She may be the beauty or the beast

80 3 0
                                    

Once upon a time sa isang malayong lugar hindi ko alam kung saan basta malayo, may isang babaeng walang kadala-dala dahil hindi pa rin makalimot sa nakaraan at siya ay walang kasing pait dahil ilang bote na ng realidad ang kanyang nilaklak ngunit hindi pa rin siya natatauhan.

Natutulog pa ng mahimbing ang ating bida ng may tumunog na malakas na alarm clock ngunit hindi pa rin siya nagigising hanggang sa makasampung beses na ito ng pagtunog.

Kilalanin ang babaeng ito.

Dinilat ko ang aking mga mata at saka tiningnan ng masama ang alarm clock pero napansin ko hindi pala ito yung tumutunog dahil pagkakaalala ko sinet ko ito ng 10 oclock eh 8 pa naman. Akala ko minumulto na ako. Yun pala, cellphone ko lang yun. Ang aga aga at sino itong sinisira ang umaga ko.

"Oh?" sinagawan ko ang cellphone at ang nasa kabilang linya. Dinistorbo niya ang masarap kong tulog.

"Good morning aking beautiful na pamangk--" Bigla kong binaba yung phone. Ang aga aga at ginugulo ang panaginip ko. Ang panaginip ko kung saan doon lang ako masaya. Napagdesisyonan ko na itapon ang cellphone ngunit hindi natuloy dahil tumunog ulit.

"O-M-G My Dear that is so so rude." Sabi ng nilalang sa kabilang linya na na may isang malanding accent at isang pilit na boses.

“It’s too early and you are calling me. Apparently, dinisturb mo ang mahimbing kong tulog. Ano na namang kailangan mo tito?" sabi ko na halatang iritang-irita.

"Ewww. Stop calling me that call me Auntie. Alam mo ba malapit na ang december. “ sinabi niya na tuwang-tuwa. Oo tito ko siya pero tita ko rin siya. Figure that out.

“Oh ano ngayon?” Ano ngayon kung malapit na ang December.

"It means your birthday is also coming as well as Christmas. At my dear hindi lang basta birthday kundi debut. Malapit ka na kaya mag 18. Dapat bonggacious to the max ito. May paunang gift ako sayo. Pumunta ka mamayang 10 am sa building ng agency namin. Ipapasundo na lang kita." Nakikita ko ang mga ngiti niya sa labi habang sinasabi lahat ng ito.

Pinalaki ako ng aking auntie at dont get me wrong mahal ko yang tita ko kahit na minsan she's so unreasonable at maingay. She owns the notorious model agency na maraming mga sikat at bigtime na models. Binibigyan ng pera para magpacute.

"What the hell? What do you mean by debut? You’re insane. I told you four years ago na ayoko ng ganyang kaartehan sa buhay. Tsaka ang tagal pa. One month. One freaking month." Wag kayong mag-alala dahil normal lang ang conversation na ito sa aming dalawa at mahal ko talaga si auntie.

"My dear Chris, hindi ganyan magsalita ang isang proper lady. Just wait for my gift sigurado akong magugustuhan mo yun. Mwa babush! " Naamoy ko na may plinaplano na naman itong si auntie.

"Whatever. Bahala ka. I’m still sleepy. Aga mo mambulabog eh." I ended the call at matutulog muli. Itutuloy ko ang panaginip kong naudlot. Hindi ko na lang iisipin itong plano ng maarte kong auntie.

Nasa campus ako ng dati kong school noong highschool. Hindi ko alam kung bakit siguro nga nananaginip na naman ako. College na kasi ako ngayon and back then, i was just a perfectly normal and simple girl at hindi pa maiksi ang buhok ko di tulad ngayon but i was wearing glasses at that time. 

Dear Charot, minsan na rin pong nagmahal ang puso kong maharot pero dahil isa akong tanga noon. I was the type of girl who ....

In other words, kalimutan na lang ang sinabi ko at ipagpatuloy na ang aking mga panaginip. 

Back to DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon