Huwag kang feeling butterfly

9 0 0
                                    

"Jose, ano yan?" i asked him. Kasi may hawak siya na ginagawa niya pero hindi ko alam kung ano yun. Nandito kami ngayon sa tree house na lagi naming pinagtatambayan.

“Wait ka lang malapit na matapos ito." sabay ngiti niya sa akin. Natapos na nya yun at dali daling tumabi sa akin.

He gave me a paper. "Oh ano ito?" tanong ko sa kanya.

"Isusulat natin diyan yung mga wish natin o yung bagay na gusto nating mangyari." Kumuha siya ng panulat at nagsimula. Matapos niya magsulat, he gave me the paper.

Nakalagay sa papel na iyon:

Promise me forever my queen.- Jose

Nagsulat din ako sa baba nito.                                                                                                                

I promise, my king. Forever and ever.-Chris

Kinuha niya yun at dinikit dun sa bagay na ginawa niya. Sinabi niyang sky lantern daw yun.Dinikit niya ang papel doon. Sinindihan niya iyon at pinalipad namin ang papel. I can feel his hands intertwined with mine. " Alam ko matutupad yung wish natin." Sabay titig niya sa akin. 

Lalapitan na sana niya ako to kiss me pero biglang nagdilim ang lahat. Unti-unti siyang nilalayo sa akin. Biglang nasunog ang lahat. Nilalamon ng apoy. Hindi ako makahinga.

I screamed.

" Ahhhh!!!" Napatayo ako sa higaan ko. It was all just a dream. Pero yung mga alaala totoong totoo pa rin. Ramdam na ramdam ko pa rin.

" Ano ba yan para kang alarm clock." someone said. Nagtaka ako at tumingin ako sa tabi ko. Zach is here. Napasigaw ako dahil sa panaginip ko pero napasigaw ako ulit dahil sa taong katabi ko sa higaan.

" Ginigising mo na naman ang natutulog kong puso. Goodmorning Princess." isang pilyong ngiti ang pinakita niya sa akin. Hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawag sa akin ng Princess.

Nanlaki yung mata ko." WHAT ARE YOU DOING HERE?! YOU CREEP. PAANO KA NAKAPASOK DITO?" tinulak tulak ko siya sa kama. Ang sarap pa ng higa niya sa kama. At ang lakas pa dahil sa tabi ko.

" Aray ! Tek-- Prin--Aray" pinagbabato ko siya ng unan. Hindi ako makapaniwala. Sino ang nagbigay ng permiso dito sa ungas na ito.

"Pwede kang tumira dito. Pero sino nagsabing pwede kang tumabi sa akin! HA?!" binato ko ulit siya.

"Princess, wala ka na ba talagang alam kundi mambato? Tingnan mo tinamaan na ako sayo." tumawa pa siya.

"Eh kung hindi lang unan ang ibato ko sayo ah?" pinandilatan ko siya ng mata pero nakangiti pa rin siya sa akin.

"Wait Princess, may sasabihin ako sayo!" bigla siyang nagulat.

" Ano yun?" pagtataka ko.

"Uhm.. May ipis."

"SAAN?! PATAYIN MO YAN. INUUTUSAN KITA. KUNDI IKAW ANG PAPATAYIN KO." Hindi ko namalayan na napasabit na ako sa kanya. Naka-piggy back. Hindi ako takot sa multo o kahit ano. Isa lang ang kinatatakutan ko at ito ang ipis na nagfefeeling butterfly. Kaya ikaw huwag kang feeling butterfly.

"Wait teka ang bigat mo! Paano ko mapapatay yan? Eh ang bigat bigat mo." Kinuha niya yung tsinelas at pinatay na yun ipis. Ang bilis niya naman itong patayin tulad ng feelings ni Jose sa akin ang bilis nawala. Bakit ba naiisip ko na naman siya?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Back to DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon