*monday
ito na ata ang pinaka-maaga kong pagpasok. pinuntahan ko agad yung AJ at ginupit yung mga damo na nagsisimula ng tumubo ulit dun. After nun nagwalis na din ako agad sa paligid ng school.
Natapos ako ng 5:30, at pumunta na agad sa room nila crush. Grabe, buong weekends siya lang nasa isip ko. Nakakabaliw. Pwede ko naman sana siya makita nun kasi nasa school daw sila sabi ni Pedro. Kaya lang ako ang wala sa bahay.
Nautusan kasi akong samahan yung tita ko dun sa bahay nila.
Nagkakape ako sa room. Bigay yun ni fairy god father.
passed 6:00 na siya dumating.
"Good morning Kaichou! ^__^ "
"Good morning." sabi niya with a smile.
Two days kong di nakita yun!! haha.
"Di ba may community service ka pa?" tanong niya.
"Ayoko na. Tinatamad na ko." seryosong sabi ko sakanya. Tinitingnan ko kung ano reaction niya.
"Ahh. Kaya pala malinis na yung paligid." -crush
"Haha. Inagahan kong pumasok para magkausap pa tayo. Tuwing break nalang kita nagugulo, kinukuha pa ng community service yung time na yun. So, yeah." -ako
Di na siya sumagot. Pero kahit ganun, hindi nagiging awkward ang sitwasyon. Ewan ko ba. Sa tuwing magkasama kami, di naman kami masyadong nag-uusap. Pero okay lang samin yun. Basta magkasama lang kami.
"Kaichou." tawag ko sakanya ng sa kisame nakatingin.
"Hmm?" sagot niya ng di inaalis ang tingin sa binabasa niya.
after a few seconds..
"Kaichou."
"Hmm?"
.....
"Kaichou."Binaba niya yung binabasa niya. Nagbuntong hininga.
"Bakit?""Wala. Gusto lang kita marinig."
Paglingon ko sakanya yung tingin niya sakin di ko maipaliwanag. Parang naaasar siya na di makapaniwala.xD
Nginitian ko lang siya. Napa-iling nalang siya at nagbasa ulit.
"Kaichou."
pfft.xD ang sama na ng tingin sakin.
"Dun ka na sa room niyo. -_- "
Ayan pinapaalis na ko.
Isinandal ko nalang ulo ko sa table, pero naka-side, para nakatingin ako sakanya.
"Wag mo kong titigan, weirdo. -_- "
-end-
BINABASA MO ANG
Daisuki da yo Kaichou
Romance"Ito yung story na walang kaplano-plano. Hindi ko alam kung ano ang magiging takbo. Bawat bukas, bawat araw, bawat update, walang kasiguraduhan. Hindi ko hawak ang mga pangyayari at mga mangyayari sa storyang ito. Isa lang ang alam ko. Mahal na maha...