Hinding-hindi ko hahayaan

19 1 1
                                    

Tiningnan ko ang damit na binigay niya sa akin. Isa siyang dress na color pink. Ang sarap sumapak dahil hindi naman ako nagsusuot ng ganyan. Ang ikli pa nung dress at medyo marereveal ang katawan ko. Ayokong suotin nito.

Sumilip ako sa labas at nakita ko siyang inaayos yung mga damit. Hindi ako nagpahalata at sinusubukan kong tumakas. I'm tired of this useless crap lalo na sa dress na hawak ko ngayon. Tumakbo ako pero bago pa ako makalabas ng pinto. Hinarangan niya ito at mukha siyang galit.Tiningnan niya ako at hinala sa loob ng dressing room na may kurtina and he pinned me sa wall.

"What's wrong with you?!" ang sakit ng pagkakadikit ko sa wall ng maliit na dressing room. Bipolar ba ito at bigla na lang nagbabago ng ugali. Baka naman menopause na kaya nag-iiba ng mood.

"Diba sabi ko kapag tumakas ka. I will not let you go. Ako na ang magbibihis sayo. Hubad." Iba na yung ugali niya. Tumingin ako sa mga mata niya ta nakakatakot siya.

" W- what did you say? " It was the first time na natakot ako sa boses niya at kilos niya.

"Ako na ang magbibihis sayo. Ang tigas ng ulo mo eh ! " sumigaw si Zach sa akin at halata sa mga mukha niyang naiinis na siya sa ugali ko.

" Ayoko nga! Hindi na ako tatakas! " sabi ko sa kanya na siya naming nagpawala ng inis niya. Bumalik yung mukha niya sa dati at nawala na ang takot ko sa kanya.

" Siguraduhin mo yan ! Bilisan mo na! Sorry." binitawan niya ako at umalis siya dun sa dressing room na iyon at bumalik sa sofa. Nagbago na naman ang ugali niya at nagsorry. Napatulala ako. What was that?

I have no choice at sinuot na yung damit na iyon kahit hindi ako komportable. Natatawa ako sa itsura ko at ang corny ng damit. Nakakatakot naman kasi si Zach kung magalit. Akala mo kakainin na ako ng buhay.

"I'm done. Lalabas na ako." natapos din at nagtatatlong isip akong lumabas.

" Go. " lumabas na ako at tiningnan ako ni Zach. Wala siyang sinabi at alam ko namang pagtatawanan niya ako. I know that it looks awkward.

" Ok. Don't laugh at me. Alam kong hindi siya bagay tap--- ." natigilan ako sa pagsasalita. Naiilang kasi akong suotin to eh.

" No you look beautiful. " sabi niya sa akin na kinagulat ko. Nagblush ako. What? Ako? Nagblush? Ang the Great Chris? Nagblush? Beautiful ko mukha niya eh.

" Hahaha. Hindi nga bagay sa akin eh ! " tumawa ako ng pilit. Lakas din nitong magbiro eh.

" No. I'm serious. Bagay naman sayo ayaw mo lang maniwala eh. Now, wear this." pinakita niya sa akin ang isang high heels.

" Wear that torture device? Kahit naman nung babae pa ako hindi ako nagsusuot ng ganyan." reklamo ko. Never pa akong nagsusuot ng ganyan. Ang hirap kaya!

" Just try it, Princess. Wala namang mawawala sayo eh and it's a new experience. Magandang makasubok ng bagay na hindi mo pa sinusubukan. Para naman tumangkad ka ang liit litt mo eh.” Biro niya.

" Whatever. " I rolled my eyes. Sinuot ko siya and guess what? Ang hirap. Hindi ko alam kung bakit yung ibang babae nakakayanang magsuot nito bente kwatro oras. Ibato ko kaya ito sa mukha ni Zach.

" Now it's perfect. Kaya kita pinagheels dahil alam kong mahihirapan ka.”  tinawanan niya ako kasi humakbang ako.

"Ano? Paano kapag madapa o mahulog ako kung maglakad? " tanong ko.

" Edi sasaluhin kita. Tara kailangan na natin umuwi at mag- gagabi na. Don't worry aalalayan kita." Hinawakan niya yung kamay ko and smiled at me. Ayoko ng nginingitian ako at ayaw kong sinasabihan ako ng ganyan.

Naglakad kami palabas ng mall at nagdrive na papunta sa house ko . Kaso bago yun tumigil muna kami. Hindi ko alam kung saan ang lugar na ito pero maraming tao. Hindi kasi ako yung tipo na gala na nilalang. Stay lang ako sa bahay as long as possible.

"Princess,snack muna tayo gusto mo ? Bili lang tayo dyan sa kanto." huminto ang kotse sa isang kalsada na maraming nilalang.

" Lalabas ako na ganito ang suot ko? Matino ka pa ba o kailangan dalhin na kita sa mental. " nakadress nga kasi ako.

"Huwag mo na akong awayin. Tara na." hinila niya ako. Hindi pa rin kasi nakatanggal yung posas.

" Ehh ano yan? " pumunta kami doon sa parang box. May isang kawali at may nilulutong bilog bilog. Ang daming taong bumibili. Marami ring nagkakalat na katulad nito.

" Fishball, kikiam, kwek kwek at palamig. Pili ka." street food? Pinagbabawala ako ni Auntie dahil maarte yun at madumi daw ito. Masyado ata akong spoiled.

" Teka hindi ako kumakain yan tsaka street food.” Gusto ko siyang tikman dati pero maarte talaga si Auntie.

" Princess, Hindi ka naman mamamatay kung kakain ka ng streetfood diba? " Nasa harap na kami nung may niluluto na tusok tusok.

" Eh! Never pa nga akong nakakain ng ganyan! Masarap ba yan? "

" You'll never know kapag hindi mo triny. Sige na mamili ka. " tinuro niya yung mga niluluto.

" Yung orange. Mukha siyang cute. " sabi ko dahil naintriga naman ako sa lasa.

" Ate, 20 nga pong kwek kwek , fishball at kikiam. Tapos dalawang palamig. Sauce din po ah. Yung maanghang." Sabi niya sa ateng nagluluto sabay bigay ng pera. Tumutusok tusok na rin siya.

" Ang sarap pala! " sabi ko. Masarap siya at kumain muna kami sa may mesa doon. Buti nga at meron eh. Madami ring taong kumakain.

" Hinay hinay lang Princess para kang hindi nakakain ng isang buwan." tinawanan niya ako. Hindi ko mapigilan eh. First time ko kayang kumain ng ganito at ang sarap sarap pa! Kung pwede lang balik balikan eh.

" Hindi mo naman sinabi sa aking masarap pala ito. Bili uli tayo bukas! " ang sarap talaga. Gusto ko pa. Hindi ko naman aakalain na ganun pala ang lasa ng street food.

" Princess." tumingin ako sa kanya at pinunasan niya yung bibig ko gamit ang isang panyo. May sauce kasing naiwan.

" Ah thank you." Awkward at sa kwek kwek na lang ako tumingin. Kumain na lang kami ulit.

Sumakay na kami sa kotse at umuwi. Medyo inaantok na ako kasi napagod ako sa pamimili at pag- iikot naming dalawa. . Three days na ang lumipas simula ng makilala ko ito, makakaya ko kayang tiisin ang 1 month?

Nakita ko sa salamin sa kotse na nakatingin siya sa akin pero hindi ko na lang pinansin. Naiinis talaga ako sa kanya. Biglang ngumiti siya sa akin dahil nakita niya akong nakatingin sa kanya at iniwas ko ang tingin ko. Ito lang ang alam ko: Hinding- hindi ko hahayaan na mahulog sa kanya at magmahal, ulit..

Back to DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon