Panimula

184 14 11
                                    

Panimula





"Sa wakas! At nakatungtong din ako dito." Sigaw ni Yuki nang huminto kami sa Arrival area.



She extended her palm into the air and turned countless times to take in the sights and sounds of Siargao. I merely stood at her side, staring at her strangely. Hindi naman sa nagulat pa ako sa kanyang inasal, alam ko naman na mula pagkabata naming she always wanted to escape Vista Hermosa to go surfing here in Siargao pero ganoon nga, ang weird lang kasi na pinagtitinginan kami ng mga dumadaang tao dito—ay hindi pala siya lang.



Lumapit ako sa kanya habang dala dala ang mga bagahe naming. And yes! Ako ang may dala ng mga bagahe ng maarteng babaeng 'to. Sinama ba naman ako dito sa Siargao para lang tagabitbit ng mga gamit niya at maging sunod sunuran sa kanya.



"They're here!" she said as if it has its own tune.



Itinuro niya ang papalapit na itim na mga van at huminto ito sa aming harapan saka lumabas kaagad ang mga matitipunong mga lalake na parehong nakaputing uniporme. Dali-dali ko namang kinolekta ang mga bagahe namin para mas madali ko itong masigurado na kompleto lahat ng mga aming mga gamit.



The men in uniform came to approach us to pick our things and place them at the trunk of the car.



"Good morning, Ma'am Eunice." Bati ng isang lalake.



Naiba ang kanyang uniporme, puti rin ito pero iba ang mga detalye na nasa kanyang damit meron itong brown prints sa color nito na parang nakakalamang ang uniporme niya kagaya sa iba nitong mga kasamahan na abala sa pagkuha ng aming mga kagamitan.



"Marajaw na buntag sa inyo, Kuya Rene!" pabalik na bati ni Yuki habang natatawa.



Bigla rin akong natawa nang bigla itong bumati ng Surigaonon dahil sa maarte nitong boses na halata itong slang.



"Wait... tama ba ang sinabi ko?" lumapit ito kay Kuya Rene para bumulong pero rinig ko pa rin naman ang sinabi niya.



Napatawa naman si Kuya Rene saka itong tumango.



"Oo ma'am! Goods." sabi nito sabay thumbs up.



Pumalakpak naman kaagad si Yuki dahil sa saya kasi parang achievement na sa kanya ang pagsalita ng iba't ibang dialect.



"By the way..."



Yuki turned around and approached me, shouldering me.



"This is my friend Summer, kababata ko po sa Vista Hermosa." masiglang pagpapakilala niya sa akin kay Kuya Ruel.



Ngumiti naman ito kaagad sa akin, "Welcome po sa Siargao, ma'am!"



"Salamat po, kuya." sagot ko.



Muli itong ngumiti bago ito nilapitan ng isa sa mga tauhan nito at may sinabi kay Kuya Ruel.



"Ayos na po ang mga gamit sa likod ng sasakyan, Ma'am Eunice. Pasok na po kayo." pag-aaya ni Kuya Rene sabay turo ng kanyang mga palad papasok sa loob ng sasakyan.



"Tara na! I'm so excited na!" nasasabik na sabi ni Yuki sabay hatak sa akin sa sasakyan.



Nakakunot noo akong pumasok sa sasakyan dahil bigla akong nahilo sa piglaang paghatak ni Yuki sa akin.



"Smile naman there, you look like an inapakang kambing." panunuksong sambit ni Yuki nang makaupo na kami sa loob ng sasakyan.



"Ikaw naman kasi! Nanghahatak ka bigla. Para na nga akong inikot ng isang daang katao nang sumakay ako sa eroplano tapos mas lalo mo pang dinagdagan!" reklamo ko.



Dying Summers  〔Vista Hermosa Series #1〕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon