Chapter 29

257 10 1
                                    

Chapter 29

Wala siyang balak bumalik sa hotel. Nag-request siya na kung maaari ay dito na muna siya pansamantala.

Hindi na mapaghiwalay ang mag-ama simula kanina. Kanina pa silang naglalaro at nagkukwentuhan ng kung ano-ano.

Rinig ko pang itinanong niya sa bata kung mayroon bang pumorma sa akin dito noong wala siya at dahil hindi namang naiintindihan ni Calla ang ibig sabihin ng ama niya at umiling na lamang ito.

I'm cooking for our lunch.  Tinext ko na rin si Rina na tingkol sa nangyari. Mukhang mapapasugod siya dito ng wala sa oras. She's busy with her work but she is always have time for us. Lalo na kung ganito. Chismosa din talaga.

Hinanda ko na ng mga plato sa lamesa. Kaning tatlo lamang, hindi na kasi bumalik si Razam.

Naabutan kong nakahiga si Gio sa sofa habang nasa kanyang ibabaw naman si Calla at yakap siya. Marahan niyang hinahaplos ang buhok ng anak at paminsan minsan paghalik sa ulo ni Calla. Nakapikit siya.

Kinuha ko ang aking cellphone at kinuhanan sila ng picture. A moment like this should be capture. Not just in my mind and heart but also in any way possible.

Ilang taon silang hindi nagkita, hindi maipagkakaila ang pangungulila nila sa isa't isa.

I am embarass when we left Mariellas' office but I think she have something in mind, na nagkapaliwanagan na kami ng kapatid niya.

I'm still shock about her being Gio's sister. Buong akala ko noon ay ako ang nawawalang Ali kaya hindi ko naisip na mamaaaring siya ang totoong kapatid.

Kailangan ko pa ring makausap si Tita Ivy at Tito Tomas. Wala silang alam sa biglaan kong pagkawala noon.

Magugulat sila kapag nalaman nilang mayroon pala silang apo!

Itinago ko ang cellphone sa aking bulsa at nilapitan sila. Bahagyang nagmulat ng mata si Gio nang maramdamang lumapit ako.

"Lunch is ready. Kumain na tayo." He smiled. A genuine one. His eyes twinkle. Hinaplos niya ang aking kamay at hinalikan iyon.

"Thank you." 

"For?"

"For everything. For loving me, for waiting for me, for giving me a chance, for taking care of our child, for existing." Lumambot ang puso ko sa sinabi niya. "I know that's corny but yeah, I love you so much."

Sinamahan ko siya sa kwarto namin ni Calla. Dahan dahan niyang inilapag sa kama ang anak.

Itinaas ko hanggang sa tiyan niya ang kumot bago ko siya hinalikan sa noo.

Tumayo siya at nilibot ang paningin sa buong silid. Agad niyang nilapitan ang mga picture namin.

"I have a photo album. Nandoon lahat ng picture niya mula noong bagong anak pa lang. Baka gusto mong makita."

Ngumuso siya. "Of course, Calli, I want to see it." Humarap siya sa akin. He look at me with his teary eyes. His hands landed on my waist, he caress it gently. "I'm so happy."

"Hm."

"I am really thankful to you, baby. Thank you."

"Hanggang kailan ka ba magpapasalamat sa akin, Gio."

"Hanggang humihinga ako." Nagitla ako nang mabilis niyang patakan ng halik ang labi ko. Uminit ang pisngi ko. Hindi agad ako nakapagreact sa ginawa niya.

Tumikhim ako at lumayo ng kaunti sa kanya. Nabitawan niya ang baywang ko.

"Hindi pa tayo okay, Gio kaya dapat hindi ka basta basta na lang nanghahalik." Umawang ang labi niya.

"Hindi pa ba?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi pa."

"Doon din naman iyon pupunta, 'di ba Calli? Kaya bakit mo pa patatagalin?" ngumuso siya. "Ilang taon kang nagtago sa akin, tapos ngayon sasabihin mo na hindi pa tayo okay?"

"Gusto ko munang makita ang totoo kong pamilya. Magpaalam ka sa kanila." bigla siyang ngumisi.

"Nakapagpaalam na ako." bulong niya. 

Masama ang tingin ko sa kanya habang kumakain kaming dalawa. Panay naman ang ngisi niya. Nagmumukha siyang tanga.

Hindi niya sabihin sa akin kung paano niya nakilala ang totoo kong pamilya. Gusto niya daw ay surprise na lang. Tsk, daming alam. Pero hindi mawala sa 'kin ang excitement. Gusto ko na silang makita.

Maya't maya ang sulyap niya sa akin. Ngingitian niya ako o di kaya ay ngingisi. At naiirita ako.

Nagprisinta siyang maghugas ng mga pinagkainan namin. Ako naman ay sinagot ang tawag ni Rina.

"Hello?" Sinalubong ako ng tili niya. Bahagya kong inilayo sa aking tainga ang cellphone.

"Omg! Tangina, totoo ba?!"

"Huwag ka ngang magmura diyan!" suway ko. Mukhang mas excited pa siyang maayos ang pamilya ko kaysa sa akin.

"I'm just happy. Finally! Madidiligan ka na! After three long years!" humalakhak siya. Napasapo naman ako sa noo ko. I thought she is happy because I have a complete family now! Unbelievable Rina!

"Gaga."

"Pero masaya talaga ako para sa'yo, girl." Natahimik siya. Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagsinghot niya. Napahalkhak ako.

"Oh, bakit ka umiiyak diyan? Ikaw ang binalikan, huh?"

"Tanga! Masaya lang ako para sayo. I saw how you work so hard para lang maayos ang pamilya mo. Ang dami mong pinagdaanan. Nawalan ka ng nga magulang, naghiwalay kayo ni Gio, tapos nalaman mo na ampon ka, sino bang hindi magiging masaya para sayo ngayon, 'di ba?" I heart warm because of that. "You deserve that. You deserve a happy ending, Calli."

Umiyak ulit siya. Tinawanan ko lang siya hanggang sa matapos na ang pag-uusap namin. Humiga ako sa kama katabi ng anak ko. Tumitig ako sa puting kisame at nagpakain sa malalim na pag-iisip.

This feel to unreal. Parang nasa isang panaginip lamang ako at natatakot ako na baka paggising ko ay wala na ang lahat ng ito. Na baka babalik sa dati ang lahat.

I saw how Calla's eyes twinkled while looking at her father, how she embrace her father gently.

Kung panaginip ito ay ayoko nang magising. Dito na lamang ako titira.

Nagising na lamang ako na may kamay na nakapulupot sa aking tiyan. Halos mapaigtag ako sa lapit ni Gio. I can feel his breath on my neck. Ang isa niyang kamay ay inuunan ko.

Hindi pa man malinaw sa akin ang lahat ay kontento na ako. Ganoon siguro kapag masaya ka.

Mahimbing pa ring natutulog na si Calla. Humarap ako kay Gio, hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na tumatabon sa kanyang noo.

Pinagmasdan ko lamang siya, I trail my finger from his soft hair, thick brows, long lashes, pointed nose, thin and pinkish lips, and his angled jaw. I'm too blessed to have him.

Finally, I'm holding him agan.

-

Unconditionally Loving You (Loving you Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon