Chapter 11

236 13 0
                                    

Chapter 11

Sobrang ingay sa resto-bar na pinuntahan namin. Nagpe-performe na sina Ashjon nang dumating kami. Galit na galit pa si Rina dahil hindi daw niya nasimulan, kaya nagbangayan na naman sila ni Gio.

Bandang alas dose ng madaling araw ay nagsimula ng maging wild ang mga tao. Napahawak ako sa ulo ko nang bahagya akong nahilo. Sobrang galaw na ng iba't ibang kulay ng ilaw.

"Okay ka lang?" Gio asked me.  Nakaupo siya sa tabi ko at nakapatong ang braso sa likod ng silya, bahagyang naka-akbay sa akin. Tumango ako. "Masakit ulo mo?" I nodded again. May ibinulong siya saglit kina Suzy bago ako hinila patayo.

Sa labas ay malamig ang simoy ng hangin kaya agad akong napayakap sa sarili ko. Gio remove his jacket and gave it to me.

"Thank you,"

"Masakit pa ulo mo? May sakit ka ba?" Dumampi ang likod ng palad niya sa leeg at noo ko. "Hindi ka naman lagnat. Ano pa'ng masakit?"

Umiling ako.

"Wala naman. Masyado lang maingay kaya sumalit ang ulo ko."

"Dapat hindi na tayo sumama, mahal. Dapat nagpahinga ka na lang sa bahay."

"Okay lang ako. At minsan lang naman 'to."

Kahit malalim na ang gabi ay marami pa ring sasakyan ang dumadaan. Busy pa din ang paligid. Kahit nasa labas kami ay naririnig pa rin ang ingay sa loob.

Maganda ang boses ni Ashjon. Malamig at nakakaantok. Tatlo sila sa grupo, si Asjon ang vocalist, isang lalaking drummer at guitarist. Ngayon ay may kasama silang babae, siguro ay solo performer 'yon. Siya ang laging pinagseselosan ni Rina. Noon ay gustong gusto na niyang sabunutan ang babaeng iyon noong nakita niyang nakayakap ito kay Ashjon sa isang picture.

Tsk, ang babaeng iyon talaga. Akala mo naman ay boyfriend niya si Ashjon kung magalit kapag may kasamang ibang babae, e, hindi nga siya mapansin man lang.

"Umuwi na kaya tayo, mahal?" Dahil pagod na din ako ay pumayag na lang din ako.

Pagdating sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto ko, si Gio naman ay sa guestroom natutulog.

"Katukin mo na lang ako kapag may kailangan ka, Calli. Good night, I love you." Hinalikan niya ang noo ko bago tuluyang umalis.

Naghilamos at nagpalit ako ng pantulog na damit bago humiga sa kama. Agad naman akong nakatulog. Nagising ako ng bandang alas-tres ng madaling araw. Nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba muna ako.

Sigla naman ang gutom na ito kung kailan madaling araw.

Madilim na ang buong bahay. Hindi na ako nag-abala pang magbukas ng ilaw sa kusina. Walang lutong pagkain dahil doon na kami sa resto kumain. Im in between, magluluto o itutulog na lang ang gutom. Tinatamad akong magluto! Kaya halos mapatalon ako noong nakakita ako ng cake sa ref.

Ngingiti-bgiti akong umakyat sa kwarto ko dala ang chocolate cake at baso ng tubig.

Pwede namang gisingin ko na lamang si Gio para magluto pero alam ko namang pagod din ang isang 'yon, nakakahiya namang gisingin ko pa siya dahil lang sa nagugutom ako at dis oras pa ng gabi.

Kumakain ako habang nanunuod ng kung ano-ano sa cellphone ko. Tinext din ako ni Rina bandang alas dos na nakauwi na sila.

Naubos ko ang isang buong cake kaya busog na busog ako. Bumalik ulit ako sa mahimbing pagtulog.

Agad ko namang pinagsisihan ang pagkain ko nang marami dahil kinabukasan pagkagising ko ay suka nang suka ako.

"Okay ka na?" Hinahagod ni Gio ang likod ko habang hawak ang buhok ko.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Mukha ba 'kong okay?"

Inismidan niya ako. "Bakit ka kasi kumain ng marami, Calli? Tingnan mo ang nangyari sa 'yo? Maligo ka na at pupunta tayong ospital."

"What? Sumama lang ang timpla ng tiyan ko, Gio! Wag ka ngang oa diyan."

"Baka kung napapaano-"

"May pasok ka, 'di ba? Umalis na ka. Pumasok ka na lang!"

Napapayag ko din siyang pumasok at kahit kanina pa siyang wala ay hindi nawala ang inis ko sa kanya.

Badtrip ako buong maghapon, balak ko sanang maglinis dahil wala akong pasok pero dahil sa inis ko sa kanya ay hindi ko na rin nagawa. Ibinunton ko na lamang ang inis ko sa pagkain.

Hapon noong dumalaw si Rina kasama si Justien, prente akong nakaupo sa sofa, nakataas ang paa sa center table at kumakain ng fries. Tumagal ang titig ko sa kanilang dalawa. Nanliit ang mata ni Rina at hinampas ako.

"Alam kong iniisip mo, Calli! Tigilan mo ako ah!" Tumawa ako. Walang pakialam na umupo si Justien at nakaharap na naman sa telepono niya. "Ang dami mo nang nakain, Calli. Baka sumuka ka ulit!"

Ang daldal talaga ng lalaking 'yon at naikwento pa talaga sa mga kaibigan ko!

"Kasalanan 'to ni Gio."

"Ano 'to, normalize blaming Gio. Gano'n?"

Inirapan ko siya at nagpatuloy sa panonood.

"Baka si Justien na talaga ang para sayo, Rina." Bulong ko.

Sabay silang tumawa. "Yuck, Calli! Nasa vocalist ang true love!" She giggled.

"Nasa malayo ang true love ko, Calli e. Pasensya na hindi namin na-reach ang expectation mo, Calli. Eto lang kami e, sawi pagdating sa pag-"

"Hoy, Justien, ikaw lang! Ikaw lang naman ang iniwan dito e." Ngumuso ako dahil sa bulgar na sinabi ni Rina habang si Justien ay umiiling. Ang babaeng ito talaga! But its true, Rina and Justien looks good together. But yeah, Justien love someone else and he already have a son.

Sinamahan nila akong manoond ng movie. Umuwi lamang sila noong nagyaya na si Justien dahil hinahanap na siya ng anak niya. 

Nakapagluto na ako ng hapunan pero wala pa rin si Gio. Tinext ko siya pero hindi naman nagre-reply. Isang oras pa akong nag-hintay pero hindi pa rin siya umuuwi. Kaya tinawagan ko na siya pero busy naman ang linya niya.

Hindi ako mapakali. Umakyat ako sa kwarto ko at kinuha ng jacket at wallet.

Sa byahe ay tinatawagan ko pa rin siya pero katulad ng kanina ay gan'on pa rin. Dahil may susi ako ng condo niya ay agad akong nakapasok sa loob.

"Gio?"

Madilim at tahimik sa loob. Walang sumagot sa tawag ko kaya pumasok na lamang ako sa kwarto niya.

"Babe?"

Maraming nakakakalat na papel sa study table niya pati na rin sa kama. Siguro ay nakalimutan na niyang ayusin. Inayos ko ang mga nasa kama niya bago lumapit sa study table.

Napakakalat ng lalaking 'to.

Naagaw ang atensiyon ko ng mga envelope na maayos na nakasingit sa libro niya.

Aliza Arellano

May lead na ba sila? Wala ng nababanggit sa akin si Gio tungkol sa kapatid niya. Hindi na rin ako nakakapagtanong dahil naging busy na ako pagkatapos ng libing nina Mama at Papa.

Binuklat ko ang envelope at binasa ang laman noon. Pero ilan pa lang ang nababasa ko ay agad na kumunot ang noo ko.

Ano'ng kinalaman ko sa kapatid niya?

-

Unconditionally Loving You (Loving you Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon