Daisuki da yo Kaichou (1)

61 5 0
                                    

Lunchbreak* 

Umupo si Crush sa table katapat ng kinauupuan namin. Hanggang canteen pag-aaral ang inaatupag. Kaya lang nakatalikod siya samin.Hindi ko siya makita!! 

May nakiupo (oo. nakiupo. ang table na kinalulugaran ni crush ay kanya lang! batas ko yun. hehe.) na dalawang babae sa may table niya. 

Babae1: Siya ba yung nanalo sa Campus Idol? 

(Campus Idol? O.o) 

Babae2: Oo. Bakit? Hindi ka ba nanuod? 
B1: Oo. Hindi naman maganda! Matangkad lang naman ah! 

(oooohhh. Bitch.) 

Hindi ko na pinakinggan. 


"Uy pre, kailan yung Campus Idol?" tanong ko kay Pedro. 
"Tapos na." iritadong sagot niya. 
"Ha? Tapos na!? Bakit di ko alam? Bakit di niyo ko sinabihan?" pang-gugulo ko kay Pedro.xD Naka-earphones kasi siya kaya siya ang the chosen one. ^__^v 

Tinanggal ni Pedro ang earphones at nagbuntong hininga. 


"February 18. Dahil kamalas-malasang nadengue ka at nahospital ng anim na araw, hindi ka naka-attend ng Prom at hindi mo napanuod ang Campus Idol." 

Ibabalik na sana niya yung earphones pero pinigilan ko siya. 


"Teka! Sino panalo?" 
"Crush mo." sabay turo kay April. Syempre napalingon ako sa direksyon niya. 

Bitch1: Eh totoo naman. Mas maganda pa nga ako sakanya. 

(Luh. Kapal ng mukha ni ate.) 

Tiningnan ko si Pedro, naka-earphones na ulit. Tiningnan ko ulit si Crush. 

Parang pinipigilan na ni Babae2 si Bitch1. 
B1: Excuse me. Malakas ba boses namin? 
Tanong niya kay April. 

Tumayo ako at lumapit sakanila. I glared at Bitch1. 
"Oo malakas ang boses mo." 
Tapos tiningnan ko si Babae2. Gusto na niyang maglaho.xD 

"Sino ka naman?" tanong ni B1 na nakataas pa ang isang kilay. 
Bago ko pa siya kwelyuhan ay hinila na siya palayo ni B2. Good. 

Umupo ako sa tabi ni Crush. Eto yun eh!! Haha. 

"Do you mind?" tanong ko sakanya. wews english!! 

Niligpit niya yung gamit niya sabay sabing "No." 
Tapos umalis. Eh? *shrugs* 

Nakatingin lang ako sakanya habang naglalakad siya palayo. May bumato sa akin ng ballpen, tinamaam ako sa ulo. Pinulot ko yung ballpen at tumingin ulit sakanya, sabay ngiti. Oh my dear Crush~ 
Nung out of sight na siya, balik sa poker face at tiningnan ko yung ballpen. Wala na sila Pedro dun sa table. Sayang! Gaganti pa naman ako. 

-end-

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

yaaah!!! eto na. mababasa nio na ang isang nakaka ewan na storya.

ayy basta ang alam ko mag eenjoy kayong mag babasa nito ^__^

vote/comment

Daisuki da yo KaichouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon