*thursday
Nauna ko! wooo!!!xD
Nag-iwan lang ako ng sticky note.
"Good morning Crush! ^__^
6pm at our spot. see ya."At sinimulan ko na ang pagwawalis sa paligid at sa school grounds. Dalawa lang kami ni manong janitor na naglilinis.
Salamat sa community service, hindi ko siya makakasama sa free time ko, dahil kailangan kong maglinis.
Maaga din akong pumapasok dahil kailangan malinis na lahat bago dumating ang mga estudyante. *sigh*
Hindi maganda ang pakiramdam ko. Maliban sa ubo at sipon.
First class lang ang pinasukan ko. Kasi 8am nagbubukas ang clinic ng school.
After nun, cutting na.
Pag pasok ko ng clinic, wala si Ma'am Roxas. Kaya dumiretso na ko sa isang bed dun, at nag soundtrip.~isang linggong pag-ibig playing~
May pumasok sa clinic.
"Justin."
"Yes Ma'am?" sagot ko behind the curtains.
Alam niya na ako yung nandito. Dito kasi tambayan ko pag nagc-cutting ako. Tsaka code namin yung music. Dahil matanda na si Ma'am, sabi niya dapat daw old school ang music ko pag nandito ako para maappreciate niya din.
Hinawi niya yung kurtina.
"May tao sa kabilang bed." sabi ni Ma'am tapos tumalikod na ulit."Yes Ma'am." sagot ko sakanya ng nakatingin lang sa kisame at pinatay ko na yung music.
Hinawi niya ulit yung kurtina.
Nakatingin siya sakin. Lumingon ako syempre.
"Pag usapan natin?" anyaya ni Ma'am"May sakit lang po ako." sagot ko ulit ng nakatingin sa kisame.
"Hoy. Ako pa lolokohin mo?" sabi niya.
Nginitian ko si Ma'am. Isang dahilan kung bakit dito ako tumatambay ay dahil kay Ma'am. Mas gusto ko kasing kausap ang mas matatanda or mas bata sa akin.
"May nabalitaan ako. Yun ba?" -Ma'am Roxas
"Hmm. Hindi ko po alam Ma'am. May gumugulo sa isip ko na hindi ko alam kung ano." -ako
"Malamang. Magugulo ba isip mo kung alam mo?" -Ma'am
"Nga naman. Nalulungkot ako. Wala namang dapat ika-lungkot." -ako
"Wala nga ba?" -Ma'am
Tiningnan ko siya. Wala nga ba?
-end-
BINABASA MO ANG
Daisuki da yo Kaichou
Romance"Ito yung story na walang kaplano-plano. Hindi ko alam kung ano ang magiging takbo. Bawat bukas, bawat araw, bawat update, walang kasiguraduhan. Hindi ko hawak ang mga pangyayari at mga mangyayari sa storyang ito. Isa lang ang alam ko. Mahal na maha...