Nakatambay kami ni crush sa SC room. Bawal ako tumambay dito dahil di naman ako member ng Counsil, pero nadaan sa kakulitan.xD nag volunteer akong runner.
Nakadukdok lang si crush habang ako nagbabasa nung book na kinuha ko sakanya.May iba pang mga staff dun. Narinig ko yung dalawang nag uusap kasi malapit sila samin.
US1 (unknown specie): di ba siya yung sinungaling?
US2: sino? si pres?
US1: oo. akala ko katulad natin siya, mayaman pala.
US2: ano naman problema dun?
US1: kaya siguro lagi siyang nananalo sa mga contest, palibhasa teacher's pet.
US2: ang bait kaya ni pres. tinutulungan ka din naman niya diba?
US1: ang tawag dun pakitang tao..hindi ko na napigilan. Tumayo ako at kinwelyuhan ko yung babae. Sasapakin ko na talaga eh, kaya lang nagulat ako hinawakan ni crush yung braso ko.
"Bitaw." sabi niya.
hindi ko binitawan.
"Kaichou! Kung ano-ano sinasabi eh." angal ko sakanya."Bitaw." tapos nakatingin siya sa mga mata ko.
Pinakawalan ko.
"Please get out." sabi niya dun sa dalawang staff. Lumabas naman sila agad."Narinig mo ba?" tanong ko sakanya.
"Oo. Ikaw din. Labas." sabi niya. Parang ang lungkot.
"Bakit pati ako?"
"Mag sisimula ka pa ng gulo. Wag mong kalimutan kung nasan ka." sabi niya tapos dumukdok ulit.
Sinusubukan kong silipin yung mukha niya.. Wala..
Umupo nalang ako ulit sa tabi niya.
Andun lang kami from dismissal hanggang sa dumating ang sundo niya.-end-
BINABASA MO ANG
Daisuki da yo Kaichou
Romance"Ito yung story na walang kaplano-plano. Hindi ko alam kung ano ang magiging takbo. Bawat bukas, bawat araw, bawat update, walang kasiguraduhan. Hindi ko hawak ang mga pangyayari at mga mangyayari sa storyang ito. Isa lang ang alam ko. Mahal na maha...