Missing person :
Ellice Bianca Villahermosa / Alias : Ellice or Liz / Age : 25 / 4'12" / Brown-eyes / Dark brown hair / Last seen on August 21, 2021 at Venice Hotel Tagaytay wearing pink silk robe.
For any information that can help us find her, plea...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ellice Bianca Cruz Villahermosa Corporate Secretary of Villa Hermosa Construction Corporation 25yrs. old Mestiza with long dark gold chestnut hair Deep-set brown eyes Slim body type 4 feet 12 inches tall Last seen on August 21, 2021 10:05pm at Room 517 of Venice Hotel in Tagaytay Cavite wearing pink silk robe
"Did I get my goddaughter's information right, kumpadre? Tama ba mga hija at hijo?" tanong ni private investigator Caesar Madriaga sa mga kasama niya sa sala ng mediterranean mansion ng mga Villahermosa matapos niyang basahin ang mga isinulat na impormasyon sa hawak na notebook planner.
"Yes, kumpadre," malungkot na sagot ni Don Ramon Villahermosa sa matalik na kaibigan.
Tango naman ang isinagot ni Harold na fiancé ni Ellice. Naka-set na ang kasal ng dalawang ito, 3 weeks from the day na mawala ang dalaga.
"Yes tito," "Yes po uncle," sabay na sagot ni Marielle & Meredith na mga matalik na kaibigan ng dalaga at mga huling kasama nito bago ito nawala.
Tiningnan ni Caesar ang dalawang dalagang nakaupong kaharap niya at tinanong ang mga ito, "Maaari n'yo bang isalaysay ang mga nangyari nang nakaraang sabado? Mula umpisa hanggang sa huling oras na nakita n'yo ang aking inaanak?"
Lumingon si Meredith sa katabing si Marielle at tinanguan ito.
"I booked a room po sa Venice hotel for Liz's bachelorette party. Uncle, asked me to personally handle the preparation." Tumingin si Marielle kay Don Ramon na tumango naman bilang pag sang-ayon sa mga sinabi ng dalaga.
"And what room is it?" Caesar asked.
"Room 517 uncle," Meredith answered.
"Ako po yung nag drive ng car ni Liz mula rito sa bahay patungo sa Tagaytay dahil piniringan namin siya as part of the surprise. I can still remember kung gaano siya ka-excited," pagpapatuloy ni Marielle.
"Anong oras kayo nakarating sa Venice Hotel mula rito sa Parañaque?" muling tanong ng imbestigador.
"7:15pm. I wouldn't forget the time since I was replying to the message of my boyfriend," sagot ni Meredith.
"Inalalayan naming dalawa si Liz, mula pagbaba ng car, pagsakay ng elevator hanggang makarating kami sa room 517 since still blindfolded pa rin siya, right Dy?" Nilingon ni Marielle si Meredith.
"Tama po. Sobrang na-surprise siya at natuwa nang makita niya yung set-up ng room. She loved the black & gold balloons on the ceiling na may nakasabit na mga candid photos naming tatlo then she giggled noong makita niya ang "No Boys Allowed" na gawa sa mga gold balloon letters on top of the couch beside the bed," dugtong ni Meredith sa sinabi ni Marielle.
"Then after that tito, I suggested for us to clean ourselves & change into the pink silk robe na galing naman kay Dy."
"Pagkatapos po naming magpalit ng damit, we started the celebration. I & Yel asked Liz to blow the candles of her bachelorette cake which she happily did. After that kumain na po kami ng dinner & then we started drinking liquors."
"What liquors did you girls have?" tanong ni Caesar.
Sumagot si Marielle, "Pink Vodka Lemonade."
"I made it especially for that night," segunda ni Meredith.
Biglang nagtanong si Don Ramon, "Marami ba kayong nainom? Alam kong mahina ang tolerance ninyo sa alcohol lalo na si Ellice."
"Yel, nakailang glass of vodka lemonade ba si Liz? Sabi niya sa akin sa huling message niya ng gabing iyon hindi siya iinom ng marami," tanong ni Harold kay Marielle.
"I don't know, we're enjoying so much that night kaya hindi na namin napansin kung nakailang glass na kami. The last thing I remember, nakita kong tulog na si Liz sa gitna namin ni Dy then narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan namin ni Liz. I closed my eyes since di ko na kaya ang antok, nakatulog na 'ko."
Binalingan naman ng imbestigador si Harold, "Where were you that night, hijo?"
"Nasa province po namin ako, sa Buenavista, Marinduque. Binisita ko po ang mga magulang at mga kapatid ko para sa iba pang mga detalye sa mismong araw ng kasal namin ni Liz."
Matapos marinig ang sagot ng binata bumaling naman si Caesar kay Meredith, "So lumalabas, ikaw ang huling nakatulog ng gabing iyon, Meredith, hija?"
"Yes uncle, tama si Yel. I called their names noong nakita kong nakahiga na sila sa kama. Niyugyog ko pa sila pareho para gisingin kahit hinihila na rin ako ng antok pero wala, nanatili na silang tulog, kaya I decided na mahiga na rin mula sa pagkakaupo sa tabi ni Liz. Nagawa ko pang tingnan ang cellphone ko to check if my boyfriend has a message kaya nakita kong it was 10:05pm. Pero bago ako tuluyang makatulog may narinig po ako but I'm not sure."
"Anong narinig mo hija?" curious na tanong ng imbestigador.