Huwag kang tatakas

28 2 0
                                    

Auntie's point of view.

Finally my grandeur plan is working. Mapaglalapit ko na ang favorite gorgeous hot model ko at ang pamangkengs ko. So now, ill just wait for a month, para maging perfect lady na at maging masaya na ang Chris ko.

"Zachy kamusta na ang plano? "i am currently talking to my favorite model. I'm so happiness bonggaciousness.

" Ok na po auntie. Pumayag po siya na sumama sa shopping mamaya. Hindi pa ako sigurado kung payag na siya sa isang buwan pero gagawin ko po ang lahat...." He told me everything including the happenings at the park and the treehouse.

"Jose? Yung bwisit na yon! " sumakit yung puso ko ng kunti. Ayoko kasing maalala kung paano niya binago ang mahal kong Chris. Kasalanan niya kung bakit hanggang ngayon malungkot pa rin ang aking Chris.

"Auntie?"

" Ok lang ako. Tawagan mo nga si Chris."I coughed at inutusan kong tawagan si Christ para sa first week ng pagbabago niya.

" Hello? Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Auntie pero pumunta ka dito. As soon as possible.” Sabi ni Zach while holding the cellphone.

" Tita? Tita okay ka lang?" my plan is working na. I hope she can hear my coughs.

" Zach! Anong nangyayari dyan! Ok lang ba si Tita!" Ayan na she is responding to my cleverness.

" Teka! Pumunta ka na lang sa hospital . Hahatid namin siya doon."

Chris’ point of view

"Zach !" sigaw ko sa cellphone kaso namatay na. Binalibag ko yung phone pero syempre joke lang yon dahil mahal ito no.Pero seryoso, nag-aalala na ako kay tita dahil alam kong nagkasakit siya noon. Siya na lang ang natitira sa akin kahit malandi yan. Mahal ko yan eh kahit pinamimigay ako sa isang model.

Dahil sa pag- aalala dumiretso ako sa hospital na alam kong pinagkakatiwalaan ni auntie. Kumaripas ako ng takbo. Mas mabilis pa sa pinakamabilis na mas mabilis na dilis.Pagkadating ko sa hospital at room ni tita. Binuksan ko ng pagkalakas lakas. Yung tipo bang magigiba na ang pinto at may effects.

" TITA! ASAN KA! Hindi ka pa pwedeng mamatay! Ayokong mamahala ng model agency! hoy!" tumigil ako sa pagtatalak dahil nakatakip ng kumot si Tita at hindi ito sumasagot pabalik. Ang tahimik ng lugar at ng atmosphere matapos kong magsalita. Ang maririning mo lang eh ang paggalaw ng kamay ng orasan.

Sumara ang pinto at matapos nun unti- unti akong lumapit kay Tita. Biglang ay nahulog na cellphone at nagdalawang isip ako kung kukunin ko ba ito. Pero mas inaalala ko si Tita! Naglakad ako ulit palapit kay tita kaso namatay ang mga ilaw.

Hindi ako makagalaw dahil sa takot. Ngayon ko lang inamin na natatakot ako.Minadali kong lapitan si Tita na nakahiga sa higaan ng hospital. Bubuksan ko na ang kumot at pinikit mo muna ang mata. Nagbilang ako at binigla kong buksan. Biglang may humawak sa kamay ko at parang may malamig na bagay.

" Ahhhhh! “tatlong segundo bago ako nakasigaw at isang maluto na bad word ang lumabas sa mga bibig ko. Minulat ko ang mata ko at nakangiti si Tita. May posas na sa kanang kamay ko at may tao sa gilid ko.Nang tiningnan ko kung sino, si Zachary pala ito. Nakaposas din ang kamay niya sa kaliwa.

" Anong kababuyan to?!" sigaw ko na halos pumutok na ang ugat sa aking mga leeg.

" Sorry Chris, wala naman talaga akong sakit eh. Kailangan ko lang na mapagposas kayong dalawa para hindi ka makatakas kay Zach dahil alam kong ayaw na ayaw mo ang mag shopping." sabi ni Auntie na may paawa effect pa.

Back to DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon