahan.

"Oh, nandiyan na ang mommy mo, Calla!" Agad na bumaba mula kay Razam si Calla at tumakbo sa direksiyon ko.

"My!" Binuhat ko siya at hinalikan sa pisngi. Ibinaon naman niya ang kanyang mukha sa leeg ko.

"My baby missed me." Tumawa ako bago tuluyang umakyat sa kwarto namin. I mouthed my 'Thank you' to Razam, tumango lang siya at nag okay sign.

Sa kwarto ay sabay kaming naligo ni Calla. Sabay na rin kaming nahiga. Nang mahimbing na ang tulog niya ay saka ako bumangon at pumunta sa veranda. Humigpit ang kapit ko sa aking suot na jacket nang umihip ang malamig ang simoy ng hangin.

Idinial ko number ni Rina. Ilang ring pa bago niya sagutin.

"Oh?" Nahihinigan ko ang antok sa boses niya.

"Magtatrabaho na ako."

"Ha?! Ano?!"

Umayos ako ng pagkakasandal sa railings. "Secretary sa isang may-ari ng kumpanya."

"Bakit? Teka nga, kinukulang ka ba sa badget, Calli?"

"Hindi."

"Oh bakit ka magtatrabaho? Paano si Calla? Sino mag-aalaga sa anak mo?" Sunod sunod niyang tanong.

"Kalma. Maghahanap ako ng babysitter." Wala siyang nagawa, napabuntong hininga siya bago sumang-ayon.

Ilang oras pa kaming nag-usap ni Rina. Nagkamustahan at nagkwentuhan na rin.

Katulad kahapon ay maaga ulit akong nagising. Ngayon ako pupunta sa kumpanya nina Mrs. Robles. R Project corp.

Dahil may pasok si Razam sa hotel ngayon, kay Ate Camila ko na lang hinabilin si Calla. They are fond to each other so I think hindi siya mag-iiyak kay Ate Cami.

"Good morning, ma'am." Bati sa akin sa lobby.

"Good morning, I'm here for Mrs. Robles."

"Wait a second, ma'am." Saglit siyang may kinausap sa telepono bago ako ulit hinarap. "You can go to Ms. Robles' office now, ma'am. Have a nice day." Nginitian niya ako.

"Thank you." Ginantihan ko rin siya ng ngiti.

Agad ko namang nakita ang office na tinutukoy ng babae, kinakabahan pa ako pero iwinaksi ko na lang iyon at kumatok. I heard a cold voice said 'come in' so I came in. Pagpasok ko ay nadatnan ko ang isang magandang babae na nakaupo sa swivel chair. I think she is about my age.

'CEO Mariella Robles'

"Good morning, Miss." Malamig niya akong tiningnan.

"Good morning. You may sit." Umupo ako sa sofa sa gilid ng silid. I roam my eyes around. Maaliwalas ang office niya. Marami ding paintings, pero kalimitan ay orasan.

She's obsessed to a clock, huh?

"Uhm..."

"Wait for my mother." Sabi niya nang hindi ako nililingon. Tutok na tutok siya sa kanyang ginagawa sa loptop.

Magsasalita ulit sana ako ng may pumasok.

"Good morning, beautiful ladies!" Napahugot ako ng malalim na hininga.

My good God, I'm going to deal with this old woman again.

-

Unconditionally Loving You (Loving you Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon