Kabanata 3

35 3 10
                                    

Kabanata 3


Card


Kunot noo akong napatingin kay Dave habang nilalahad nito ang isang itim na helmet sa akin. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya sa akin kanina. I mean, I did ask him out in a particular way, but I didn't expect him to behave like that. Doesn't that rule out the possibility of a mutual attraction? Or...


We always bump with each other since we came here and does that mean he also felt attracted to me? Kasi ako I can't deny it, he's very attractive by looking with his looks plus points na rin ang pagiging mabait niya sa akin kahit minsan napakapilosopo nito.


Nang mapagtanto ko ang iniisip ko ay agad akong umiling para matauhan.


This is ridiculous.


Kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko na hindi ko nagustuhan. Like I swear, I'm not like this with everyone. Hindi ako madaling nauutal, hindi madaling gumaan ang loob ko sa isang tao na kakakilala ko lamang kasi I always made sure that if I trust the person dapat kilala ko na 'to nang buong buo so I can't blame myself trusting them if something happens kasi sa kanila na lang 'yon kung ipinakita nila ang totoong sila o hindi.


Pero wala naman siguro mawawala kung maniwala tayo sa tao diba? If we felt comfortable and safe around that person, why can't we take risks right? Hindi mo naman malalaman kung totoo ang taong 'yon o hindi kung hindi ka sumugal.


Dave gazed at me, his helmet still in front of him, while he was already riding his motorcycle and getting ready to leave.


"Tatanggapin mo ba o hindi? Nangangalay na braso ko." seryosong sambit nito.


"Wait lang ah sandali mag-iisip ako." sabi ko at tumalikod.


Ewan ko pero nagmumukha akong kakatawanan dito sa harap ni Dave. Narinig ko rin siyang mahinang napatawa sa likod kaya napabaling ako ng tingin sa kanya at masamang tinignan siya pero tinugonan lang ako ng nanunuyang ngiti.


I rolled my eyes as I sighed. Mukhang napagod din ito sa paglahad ng helmet kaya pansamantala niya muna itong ikinandong.


May choice pa ba 'ko? I mean yes meron, pwede akong tumakbo papalayo sa kanya kaso naiisip ko ang ginawa niya sa akin. Marami na siyang naitulong sa akin kaya this is my time to bring back that kindness.


Bumalik ako sa tapat niya at hindi agad siya tumingin sa akin pero nakangisi lamang ito kahit diretso itong nakatingin. Ngumuya ako ng mapait saka kinuha sa kanya ang helmet na kanina niya pa dapat ibinigay sa akin pero hinigpitan niya ang hawak nito kaya hindi ko agad ito nakuha.


Ngumuso ako, "Akin na."


A smirk appeared on his face as he faced me. See? I really wonder why I even bothered to ask him that question, kung sana nung umalis na yung may-ari sumunod na lang sana kaagad ako at hindi na nagdalawang isip. Woah! I hate my life.


"Sure ka na?" pabiro nitong tanong.


"Anong sure ka diyan?"


"Sabi mo mag-iisip ka."


Napaawang ang labi ko, hindi makapaniwala sa sinabi niya. Jusko Lord! Patawarin niyo 'ko kung mamura ko ang lalakeng 'to. Never in my life, never akong nakaencounter na ganitong magsalita sa akin. Nakakaloka.


Ah basta! Binabawi ko na lahat ng sinabi ko kanina tungkol sa kanya parang gusto ko na lang siyang sapakin. Balewala na lang 'yong tulong niya, I really can't stand with this guy I swear. He made me feel awkward around him but also making me feel at ease by telling me jokes na hindi ko gusto pero ewan ko, pikon ako eh kaya hindi ko matatanggap yung binibitawan niyang biro sa akin at pamimilosopo.


Dying Summers  〔Vista Hermosa Series #1〕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon