monday*
5:43am.. nandito na ko sa school.
ako yung taong laging late, pero simula nung ligawan ko si crush lagi na kong maagang pumapasok. wala eh, ganitong oras ko lang naman siya masosolo at tuwing uwian.. pati pag tambay sa library, nagagawa ko na ngayon. hindi na rin ako nagka-cutting kasi baka magalit siya sakin.
nga pala, nagdala ako ng ham sandwich para kay crush.xD
Medyo inaantok pa ko kaya dumukdok muna ako.
..........
"Hey." sabi nung lalaking hinawakan ako sa balikat.Kinuskos ko yung mata ko para makita kong mabuti. Unknown creature. At si crush, nasa likod niya.
"Dito ka ba naka-room? Pwede iwan mo muna kami ni April dito?" sabi nung lalaki na nakangiti sakin. Maayos yung pagtatanong niya. Pero yung tanong niya di maayos para sakin.
Tiningnan ko muna si crush. Poker face.
"Hindi pwede." simpleng sagot ko.
"Sino siya?" tanong ko naman kay crush.
"Ah ako nga pala yung boyfriend ni April." sabi niya ulit na nakangiti, tapos nilahad niya yung kamay niya sakin.
Napakunot ang nuo ko. Boyfriend??
Magsasalita sana si crush pero...... napamulat mata ko nung may nangbatok sakin.
Napatayo naman ako agad sa pagkakadukdok ko. Tapos nagpalinga-linga.
May ilan ng estudyante sa room.
"Si April?" tanong ko kay Pedro. Siya yung nangbatok sakin. -_-Nagkibit balikat siya.
"Yung notebook ko sa physics, akin na." sabi niya.oo nga pala. nag-over night samin yung notebook niya.xD ganun talaga. kailangan ko ng notes, kasi papasukan ko na ulit yung physics.
Kinuha ko na yung bag ko.
"Dun na sa room natin. Tara." sabi ko kay Pedro, at lumabas na kami sa room nila crush.Binigay ko kay Pedro yung notebook. Bago siya pumunta sa upuan niya may sinabi siya.
"Queer. Strange."
tapos umalis na siya.
------
Lunchbreak*Hinanap ko siya sa SC room, sa room nila, at sa library. Wala.
Pumunta nalang ako sa canteen at nakasimangot na kinain ang dala kong sandwich para sakanya.
Hindi siya pumasok. Bakit?
-end-
BINABASA MO ANG
Daisuki da yo Kaichou
Romansa"Ito yung story na walang kaplano-plano. Hindi ko alam kung ano ang magiging takbo. Bawat bukas, bawat araw, bawat update, walang kasiguraduhan. Hindi ko hawak ang mga pangyayari at mga mangyayari sa storyang ito. Isa lang ang alam ko. Mahal na maha...