Chapter 14

237 13 0
                                    

Chapter 14

Hindi ko na pinasukan pa ang mga sumunod kong klase. I'm emotionally ang mentally drained and hurt. Wala nang pumapasok sa utak ko at gusto ko nalang magpahinga.

Everything is like a mess. Lahat na lang problema. Hindi ko na din alam kung saan ako kukuha ng pang tuition ko next sem. Ubos na ang ipon ko sa bangko dahil nabayad ko na sa lahat ng utang na naiwan nina Mama at Papa. Ang mansion wala na din sa akin, ilang araw nalang kukuhanin na din yun ng bangko. Walang wala na ako. Then, Gio...

Napabuntong hininga na lamang ako at umakyat sa unit ni Rina. Kahit nakakahiya mang makitira sa kan'ya ay wala akong magagawa dahil wala naman akong ibang mapupuntahan.

Agad akong humiga pagkapasok ko sa kwarto. Gusto ko na lang matulog nang matulog para kahit papaano mawala sa isip ko ang mga problemang 'to.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako, nagising na lamang ako sa mainit na haplos sa pisngi ko.

Gagalaw na sana ako pero hindi nagawa no'ng sumubsob siya sa tiyan ko at habang umiiyak.

"I love you. So much."

Ilang minuto pa ay hinalikan niya ako sa noo at tumayo na. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto.

Hindi ko alam kung panaginip ba ito o totoo. Dahil na din siguro sa pagod ay muli akong hinila ng antok.

Ginising ako ni Rina kinabukasan dahil may pupuntahan daw kami. Hindi ko alam kung ano na naman ang pakulo niya at naisipan niya akong isama sa lakad niya.

Nag-aalmusal kami nang may maalala ako, 'yong nangyari kagabi.

"Rina, may pumunta ba sa kwarto ko kagabi?"

"Ha?" Nanlalaki ang matang tumingin siya sa 'kin.

"Sabi ko kung may pumasok ba kwarto ko kagabi? Parang mayroon kagabi, e hindi lang ako sigurado." Napalunok siya, umiwas ng tingin sa akin at nagpatuloy sa pagkain.

"W-Wala. Ako lang." tumawa siya. "Sino namang papasok sa kwarto mo bukod sa akin? Bakit?"

Kung gano'n, baka panaginip lang 'yon. Sa kan'ya na din naman nanggaling na hindi niya ako guguluhin hanggat ayaw ko pa. At hindi ko alam kung kaya ko pa ba siyang kausapin.

Ayaw ko talagang tanggapin. Mahal ko talaga siya, at sana gano'n din siya sa 'kin.

Pagkatapos naming kumain ay niyaya ko muna si Rina na bumisita sa puntod nina Mama at Papa at pagkatapos no'n ay dinala niya ako sa isang nature park.

"Bakit tayo nandito?" Takang tanong ko. As far as I remember, hindi naman siya mahilig sa mga ganito.

"Nakakagaan 'to ng loob, girl, ano ka ba?" Kinawit niya ang kanyang braso sa braso ko bago kami pumasok sa loob.  "Alam mo bang mga puno at halaman ang magandang pagsabihan ng mga problema at hinanakit? They are like a friend, they are listener."

Berdeng berde ang mga halaman. Iba't ibang kulay naman ang mga bulaklak. Muli akong hinila ni Rina hanggang sa makarating kami sa gilid ng cliff.

Dumungaw ako sa may railings. Kitang kita mula dito ang mararahas na hamapas ng alon.  Bakit sa halip na gumaan ang loob ko ay mas lalo pa itong bumigat? Ah, because we used to go to beach.

Lahat nalang ba may alaala ka Gio?

Naramdaman ko na lamang ang pagkayap sa akin ni Rina.

"Hush. Magiging okay din ang lahat, Calli. May dahilan kung bakit nangyayari lahat nang 'to, God always have a reason. Just trust Him. Okay?"

Mas lalong bumuhos ang mga luha ko.

Ano'ng rason Niya ngayon?

Everything happen for a  reason, pero anong rason Niya para gawin 'to? Anong rason Niya para pasayahin kami tapos bigla nalang sasaktan?

Ano bang rason Niya para saktan kami? Anong rason Niya para paglaruan kami?! Im starting to doubt Him now.

Gusto kong magpag-isa, gusto kong lumayo at mag-isip. Ang sakit-sakit na kasi. Parang ayaw ko na. Hindi, ayaw ko na talaga.

Tumagal pa kami roon ng ilang minuto bago napagpasyahang umalis na lang.

"Saan mo gustong pumunta, Calli?" Nandito kami sa kotse niya. "Hindi tumalab sayo ang Nature park e, so saan mo gusto pumunta para makapag-relax?"

His warmth is the relax that I want. His arms is my relaxing place.   

"Gusto ko na lang umuwi."

Bumuntong hininga siya at tumango bago nagsimulang mag-drive.

Tahimik lamang si Rina sa byahe na hindi naman niya ginagawa. Nawala ang daldal niya at animo'y tinitimbang ang bawat kilos ko.

Naiisip kong humanap ng part-time job para kahit papaano may pangbayad ako sa tuition ko pero hindi ko naman alam kung saan. Hindi ko alam kung saan magsisimula. Im having a mental block right now.

Dumaan ang linggo at nagpalipas lamang ako ng buong maghapon sa kwarto ko. Wala din si Rina dahil pinapunta siya ni Tita sa bahay nila. Ayaw niya pa ngang tumuloy sa pag-alis pero pinilit ko siya. Ayaw kong makaabala. Tingin ko naman ay kaya ko na ang sarili ko.

Pero wala na yata akong ginawa kung hindi ang tumitig sa puting kisame at matulog. Napapadalas din ang pagsakit ng ulo ko.

Walang ibang sinasabi si Gio sa mga text niya kung 'di take care, I miss you, at I love you. Hindi ko din alam kung alam na ba ng parents niya dahil wala naman akong nababalitaan na nahanap na nila ang long-lost daughter. Kung alam nilang ako ang nawawala nilang anak, hindi na sila mag-aaksaya pa ng oras para makasama ako. I wonder why Gio didn't tell this to his parents.

Nahihiya siya? Nahihiya siya dahil naging kami? Sabagay, kahit ako man, nahihiya. Nahihiya ako sa sarili ko. Nahihiya ako kay Rina, nahihiya ako sa mga kaibigan ko.

Sinong mag-aakalang ang matagal na nilang hinahanap ay nasa tabi niya lamang pala?

If I can skip this part of my life, I will do it, willingly.

I just want a happy life. Less drama, less problem, less pain. But why can't He give me those? Am I not deserving?

Natigil lamang ang pag-iisip ko nooong may nag doorbell. Nanlalambot akong tumayo.

"Hi?" Justien greet me when I open the door.

"Hello?" Tumawa siya. Nilawakan ko ang bukas ng pinto para makapasok siya.

"May dala akong pagkain. Tumawag sa akin si Rina, wala ka daw kasama dito kaya pumunta ako." Humarap siya sa akin. "Ayaw mo daw ng bisita kaya hindi ko na sinama sina Suzy."

Umupo ako sa kaharap niya. Walang nagsalita sa aming dalawa. Pinagmamasdan niya lamang ako.

"Pwede kang magkwento sakin, Calli. Makikinig ako," hindi ko siya binalingan ng tingin, sa halip ay pinagpatuloy ko ang pagkain. "Alam mong magkakaintindihan tayo pagdating sa bagay na 'to, Calli. We're on the same page. Broken," Doon ay natigil ako.

Right.

"Ayokong pag-usapan ang problema ko, Just. Sorry."

"Don't be sorry. It's okay. Gusto ko lang sabihin sayo na, nandito kaming mga kaibigan mo. Kahit na hindi ka masyadong malapit sa amin like Rina, you can always run to us."

"Thank you," Tumango ako, nangingilid ang luha.

"Alam mo, noong iniwan ako ni Kinah, hindi ko alam ang gagawin ko. I'm so broken. Masyado akong nag-focus sa sakit na nararamdaman ko, nagpabulag ako sa sakit. Nakalimutan ko na may anak pa pala ako." Mulungkot siyang ngumiti. "Napabayaan ko ang nag-iisang bagay na habangbuhay na magpapasaya sa akin at hindi ako iiwan. Alam kong nasasaktan at nahihirapan ka, Calli. Your parents died, you and Gio broke up. But don't be blinded by your pain, walang maidudulot na maganda kung palagi mo na lamang aalalahanin na nasasaktan ka. Wala namang magbabago kung magmumukmok ka dito di ba?"

I smiled a little. "Yeah, thank you."

Ngumiti din siya at ginulo ang buhok ko, "Kaya mo 'yan. Si Calli ka, e."

-

Unconditionally Loving You (Loving you Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon